P R O L O G U E
"So you like my brother." Tiningnan niya ang lalaking kaharap niya. Nagsalita ito habang nakatingin sa basong may alak. She sighed and took a shot again. Napangiwi siya sa natikman. The drink was too strong for a first-timer like her.
She sighed again, "Like?" Umiling ito. "More like love." Tumawa ito na parang baliw. He looked at her with pity in his eyes. Poor girl, he thought. "Teka, alam mo?" Napakunot-noo ang lalake sa tanong nito.
"Know what?" He asked back.
Ngumuso ito na parang bata, "Na...a-ano..na m-may.. G-Gusto ako sa..sakaniya..." Napakamot ito sa ulo habang nakayuko. Sumulyap siya sa lalake at nakita niyang wala itong balak na sagutin ang tanong. Nakita niya itong tumungga bago magsalita.
"Who wouldn't? You're too obvious." Anito in a sarcastic tone.
Oo nga. Lahat ng tao may alam. Siya nalang siguro ang hindi. Pati nga kuya niya may alam, eh. Bakit ang manhid niya?
Namumuo na naman ang luha sakaniyang mata. "Wala na ba talagang pag-asa?" Humikbi na ito sa harap ng kuya ng bestfriend niya. Wala siyang pakealam kung nagmumukhang kawaw siya sa harap nito. Gustong niyang sampalin ang sarili. Dapat nga nandun siya para sa bestfriend niya at sumuporta sa desisyong magiging bahagi ng simbahan pero eto siya naglalasing kasama ang kapatid nitong kinamumuhian niya. Hindi din niya alam kung bakit dinala siya ng nga paa niya na pumunta sa bar ng kuya niya pero wala na kasi siyang maisip. Pero ang hindi niya maintidihan ay kung bakit siya nito tinabihan ang inilibre ng mga alak. Binalewala nalang niga ito. Atleast, naging mabait ito sakaniya kung saan gusto niyang may umintindi. Kahit na hindi naman ito masyadong nagsasalita at para siyang baliw.
"H-Hey stop crying! Baka akala nila pinaiyak kita! Jeez." Tumingin siya sa paligid at oo nga, pinagtitinginan sila ng mga tao. Pinunasan niya naman ang kaniyang luha.
"S-Sorry. Hindi ko kasi napigilan.." Suminghot siya nang inabutan siya nito ng panyo. Kinuha niya ito at sinikmahan. Napangiwi ang lalaki sa inasal nito.
Lord, bakit siya pa? Sorry Po, ah? Pero Po kasi matagal ko ng pinagdarasal na sana magiging kami pero bakit? Sorry din Po kasi ni hindi ko magawang maging masaya sa desisyon niya. Alam ko naman Po na magiging safe siya sa presensya Mo. Sign ko na bang gumive-up sakaniya?
Napabuntong-hininga siya sa naisip. Maybe she really needs to move on.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Brother
RomanceHenna Yvangeline Montevilla is inlove with her bestfriend-Bryan. Bata pa lang sila, alam na niyang may naramdaman siya para rito. But typically, her bestfriend doesn't love her the way she is with him. He loves her but he sees her as his sister. She...