CHAPTER ONE
×× EMILY'S POV ××
Nakahiga sa kama ng ospital si Mama at inuubo nanaman. Dala raw ng katandaan ay nanghihina na siya tapos sinabayan pa ito ng breast cancer niya.
Hindi ko maatim na titigan si Mama sa ganitong sitwasyon. Iba ang nasa utak ko ng isang masayang pamilya..
"Anak, hindi mo na kailangan ipa-ospital ang Mama. Hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko.."
"Mama wag mo namang sabihin yan! Ikaw nalang ang meron ako Ma.. Hindi ko hahayaang mawala ka pa."
Sumimangot siya at hinaplos ang mukha ko. "Matanda kana Emily. Alam kong makakahanap ka ng trabaho kahit hindi ka nakatapos ng kolehiyo."
Hindi ko na mapigiling mapaluha. Hanggang ngayon ay nagtra-trabaho lang akong waitress sa isang coffee shop na kulang parin para pambayad sa ospital.
"Hindi ako susuko Mama. Maghahanap po ako ng mas magandang trabaho na may malaking sweldo para mapa opera na kayo.."
Hindi man lang ngumiti si Mama pero niyakap ko siya bago ako lumabas ng kwarto niya. Maghahanap ako ng iba pang trabaho para kay Mama..
~°~
Shift ko na sa Coffee shop na pinagta-trbahuan ko. Ang kaibigan kong si Eula ang nagbabantay muna kay Mama.
"Emily tawag ka raw ni boss. Asa taas sa office niya."
Ang sinasabi niya ang may-ari netong coffee shop. Tumango ako sa kanya at dumiretso sa office.
"Ms. Ignacio. How is your work?"
"F-Fine Sir."
Si Sir Montero ay nasa late 30's na at single father sa kaisa-isa niyang anak na lalaki. Bakit naman niya ako tinawag?
"I background checked all of my employees.. And It seems that you need extra cash?"
"Y-yes Sir."
"I have an offer for you."
May inabot siya saaking folder at tinignan ko ang first page. Babysitting? I don't really get along with children-- wait.
Php 100,000 a month!? A MONTH!? Eh sweldo sa Coffee shop dito halos 5,000 lang eh.
"What do you think Ms. Ignacio?"
Agad agad kong sinign ang mga kailangan I-sign. Binasa ko rin naman lahat para makasigurong makaturungan tong ginagawa ko.
"Very Good choice. Come with me.."
Sumunod ako sa likod niya at may mga body guards na nakasunod saamin. Saan kami papunta? Teka ngayon kolang narealize..
ANG TANDA NA NG ANAK NI SIR EH!
Baka naman may bago siyang anak? Ampon? New wife? Bahala na nga..
-- Montero Residence --
Gamit ng limo na pagkahaba haba ng mga Montero ay nakaratiing kami sa mansion nila.
Nakakabighani talaga kahit tignan mo mula sa labas. Nahiya tuloy ako sa suot kong pang waitress attire.
Pagbaba na pagbaba namin ay nakapila ang mga maids at binati kami. Pinabalik sila ni Sir sa trabaho.
Dumiretso kami sa isang malaking kwarto sa second floor at kumatok ng malakas si Sir sa pinto.
"Coming!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Ito na kaya ang anak ni Sir? Balita ko gwapo raw ito at wala pang nagiging girlfriend..
Pagbukas ng pinto ay isang matipuno at morenong lalaki ang nakita ko. Itim ang kanyang buhok at may mahaba itong bangs na tinatakpan ang kanan niyang mata. Hindi ako makapaniwala na sobrang gwapo ng nilalang na nasa harapan ko.
"Xandrick. Where's your brother?" Ma-awtoridad na tanong ni Sir Montero. Itinuro ni Xandrick ang pinto nasa tapat niya na ngayon kolang napansin.
"She's there.."
She? She.. She.. She.. SHE!? May kapatid siyang babae!? Bakit hindi ako updated? Ok OA na sarreh.
"What do you want dadeh?"
Napanga-nga ako pagkakita ko sa lalaking--babae?-- baklang naka-silip sa pinto. Magkamukhang-magkamukha sila ni Xandrick pero may cream siya sa mukha at may fake eyelashes pang suot.
Jusko. Hahawak sana ako sa pader pero may sumalo sakin. Si Xandrick ang cold ng mga mata niya na nakatingin sakin.
"You should be careful."
Umayos ako ng tayo at yumuko. "Pasensya na po Sir."
"No need." Itinaas niya ang kamay niya. "Just call me Rick. And you are?"
"Emily.. Emily Ignacio po."
"Emily come here!" Sir Montero
Ngumiti ako kay Sir Rick at lumapit kay Sir Montero. Grabe maloloka ata ako dito sa pamilyang to-- lalo na siya..
"This is my younger son. His name is Xander and he's the one you're going to babysit."
Sunod-sunod akong tumango. Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin at saka ako binuhat.
"Ay mareshki! Magkakasundo tayo sarelalu aketch!"
Kung hindi lang bakla to baka kinilig na ako dahil ang gwapo talaga. Sayang na sayang talaga T_T
Kailan kapa lumandi Emily?
Sa bakla lang sorry *pout*
"So.. I'll leave you guys. You know what to do Emily."
Umalis na si Sir at sumunod sa kanya si Xandrick. Kaya bumaling ako sa alaga kong tingin ko mas matanda pa sakin..
"Tara babes let's go inside!" Hinila niya ako papasok ng kwarto niya. Nagtaka ako dahil panlalaki lahat ng gamit. Walang kahit anong banhid ng pagkababae.
"Nakatulaley ka ba? Let's go here." Hinila niya ako papunta sa isa pang pinto at doon nako na napanga-nga.
Pink..
White..
Hello Kitty..
Hearts..
Princesses..
"Welcome to my real room you know? Fake lang naman kase yung sa kabila. Panakip lang sa totoong identity ko kumbaga."
Ok..
Anong klaseng trabaho ba ang pinasok ko? Babysitting my Boss' Gay Son. Tawagin nalang nating Special Job..
Kaya ko ba 'to?
Sabagay first day palang. What could happen?
BINABASA MO ANG
Special Job? (On-Hold)
RomanceAko si Emily Ignacio. Isa lang akong hamak na pagkakamali at kinakailangan ko ng pera upang maipagamot ang ina ko. Ang tatay ko? Matagal ng lumayas. Kaya ako nalang naiwan kay Mama. Sinubukan ko ang iba't-ibang trabaho. Ngunit hindi rin ako nagtatag...