Crush ka Nang Crush Mo (short story)

225 2 1
                                    

Summer.. At ang Init.. nag lalakad ako pabalik sa bahay namin.. bumili kasi ako nang Yelo.. ang layo nang tindahan eh.. nang bigla akong dinaanan nang kapit bahay namin si Jerlin.. habang sumasakay siya sa bike.. Tumingin lang siya sa akin.. Tulala naman akong naka tayo hawak ang Yelo sa kamay ko.. napa layo na siya... tuloy naman ako sapag lalakad.. tumutulo nang pawis ko..

Pag dating ko sa Bahay.. Sa Harap nang bahay namin na kikita ko si Jerlin.. sa Bintana nila.. Naka tulala siya sa langit.. Pumasok na din ako sa Bahay..  Ako nga pala si Jin.. isang 4th year student..

~Jin

Summer nun.. nang nag ba-bike ako galing sa bahay nang kaibigan ko.. ang init.. kaya binilisan ko ang takbo nito para ma sagip ko ang hangin.. nang bigla kong nakita sang Kaibigan kong si Jin.. naka tingin din siya sa akin..

di nag laon napaka layo ko na sa kanya at umabot na ako sa bahay.. pumunta ako sa kwarto ko at binuksan ang bintana.. tiningnan ko ang mga ulap.. nang bigla kong nakita si Jin pumasok sa bahay nila... Ako nga pala si Jerlin 2nd Year  Student..

~Jerlin

Naalala ko pa.. Nong Bata Pa kami.. Tinapat ni Jerlin na may crush siya sa akin.. Diko alam kung ano dapat ang reaction ko nun kaya diko na siya pinansin pagkatapos.. Ang close namin nong dati.. nag lalaro kasama ang mga barkada.. para nga kaming magkakapatid.. pag na dadapa siya ako yung tumutulong sa kanya.. pag umu-uwi na kami nang sabay nag kaka tuwaan pa kami.. pero bakit nong nag tapat siya na may crush siya sa akin.. di ko na siya kayang makausap..

~Jin

Parehas nga kami nang School.. Pero Di kami Sabay pag uwi.. oh pag punta.. Sinusundo ako nang tatay ko at hinahatid.. Siya naman ang aga niyang umalis.. at ang tagal umiwi.. Noon ang Close namin ni Jin.. Parang magkakapatid na kami.. Dahil ba may crush ako sa kanya di niya na ako tinanggap? ano bang ginawa kong mali..

~Jerlin

Ang dami nang babaeng nag Busted sa akin.. Ang dami nang bumaliwala sa akin.. Last year ko na to dito.. pag graduate ko sa labas na ako mag ka-college.. At wala parin akong girlfriend.. Siguro Dapat kong Balikan ang mga hakbang na ginawa ko..

~Jin

Lagi ko siyang na kikitang may liniligawan.. na sasaktan akong nakikita siyang sweet sa ibang babae.. pero mas nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan dahil sa ibang babae.. ang sweet natin nung bata patayo.. na Umabot ang punto na kung saan ayaw ko nang lumaki.. Please lang bumalik kana..

~Jerlin

Tig-Ulan.. Pasukan nanaman.. Pag uwi ko Umuulan.. Wala akong dalang payong.. nang nakita ko si Jerlin siya lang mag isa sa ilalim nang payong niya.. Na hihiya akong lumapit sa kanya.. o kausapin lang naman siya.. Kaya sinundan ko nalang siya umabot na kami sa bahay namin.. nang di nag papansin sa isat-isa..

~Jin

Tig-Ulan.. Busy si Tatay sa trabaho kaya di niya ako ma susundo pa uwi.. Umuulan nong pa uwi na ako.. Nakita ko si Jin.. Basang basa sa ulan.. Sana di siya mag ka sakit.. na hihiya naman akong i-share sa kanya ang payong ko.. kasi di niya na ako pinapansin.. baka galit parin siya sa akin.. umabot kami sa bahay nang di pinapansin ang isat-isa..

~Jerlin

 Nagkasakit ako.. Kaya nag Absent ako.. Ito bang isang resulta sa pagiging duwag? sa pagiging takot? takot ako na baka ayaw na ni Jerlin sakin kasi di ko na siya pinansin..  pagka hapon na ka kuha ako nang txt.. galing sa Un-known number... "Okay kalang?" Tanong niya.. Nag reply ako nang "Okay lang ako, Salamat sa pag a-alala" Di ko na tinanong kung sino to.. inisip ko nalang na isa sa mga ka klase ko..

~Jin

 Nagkasakit si Jin.. Di siya Pumasok ngayon.. Nag a-alala ako.. kasi ang lakas nang ulan nong araw na yun.. nakuha ko ang number niya noong Plinug (Plug) siya nang kaklase ko sa first year.. takot lang akong mag text sa kanya.. pero ngayong hapon ti-next ko siya" Okay kalang?" sagot naman niya "Okay lang ako, Salamat sa pag a-alala" nag taka ako bakit di niya ako tinanong kung sino ako.. baka akala niya kaklase niyalang nag text sa kanya.. gusto ko sanang i-text sa kanya na si Jerlin ito.. Di ko na kaya... takot parin ako na baka ayaw niya talaga sa akin.. at kung malalaman niya.. di niya na ako papansinin kahit sa text nalang... 

Crush ka Nang Crush Mo (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon