CHAPTER ONE -- THE SAVIOR
LUNES nang umaga at ang lahat ng tao sa baryo ay kanya-kanya sa kanilang trabaho. Maingay ang kapaligiran dahil na rin sa mga batang naglalaro sa tabi ng kalye, may nagsusugal at may umiiyak na sanggol sa isang tabi, may naglalaku ng kanya-kanya nilang mga paninda, umuusok sa tabi dahil sa may nagsasaing. Maiingay na nagchichismis na naririnig hanggang sa kabilang baryo.
'Eto ang lagi niyang nadadatnan tuwing umaga sa baryo Humupa. Simula nang mapunta si Krin sa lugar na ito ay parang nasanay na rin siya sa ingay ng lugar.
Hindi siya rito nakatira at kung saan ay 'yon ang hindi niya alam. Simula nang mapunta siya sa baryong ito ay parang nag-iba na rin ang mundo niya.
Napangiwi pa siya nang muntikan na siyang sumubsob sa putikan nang mahagip siya ng dumaang motorsiklo.
"Takte! Dahan-dahan naman!" inis na sambit niya kahit alam niyang hindi iyon maririnig pa ng driver.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa isang maputik at makipot na daan.
"Kuya, bili ka na po. 'Eto na lang po ang huling paninda ko." Natuon ang pansin niya sa isang batang may hawak na pamaypay.
Naaawang hinagud niya ito ng tingin. Nakasuot ito ng gusot at butas-butas na damit. Sa pang-ibaba naman nito ay isang kupas na short. Tumutulo pa ang pawis nito sa noo dulot ng mainit na sikat ng araw. Idagdag pa ang siksikan na daraanan.
Nagdadalawang-isip pa siya kung bibilhin niya ba ang pamaypay na hawak nito. Aanhin ba naman niya ang pamaypay, 'di ba? Nagpabalik-balik ang tingin niya sa hawak niyang bente pesos at sa batang maamo ang mukhang nakatingin sa kanya.
Nagdadalawang-isip siya. Sayang ang perang pambili niya sana ng ulam para sa kanilang pananghalian. Pero naisip niyang hindi pa naman niya siguro ikakamatay ang pagliban ng 'kain. Sa tingin niya ay mas importante ang natitira niyang pera para sa bata. Napamura siya nang mahina. Ngunit ang kanyang konsensiya...
"Sige bata, bibilhin ko na. 'Eto, kunin mo itong pera," sabi niya sabay bigay ng hawak niyang pera.
"Talaga po? Maraming salamat po!" hindi makapaniwala at nagniningning ang mga matang tanong nito pero tinanggap din naman ang pera.
"Oo, pasensiya na bata, pero iyan lang talaga ang pera ko," hinging paumanhin niya.
Paano ba naman ay nakakakonsensiya ang bata. Mukhang napabayaan na ng mga magulang at mag-isa na lang. Base sa suot nitong butas-butas na T-shirt. Nakakaawa ang mga batang gano'n. Hindi nila ginustong maging gano'n ang kinalabasan ng kanilang kapalaran pero iyon mismo ang ibinigay ng Maykapal. Pero naniniwala ang binata na mag-iiba rin ang mga kapalaran ng mga ito, kapag nagsikap ang mga ito at gumawa ng mga mabubuting bagay.
"'Eto na po 'yong pamaypay niyo, Kuya," sabi pa nito at iwinagayway pa ang hawak na pamaypay.
"Sa 'yo na 'yan, bata. Ipamaypay mo 'pag naiinitan ka," sabi pa niya sabay gulo ng buhok nito.
Ewan ba niya pero magaan talaga ang loob niya sa mga bata. Naisip niya tuloy kung mayroon ba siyang mga kapatid bago siya masangkot sa nangyaring aksidente.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Napahinto siya nang makita na niya ang taong kanina pa niyang hinahanap.
Isang babaeng nakasuot ng lose T- shirt at fitted black jeans na pinarisan ng high cut boots. Nakataas ang buhok nito na medyo kulot sa dulo. May suot din itong wrist band na patong-patong at kulay itim. Naka-eyeliner na aakalain ng mga taong nasapak dahil sa kapal. Pero bumagay naman ito sa maputi nitong balat. Nakasuot ito ng head phone at parang walang pakialam sa mundong naglalakad. 'Ang cool niya talaga,' wala sa sariling naisambit ng binata.
May lumapit ditong mga lalaki na kung titingnan ay parang nakadruga sa pula ng mga mata.
BINABASA MO ANG
They Call Her Ms. Cool (REVISED)
Historia CortaMay isang babaeng ubod ng tapang at lakas. Hindi siya normal na babae dahil kung kumilos ay parang lalaki. Siya ang kumupkop sa akin at ang aking taga pagligtas. The reason why I fell for her. -Krin Saiji