Chapter 2

18 2 0
                                        


Jungkook's POV

Gutom na ako at wala kayong pake.

Nasa canteen kami ngayon at malamang, kakain. Ano pa ba? Alangan namang tatae diba? -_- Nabubwisit ako kasi nakalimutan kong isama si Eilee. Tsk. Panigurado nagtatampo nanaman yun. Eto kasing si Gilagid eh. Kung makahila sa kagwapuhan ko akala mo kung sinong Shine bright like a diamond.

"Huy! Kanina ka pa nakatulala diyan! Akala ko ba gutom kana?" Nawalan na ako ng gana dahil sa Kabayong 'to.

Lumabas ako ng Canteen at dumiretso ako sa Room namin. Kukunin ko na ang mga gamit ko ng maalala ko na, uuwi nga pala si Eilee ngayon. Di ko man lang siya nahatid.

Tumakbo ako palabas para maabutan sana si Eilee pero it's too late. Huwaw! English yun ah. Bwahahaha!

Pupunta na lang ako sa bahay nila.

Eilee's POV

Kararating ko lang at sobrang sakit ng paa ko. Pano ba naman? Naglakad ako eh. Wala akong pamasahe. 5Pesos lang natira sakin. Kinuha kasi lahat ni Leader Mon pera ko. Maski pambili daw niya ng Condom. Hahahahaha joke!

Papasok na ako sa kwarto ko ng bigla namang may nagdoor bell.

"Ha? Akala ko ba next week pa uuwi sila Mama? Haha. Baka narealize nila na hindi ko deserve maging loner. Sa ganda kong 'to! Hahaha." Sabi ko sa sarili ko na parang tanga. WALAKANGPAKE. PAKYU!

Oh? Si Kookielong pala. Matapos niya ako iwan? Ni hindi man lang niya ako sinama sa Canteen tapos pupunta pa siya dito?

Sige, ganyan naman eh. Ako na lang lagi yung iniiwan.

"Oh? Bakit ka napadaan dito?" Mariin na tanong ko at pinapasok muna siya sa Mansyon ko. Huehue .

"Kumain kana ba?" Tanong niya. Huwaw! Malamang hindi pa. Kararating ko lang diba? Diba?

"Hindi pa. Bakit? Balak mo akong kainin? Este--- pakainin? Aba! May pera ako. Wag ka." Sambit ko.

Natawa naman siya bigla. Baliw talaga ilong nito.

"Bakit may sinabi ba ako na papakainin kita? Ulol mo. Bwahahahahaha!" In-ulol pa ako. Putcha!

"Kung wala kang matino na sasabihin at gagawin dito sa pamamahay ko, pwes! Maaari ka nang umalis." Sabi ko habang pinagtutulakan siya palabas.

Masyado naman ata akong hard? Huehue. Paki mo ba.

"Hindi ako pwedeng umalis dito. Nasaan ang kwarto ng Kuya mo?"

Aba puta! Nagtatanong pa lang siya tapos, umaakyat na? Aba bastusin tong ilong na 'to. Napaka-gwapo---este napaka-walangya.

Nasa kalagitnaan ako ng pangtatrash talk ng bigla na lang ako nakarinig ng isang malakas na kabog sa 2nd Floor. Teka? Anong nangyare.

Bigla na lang akong kinabahan at umakyat pataas.

Nagulat ako nang nakita ko si Jungkook na nakahiga sa sahig. Agad ko naman siyang nilapitan at f*ck! Wala siyang malay!

BUTTERFLY DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon