THE BEST WATTPAD AUTHOR *para sakin* ATE LENG! ♥

617 15 2
                                    

Simulan natin sa mga bagay na may SENSE.

Sayang! Tsk. Hindi ko madededicate sa kanya ang part na to. Eh kasi naman, matagal na siyang nawala sa wattpad. Mga November 2012 pa. Para sa mga nakakilala sa kanya, at para rin dun sa mga hindi pa, siya lang naman ang nag-iisang SHIRLENGTEARJERKY o mas kilala bilang Ate Leng.

Para sa akin, siya ang pinakamatalinong wattpad author. Makikita mo talaga sa stories niya yung wisdom! Kumbaga ikaw, magreresearch pa lang, siya magpupublish na. Walang wala yang mga nasa What's Hot sa galing ni ate leng. Sorry no offense sa mga fans ha. Alam ko namang magaling din yung mga sikat at kilalang author ngayon, pero dabest pa rin talaga si Ate Leng. At ito ang mga rason:

1. Bawat chapter, may sense. Maraming tinatamad dahil masyado raw mahahaba ang stories niya. Pero teh/koya, kapal mo lang magsabi ng 'i am a book lover' kung simpleng story hindi mo mabasa dahil tinatamad ka dahil mahaba. At tsaka isa pa, bakit hindi mo i-try? I swear, kapag nabasa mo yung stories ni Ate Leng, masasabi mo sa sarili mo na. GRABE. BAKIT NGAYON KO LANG TO NABASA. Tapos, bawat chapters, ito talaga yung... sobrang haba na, sobrang bitin pa rin! Kasi naman sobrang exciting! Mapapaisip ka talaga... parang hula-hoop. NAPAPA-HULA KA!!! Pero mag nagkamali ka naman ng hula. HOOOP! Ang galing! Di ko naisip yun ah! (Okay, corny yung hula-hoop part)

2. Bawat character, nabibigyang pansin. Mapa-bida o kontrabiba, hindi mabubuo ang storya kung wala ang isa.

3. Effortless na kilig. Siya yung tipo ng author na kayang magpakilig ng mga readers kahit wala masyadong scenes. SWEAR! Lalo na ang IF I FALL.

4. Quotable quotes. Quotes ba kamo? Yung mga pang-GM? SOBRANG DAMI NIYAN SA STORIES NI ATE LENG! Lalo na ang IF I FALL.

And lastly, 5. Unique. SOBRANG KAKAIBA TALAGA SI ATE LENG. *bows*

Alam kong magaganda rin naman yung stories na napupublish nowadays. Pero I swear, If I Fall is more than worth it. Ayokong gawing movie/teleserye ang If I Fall kasi hindi mo madadama yung sinasabi ng puso ng bawat character. Kung gusto mo namang kiligin ng sobra sobra, The Despicable Guy ang basahin mo and shet.... NABABALIW KA TALAGA. Ito yung tipo ng story na meenganyo ka talagang mag-daydream kasi maiinggit ka ng sobra kay Jersey! Sarap maghunting ng Kevin Santos eh! At pagdating naman sa mga works/articles ni Ate Leng, guraabee daig pa ang Manila Bulletin! 

Maganda sigurong gawing tv show/movie ang Battle of the Exes!!! SUPER!!!!

At ngayon naman, natatawa ako sa sarili ko, grabe ako magpromote ng stories na wala naman sa wattpad. Hanapin niyo na lang si ate leng sa websites niya. At sa mga naghahanap ng soft copies, ang buong alam ko lang po ay HINDI NAMIMIGAY ANG AUTHOR kaya wag niyong kulitin please lang!!

Yun lang naman.

angbagalngnetko

Ang InternetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon