Simulan natin sa paghihintay ng libro na to.
Simula nung inanannounce na malapit na ma – release ang book na to sa National Bookstore (NBS) well sabihin na nating sinabi nila na after 2 weeks pwede na sya mabili sa store or I – dedeliver na sya sa NBS.
Sa lakas lang naman ng trip ko at ewan ko ba kung inaabot lang talaga ako ng kulit everytime na pupunta ako o kasama ko si Yuni sa tapat ng NBS hindi namin mapigilan na hindi magtanong sa customer service kung meron ba silang book ng DNP or wala. Dumating na nga sa point na may naiinis na samin cashier dahil nagtatanong kami ng DNP. Actually hindi naman ata sya galit parang naiinis na ata sya kasi madaming nagtatanong about sa book ng DNP.
Ito lang naman ang line up ng mga napagtanungan namin:
NBS:
· Cubao (main branch)
· Farmers
· MOA
· Market – Market
· Fairview
Oh di ba? Hindi naman halata na excited kami sa DNP di ba? Hindi talaga. Hindi nga namin yan pinuntahan eh. Hahaha
Well yan ang experience namin sa paghahanap ng DNP. Natutuwa naman kami kahit walang sumasagot samin na ‘Yes ma’am meron po kami dito’
MAY 5, 2013
Biglang nagtext si Yuni habang nasa class ako.
Yuni: Choi!! Dadalhin na ang DNP sa mga lugar na to!!
Sinabi nya kung san san yun. Kaya lang ang layo sa school ko imagine pupunta pa ko ng Makati para lang bumili ng libro kaya naman
Choi: Ikaw na ang bumili!! Babayaran kita mamaya malapit ka naman sa Megamall eh!!
Grabe gustong gusto ko na umalis sa kinauupuan ko nung mga time na yun. Gusto ko na I- advance ang relo ng school namin para uwian na!! Gusto ko na makita yung book ng DNP!! Ang tagal ng oras!
After class
Hinintay ko si Yuni sa cubao kaya sa kasamaang palad..
TT____________________________TT
I –dedeliver pa lang daw yung libro sa Megamall kaya wala pa..
Anak ng!! Tinanggal nyo ang excitement namin sa pagbabasa ng DNP!!
MAY 6, 2013
Hindi pa din sumusuko ang matabang baboy na si Choi kaya after ng 1st class ko tumakbo na agad ako sa NBS recto at
Choi: May Diary po ba kayo ng Panget?
Cashier: Tanong mo dun sa customer service
Cashier: May… Diary po ba kayo nga Panget?
Customer Service: DUN SA CASHIER MADAMING PANGET..
Anak ng tinapa ka ate CASHIER!! Nasa tabi mo lang pala yung hinahanap ko! Hindi mo pa sinabi! Pinaglakad mo pa ko papunta ng customer service!!
Pagkakita na pagkakita ko sa book kuminang ang mata ko at ang luwang ng ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko pa nababasa ang book ang saya ko na
^____________________________^
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget Book Hunting. (One Shot)
HumorIto lang naman ang katangahan namin ni Yuni nung nalaman namin na nasa bookstore na ang DNP. ^____________^ Ang laging adventure namin sa paghahanap ng DNP book. Ang booksigning sa Kahangahangang Author at baka maging adventure pa nangpanunuod nami...