FIVE..

26.2K 397 35
                                    

CHAPTER FIVE..

Laureen's POV

Nagising ako sa sikat ng araw sa mukha ko. Pagdilat ko, mukha agad ng isang gwapong nilalang ang nakita ko. Di ko maiwasan na pagmasdan ang mukha niya, mahabang pilikmata, matangos na ilong, makapal na maliit na labi na nakadagdag sa kagwapuhan niya. Kaya naman walang babaeng makakatanggi sa kanya.

Napatingin ako sa katawan ko. Fuck!! Wala akong damit! So totoong may nangyari? Hindi lang yun panaginip? Shit!! Ang tanga tanga mo Laureen!! Ganun mo lang kabilis binigay sa kanya yun?! 

Eh lasing ako eh. Wala ako sa sarili ko. 

Kahit na!! Naku!! Paano kung iwan ka niyan pagkatapos niyang makuha yung gusto niya?! Pano na yung plano mo? 

Ako bahala. Magagawa ko pa rin yung plano. Ito ang laro niya, so kailangan kong makipaglaro.

"Ang gwapo ko noh?" Ngumiti siya bigla, pero nakapikit pa rin. Tangina nito! Gising pala.

"Gago! Asa ka naman noh!" Tumalikod ako sa kanya tsaka hinila yung kumot papunta sakin. "Pumikit ka!! Magbibihis ako!"

Ngumiti na na naman siya ng nakakaloko, "Bakit pa? Eh nakita ko naman na yan. Natikman ko pa nga eh."

Pinalo ko siya ng pagkalakas-lakas. "Tangina mo!! Ang manyak mo!! Umalis ka nga dyan!!"

 

"Woah! Aray! Bakit mo ako pinapaalis eh condo ko to?"

 

"Edi iyo! Inaangkin ko ba?! Che! Dyan ka na nga." Hinila ko na talaga yung kumot para ibalot sa katawan ko. Hinagilap ko yung mga damit. At punyeta nasa living area pala! Kinuha ko yun tsaka dali-daling nagbihis. 

Paglabas ko ng cr, naka-boxer na si Kai at prenteng nakaupo sa couch. "Hoy!! Uuwi na ako! May pasok pa ako. Fuck. Lagot ako nito sa nanay ko." Sigaw ko sa kanya habang naglalakad ako palabas ng unit niya.

"Hey! Hey! Wait. Di ka pwedeng umalis. Ang girlfriend ko dapat pinagluluto ako. Tsaka sabay tayong papasok. And don't worry alam ni tita na nandito ka."

 

"Hey! Hey ka din. Unang-una hindi ako marunong magluto. Pangalawa kaya ko pumasok mag-isa at pangatlo, kailan mo pa naging tita ang nanay ko?!" Aalis na talaga dapat ako, pero pinigilan niya ako sa braso

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. As in sobrang lapit. Naamoy ko na nga yung hininga niya eh. "Magluluto ka ng breakfast natin. Sabay tayo papasok. At tatawagin kong tita ang mom mo. Or else bibigyan kita ng round two." Sabi niya in soft and husky voice with matching pamatay na half smile.

Namula naman ako sa sinabi niya, "Magluluto na nga eh!! Asan ba yung kitchen mo?" Tae!! Round two pa gusto. Ang sakit kaya.

"Good girl. Dun." Tapos tinuro yung pintuan dun sa dulo.

Pumunta ako sa kitchen at tiningnan sa fridge kung anong pwedeng lutuin. 

Tangina!! Akala ko ba pinagluluto siya ng girlfriend niya? Eh bakit puro alak at chips ang nandito at kakapiranggot na matinong pagkain. No choice. Kaya kinuha ko yung loaf bread na matigas na dahil ilang araw na atang di nagalaw tsaka yung butter. Buti naman kumpleto ang kitchen appliances nito, kaya tinoast ko na lang yung tinapay.

"Hoy! Boyfriend! Halika na dito. Luto na yung pagkain mo."

Wala pang five seconds nasa dining area na siya at nakangiti ng pagkalapad- lapad. "Masarap ba yan? Huh? Girlfriend?"

 

"Wag ka umasa na may masarap kang almusal, boyfriend. Dahil walang laman ang fridge mo. Dyan ka na maaliligo na ako."  

Pero bago pa ako makalabas ng dining area, napigilan na naman niya ako.

"Sabay tayo magbe-breakfast, girlfriend. Remember?" Tungunu! Ayan na naman siya sa evil grin niya.

"Oo na!" So umupo na ako sa upuan sa tapat niya.

Nung natapos na kaming kumain, inayos ko na yung pinagkainan namin. Habang naghuhugas ng plato, naramdaman ko na may yumakap sakin mula sa likod.

"Sabay tayo maligo, girlfriend." Sabi ni Kai habang nakapatong yung baba niya sa balikat ko.

"Pakyu! Mag-isa ka!" Siniko ko siya at ayun buti kumalas na.

Sabay nga kaming pumasok. Habang papasok kami, ang daming nakatingin samin. 

Malamang pagtitingin kami. Hello?! Si Mr. Dreamboy kasama si Ms. Sinokaba? Madalas kasing kasama niyan eh yung mga sikat at magagandang students, so magtataka talaga sila pag nakita nila may kasama si Kai na unknown girl. Tapos ang loko nakaakbay pa sakin.

"Hoy pwede mo na akong bitawan. Papasok na ako sa room. Tsaka di ka ba nahihiya pinagtitinginan tayo? Ay sabagay walang hiya ka naman."

 

"Ouch! Girlfriend, ang sakit mo naman magsalita. Hayaan mo na lang kasi sila." Tapos ayun hinatid ako hanggang sa room nitong si Boyfriend.

his game :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon