Pagod na Ako

90 6 0
                                    


This story consists of works of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imaginations o pawang imahinasyon ko lamang. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincedental.

Kung anumang pagkakahawig ng storya ninyo ay hindi sinasadya kaya ipagpaumanhin niyo po.

Plagiarism is a crime

--------------

"Oo Kath ikaw lang ang mahal ko, sayo lang ako at kahit kailan hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka" saad sa akin ng mahal kong si Kurt

"Kahit kailan kurt mamahalin din kita sa abot ng aking makakaya. I will be your number 1 fan at NUMBER 1 SA PUSO MO" Malanding tugon ko sa kanya

Habang may moment na nangyayari tila bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa kanyang nagmamahal at kumikislap na pagtingin sa akin na naglalapit ang aming mga mukha at ETO NA ETO NA ETO NAAA MAGDIDIKIT NA ANG AMING MGAAAAA LAAAABB---....

"HOY KATHERINA!!! ANAK NG PATOLA KA NAMAN O GUMISING KANA JAN AT TANGHALI NA! IKAW BATA KA BUMANGON KANA AT MALELATE KA PA SA UNANG ARAW MO SA ESKWELA!." nak ng nanay ko naman oo andun na eee!

*yawwwn* hay nako si mama talaga ginising nanaman ang mala cloud nine kong tulog hihihi ikaw ba naman na NAPANAGINIPAN ang labs mo -_-.

"Ma naman e!!! Ang KJ niyo naman sa panaginip ko andun na nga e konting konti na talaga at natikman ko na sana ee". Sabay kamot ko sa batok

Pak! ( binatukan)

" Ano nanamang kahibangan iyan nak!? Maligo kana at magumagahan katherina!"

"Ehh aray ko naman ma, ito na po magaayos na chupiii na po"

"Ay ewan ko sayong bata ka, o siya bababa na ako't maghahanda ng umagahan"

Unang araw na ng eskwela at siyempre sa St. Agustin Academy ako. Pinilit ko talaga ang nanay ko doon para makita ko ang napàkagwapong si DYLAN KURT MELANZA ang napakasungit pero gwapong mahal ko <3. Ako!?

Isang hamak na DIE HARD FAN niya ako ni Fb page niya pictures niya at kung anu-ano pa ang pang sstalk na gawain nagawa ko na .

Ako nga pala si KATHERINA BATUMBAKAL napakatipid ng nanay ko sa pangalan (sarcastic) pero muntikan pa ngang mas mabaho ang pangalan ko dahil INDAYANA daw dapat e di parang INDAY na losyang ang pangalan ko!! Ay protesta abot sa akin ni mama kung ganun >=).

Ginawa ko na ang mga daily routines ko sa umaga ayan MAGANDA na ako. Bumaba narin ako para mag almusal.

"Katherina, dalian mo ngang kumain jan at baka mahuli kapa sa klase"

Hay nako mama maaga pa kaya at siyempre naghanda ako ngayon para kay Kurt <3.

"Opo mama" habang may lamang pagkain ang bunganga ko

"Umayos ka nga anak baka mabulunan ka sa pinag gagawa mo"

Kaya nilunok ko muna ang kinakain ko

"Sorry po ma hehe, ma sige po mauna na ho ako" at humalik na ako sa pisngi niya

***

Andito na ako sa school at syempre may dala akong cookies para sa kanya. Nakilala ko si Kurt noong Grade 3 ako dahil transferee siya noon at ubod na talaga siya ng sungit at snobber pa seatmate pa nga kami noon at para talaga akong multo sa kanya na kahit anong pilit ko papansin sa kanya hindi tumatalab -_- ngunit sa iba ngumingiti naman siya! Napakadaya talaga.

PAGOD na AKO (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon