SITL: Entry #4

22 1 1
                                    

Late update po, sorry. Inuna ko po muna kasi yung I Fell in Love With the Ice Princess (IFILWTIP) eh. Sensya po. ^__^v

Enjoy reading! :D

xxxxx-xxxxx-xxxxx

SITL: Entry# 4

Dennisse's Point of View

*BOOOOOOOOOOGGGGSSSSHHHH!!!*

"Ah! Ano ba?!" I irritatedly said as I fell on the floor because someone bumped into me.

"Sorry miss?" sagot niya sa akin habang tumatayo siya. Hindi ko talaga siya nakikita dahil nakatungo ako at pinupulot ang mga gamit ko pero naaaninag ko naman ang mga kilos niya.

"Sorry ka dyan?! Err! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!" inis na inis na sagot ko sa kanya habang pinupulot pa rin ang mga gamit ko at hindi pa rin tumitingin sa kanya. Sa tingin ko ay lalaki siya dahil sa pananamit at sa boses niya.

"Sorry talaga. I'll do a favor if you want? Halika, I'll help you up." tapos in-offer niya sa akin ang kamay niya para itayo ako. Tapos naman na ako magpulot ng mga gamit kaya makakausap ko na siya nang harap-harapan.

"Favor?! So tingin mo talaga madadaan mo ako sa favor mo?! Alisin mo yang kamay mo dahil kaya kong tumayo mag-isa kahiut wala ang tu- YOU!?!!"

"Dennisse?"

"Nerdy. -___-"

"Kunin mo na ang kamay ko at tutulungan na kitang tum-"

"HINDI NA SABI EH! Kaya ko nang mag-isa! OKAY?!"

"Pero - teka! Umiiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Ugh! Oo nga pal! Nagluluha na yung mata ko kanina habang tumatakbo.

"Hindi ako umiiyak! Leave me alone! I can do this by myself!" tapos umiwas ako ng tingin sa kanya at tinabing ang kamay niyang ino-offer niya sa akin. Tumayo ako kaso, "Ouch!" Natumba ako ulit. Napilayan ata ako sa may ankle.

"sabi ko naman sayo eh. Tutulungan na nga kita eh. Tapos ayaw mo pa." at inilahad niya ulit ang kamay niya para i-offer sakin.

"Wag ka ngang magbait-baitan! Kasalanan  mo pa nga kung bakit ako napilayan eh. Binangga mo ko. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Tapos gusto mo pang palabasin ngayon n mabait ka dahil ino-offer mo sakin ang tulong mo?! Hindi ako kakagat sa pain mo! Lumayo ka sakin! Kaya ko na itong mag-isa." at muli kong tinabing yung kamay niya pero this time mas malakas na.

"Hindi naman kita binangga eh. In fact, nakatingin ho ako sa dinadaanan ko! Ikaw tong hindi nakatingin sa dinadaanan. See, nagkabanggaan tayo sa corner. Paliko palang ako nang bigla mo akong sinalubong. Napakabilis nga ng takbo mo eh. Dahan-dahan akong naglalakad dito, nagkasalubong tayo, at nang dahil sa mabilis mong pagtakbo kaya tayo parehong natumba. Napilayan ka dahil doon. I'm giving you a chance to ask me  favor dahil kahit papano may contribution din naman ako sa pagkakapilay mo. Tutulungan na nga lang kita diba? Kunin mo nalang ang kamay ko at dadallhin kita sa cli - " hindi ko na siya pinatapos. Naririndi na ako Ayoko sa lahat yung pinagsasabihan ako eh.

"ENOUGH! Tama na! Pwede?! Wag mong gamitin sakin yang katalinuhan mo, yang conclusions mo, yang explananations mo, ENOUGH OF THEM! JUST LEAVE ME ALONE!" then my voice broke in the last statement. May tumulong isang luha mula sa mata ko.

He just heaved a sigh out then turned his back on me and left.

Lahat talaga ng mga lalake ay mang-iiwan.

That thought made me cry more.

Naiwan akong nakaupo pa rin sa sahig gawa ng pagkakatumba ko kanina. I just helped my self. Sinubukan ko pa ring tumayo. Kumapit nalang ako upuan na nandoonpara makatayo. Hindi ako ctually tumayo dahil umupo nalang ako sa upuan. Yung upuan na yon ay parang katulad ng mga bench s park. Bagay lang naman dahil may mini park sa tabi ng building na ito at mas maraming mga benches doon. Sinubukan kong maglakad. Nakakalakad naman ako kaso paika-ika lang. Naglakad ako papunta sa isa sa mga bench sa mini park na yon at umupo doon.

Suddenly It's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon