Chapter Nine: The New Visitor

151 9 4
                                    

XXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXo

Chapter Nine: The New Visitor

 XXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXoXXo

|||| Third person's POV ||||

 Nagtataka ba kayo kung sino si Chen? Let me tell you this. Si Chen, ay hindi lang basta kawal ni Drave. Secret lang natin to ha! Baka malagot ako kay Chen. :33

--

Si Chen ay nanggaling lamang sa isang simpleng pamilya. Isang masayang pamilya, na akala niya noon ay magtatagal. Ngunit isang gabi. Ang gabi na inaakala nya ay masaya, ay naging pinakamalungkot na pangyayari na gabi gabi'y bumabangungot sakanya.

 Ang kanyang tatay ay humahangos na umuwi sa kanilang bahay. Nagtaka ang magi-ina sa ikinikilos ng kanyang tatay,ito ay balisa at hindi nakibo kaya hindi na napigilan ng kanyang inay na tanungin ang asawa.

"Anong nangyari Sebastian?!" tanong ng nanay ni Chen.

"S-si Arlyneth, binantaan nya ako, na kapag hindi ako sumama sa kanya, papatayin nya kayo, binigyan niya ako ng dalawang araw para pagisipan ito." nanginginig na sabi ni Sebastian.

Napaupo ang kanilang ina sa sahig at inalalayan ito ni Chen at ng kanyang kapatid. "P-paano? B-akit ka nya gustong isama? AT SAAN?!" Naghi-hysterical na ang ina. 

"T-tama ang aking hinala, may gusto saakin si Arlyneth, at gusto niya akong isama s-sa" hindi naituloy ni Sebastian ang kanyang sasaihin.

"Saan? Sebastian?! Saan?" muling tanong ng ina.

"Sa Kakahuyan n-ng ng Mystika." naiiyak na sambit ni Sebastian.

"Iiwan mo kami Papa?!" tanong ng batang Chen.

"Hindi. Isasama kita Anak, isasama kita Joshua." sabi ni Joshua.

Joshua ang totoong pangalan ni Chen, pinaltan ito ng "Chen" noong siya'y nasa Mystic Woods na. 

Nagimpake na ang mag-ama. At ito na ang araw na pupuntahan na nila si Arlyneth. 

"Mag-iingat kayo dito ha? Wala kami ni Joshua para bantayan kayo. At ikaw Jasmine, Kahit na hindi kita tunay na anak palagi mong tatandaan na ikaw lang ang prinsesa ni Papa ha? Kahit malayo ako sainyo, mananatili kayo sa puso ko. Babalikan ko kayo." sambit ni Sebastian, ngunit kahit siya sa sarili nya, hindi niya alam kung matutupad pa nya ang pangako nya sa mag-ina. 

"Joshua anak, tara na." naiiyak na sabi ni Sebastian, at garagal na ang boses.

[ONHOLD] Loving You SecretlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon