SEVENTEEN..

19.1K 309 21
                                    

CHAPTER SEVENTEEN..

"KYAAAAAH!! KYAAAAAH!! KYAAAAH!! NAKAKAINIS KA JONGIN!!!!!! BAKIT AKO KINIKILIG SAYO!!!" todo tili ako pagkapasok ko sa cr. Pero syempre sinigurado ko na walang ibang tao.

"WAAAAAAAH!! BAKIT MO SINABI YUNG MAGIC WORD??!!!" Yung magic word eh yung MAHAL KITA. Kasi last time humingi ako ng sign, na kapag sinabi niya yung 'mahal kita' seseryosohin ko na siya.

Kasi sabi nung prof namin na mas sincere daw yung 'mahal kita' kaysa 'i love you' kasi daw pag in-english yung salitang mahal eh expensive. Halimbawa na lang sa materyal na bagay, kapag may gusto kang bilhin pero mahal syempre diba pag-iipunan mo para mabili mo, in short paghihirapan mo. At once nasayo na yung bagay na yun iingatan mo, pahahalagahan mo at kapag naman nawala o nasira yung bagay na yun manghihinayang ka kasi mahal. Kaya kapag may nagsabi daw sayo ng 'mahal kita' ibig sabihin totoo yun kasi ang tingin niya sayo precious na dapat pahalagahan at wag iwawala. Kaya ayun, seseryosohin ko na si Kai.

"KYAAAAAAAAAAAAAH!! Okay tama na. OA na." Kinalma ko yung sarili ko, tsaka bumalik sa pwesto namin ni Kai. Buti na lang nandun pa siya.

"Oh, girlfriend anong nangyari sayo? Bakit bigla kang tumakbo?" Halata sa boses niya na nagaalala siya.

"Hehehe wala lang. Tara na, may klase pa ako." hinawakan ko yung kamay tsaka siya hinila papunta sa room ko. "Sige na. Punta ka na sa room mo." tapos kiniss ko siya sa lips tsaka tumakbo sa loob ng room. Waaaaah!!! Nakakahiya ako! First time yun ah, yung ako yung unang nagkiss sa kanya. Eh sa hindi ko din alam kung paano magkaroon ng serious relationship eh. Kasi yung mga past relationship ko parang puppy love pa lang yun eh. This time gusto ko na ng seryoso.

After ng class ko, hinanap ng mata ko si Kai pero wala siya sa labas ng room. Deep inside, nalungkot ako. Aaminin ko, nasanay na ako sa presence niya. Kaya medyo nalungkot ako kasi wala siya. 

Naglakad na ako palabas ng campus, di ko makita si Luhan. Asan na kaya yung tukmol na yun? Hindi ko pa nakikita yun ngayon ah. Ang loner ko tuloy ngayon.

"So mag-isa ngayon ang slut. For sure tinapon ka na ni Kai. Hahaha masyado kasing assuming."

Tiningnan ko yung nagsalita, yung babaeng mukhang ipis pala na nangaway sakin sa cr. Linagpasan ko lang siya. Wala ako sa mood magtaray ngayon eh.

Hinila niya yung buhok ko, "Wag mo akong nilalagpasan, bitch! Kinakausap kita!" Ah! Puta! Gusto niya ng away ah!

Gaganti na dapat ako ng sabunot, pero may pumigil sakin. "Hayaan mo na siya, girlfriend." Ang sama ng tingin niya dun sa babaeng haliparot, "Wag na wag mong sasaktan yung girlfriend, kundi ako mananakit sayo." tapos hinawakan niya yung kamay ko, "Tara na, girlfriend?" tapos hinila niya na ako papunta sa kotse niya.

"Saan ka ba galing kanina? Bakit wala ka sa tapat ng room? Inaway tuloy ako nung babae mong malandi."

Ngumiti naman siya bigla. Mongoloid ba to? Kanina lang galit tapos ngayon nakangiti, "Bakit miss mo na agad ako, girlfriend? Hehehehehehe pinatawag kasi ako ni dad kaya di kita napuntahan agad. Pero don't worry di na yun mauulit." tapos inakbayan niya ako.

Namula naman ako, "Oy huh!....... namiss kita onte ..." yumuko ako para di niya makita na namumula na ako.

Niyakap niya ako, sobrang higpit. "Di mo alam kung gaano ako kasaya sa sinabi mo. Kahit maliit na bagay lang yun, sobrang naappreciate ko yun. Sana mag work tayo."

I hugged him back, "Magwo-work tayo, promise."

his game :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon