Diary ng Panget book 2

2.6K 20 2
                                    

June 29, 2013

Lakad ng barkada na super late na ko dumating dahil sa mga dapat tapusin sa school. Hindi ko na ikwekwento ang pinagdaanan ko dahil hindi naman sya masaya kaya yung bonding time na lang namin.

Matagal na naming alam ni Yuni na available na sa market ang DNP book 2. Kaya naman kakaannounce pa lang ni Denny na available na sya sa market tinext ko na agad sya dahil may sakit ako nung mga time nay un kaya lang magkadugsong nga talaga ang katangahan namin ako na may sakit at inaapoy ng lagnat at sya naman na masakit ang ulo dahil sa trabaho.

Okay back sa bonding time..

We planned na magpapafacial kaming tatlo dahil sa stressful days namin. (Wow facial mayaman hahaha. Hindi kami mayaman nina Yuni at Shomi. Kasama namin si Shomie dahil lumuwas sya galing province para mag – apply ng trabaho. Hindi kami mayaman pinag – ipunan namin yun para makapagpafacial) but sadya talagang hindi kami patuloy tuloy sa plano namin dahil bumabagyo nung time nay un. Signal #2 na daw sa buong metro manila kaya naman hindi na lang namin itinuloy ang plano namin.

Pumasok kami sa AliMall dahil titingin kami ng eye glass dahil nga siguro gusto na talaga kaming pauwiin hindi na namin itinuloy yun dahil pagpasok pa lang namin at yung gusto naming frame ni Yuni ng salamin worth 2k. Anak ng! lumabas na lang kami. Ang mahal kaya ginto!

“Ano ng gagawin natin?” tanong ni Shomie na naiinis pa din kay Manong guard na humablot ng bag nya habang chinecheck ang bag nya pagpasok sa Mall.

“Wala uuwi na” tinatamad na sagot namin.

“Bili na kaya tayo ng book Yuni” tanong k okay Yuni habang naglalakad

“Oo nga bumili na kayo ng book para naman may ma – accomplish kayong dalawa. Hindi na nga tayo nakapagpafacial hindi pa kayo nakabili ng salamin” pumasok na agad kami sa National at hinanap ang DNP book 2.

Ang hirap nya hanapin! Hindi mo sya basta basta makikita sa NBS AliMall kung hindi ka magtatanong sa customer service na tinatago pala ang DNP book2 sa ilalim ng desk nila. Kumuha ako ng dalawa para tig – isa kami ni Yuni.

Pagkakita sakin niShomie na nakangiti habang hawak hawak ang dalawang book

“Ahh.. Ganyanan kayo lang dalawa? Kayo lang dalawa ang magbabasa nyan?” nagtinginan kami ni Yuni

“Bakit nabasa na ba nya yung book 1?” tanong k okay Yuni

“Aba malay ko dyan hindi nga nya ata alam yan eh” bigla na lang lumabas ng NBS si Shomie na parang nagtatampo.

“Hala nagtampo ata? Ano bibilhan ba natin sya ng book 1?” tanong ko kay Yuni na natatawa lang “Sundan mo na nga yun bibilhan na natin sya ng book 1 nag – tatampo na naman yun” sinunod naman ako ni Yuni at kinuha ko na ng DNP book 1 si Shomie.

Pagbalik nila nakatawa si Shomie at

“Ano bibilhan ka namin ng book 1?”

“Hindi ayaw ko nyan gusto ko nakakaiyak” ahhh gusto mo nakakaiyak bibigyan kita ng nakakaiyak. “Bru gusto ko yung The Perks something eke k na yun”

“EEHHH!! Wag yun mahal kaya yun pati hindi maganda yun hindi worth it ang pera!” sabi ko sa kanya habang hinahanap ang libro

Aha!! Nandito ka lang pala!

Alam nyo ba na nasa pinakababa ang DNP 1 at 2 pati na din yung one hundred and one reasons ni Miss Bianca.

Kinuha ko yung libro at pinakita kay Shomie.

“Gusto ko to!” kinuha nya yung book 2 ng libro ni Miss Bianca

“Hindi pwede yan yung sequel eh!” si Yuni na busy sa pagtitingin ng mga libro ni Bob Ong na sinuggest ko ‘Ang paboritong libro ni Hudas’ hahah actually hindi ko pa sya nababasa may nagsabi lang sakin na maganda yun at binabasa din sya ng Tita k okay sinabi ko sa kanya.

Magbabayad na kami sa cashier at pagkabayad ko ang dalawa nagpipicturan pala dun sa likod ng poste ng NBS. Nakuha pa nitong dalawang to magpicture picture bumabagyo na nga!!

Pauwi na kami at ihahatid namin si Shomie sa LRT habang papunta sa LRT wala kaming ginawa kundi magbatukan at maghampasan ng kamay habang naglalakad.

Partida nakadress ako at si Yuni tapos nakapants si Shomie pinagtitingnan na kami ng mga tao pero wala kaming pakealam. Ako ang nagsimula ng batukan at hampasan na yan kaya naman nung malapit na kami sa LRT wala kaming ginawa kundi humagalpak ng tawa na hindi namin alam kung bakit. Basta tawa lang kami ng tawa habang nagbabatukan at habang pumapasok si Shomie sa station.

Yeah siguro nga para kaming baliw pagnagsama – sama pero grabe ang saya namin nung time na yun kahit ilang oras lang kaming magkasama.

Yan ang story with my friends and the book hunting ng BOOK 2

Mas medaling hanapin ang Book 2 kesa sa 1 hindi ko alam kung bakit basta nadalian kami sa paghahanap sa kanya siguro hustler na  kami sa paghahanap kaya ganito hahahaha J

///

Nasa byahe pa lang ako binabasa ko na ang DNP may magic ata tong librong to kaya ang hirap bitawan. Kaya hanggang 12 midnight ako nagbabasa at natapos ko sya ng wala pang isang gabi.

May magic talaga tong librong to… dahil kahit nasa byahe ako wala akong pakealam kung may nakatingin sakin habang napapangiti at natatawa sa mga eksena.

Diary ng Panget Book Hunting. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon