Kabanata 3

28 2 2
                                    

K A B A N A T A  2

"Hay.." Pang-ilang buntong-hininga na ang kaniyang ginawa sa araw na ito. Labag pa din sa loob niya ang pagpapari ni Bryan.

Ang selfish lang pakinggan.

Napakagat-labi siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya sa kaniyang bulsa at agad tiningnan kung sino ang tumawag.

Bryan calling...

Mapait siyang napangiti bago sinagot ang tawag.

"Oh? Anong meron?" Pagsimula niya. Narinig niyang natawa ang kaibigan niya sa kabilang linya. Kinagat  niya ang kaniyang labi. Suddenly, she felt weak.

"Hindi ba pwedeng kumustahin ka?" Sagot nito. Na-iimagine tuloy niyang nangingiti ito ngayon habang kausap siya. Alam niya kasing naaliw si Bry kapag nagtataray siya. "Wag ka ng magtaray. Ang cute mo tuloy."

Biglang nag-init ang pisngi niya. Isa din ito sa mga rason kung bakit hulog na hulog siya kay Bryan. He's just too sweet na hindi pa rin siya nasasanay kahit napakatagal na ng panahong pinagsamahan nila bilang matalik ng magkakaibigan.

"Hindi ako cute. Langya, maganda ang tamang salita." Napairaip na rin siya.

Tumawa sila ng wagas hanggang sa bumalot ang nakakabinging katahimikan ng dalawang linya.

Ano ba 'to, wala talaga akong masabi.

Ilang segundo silang tumahimik at taniging paghihinga lang ang kanilang naririnig. Bumuntong-hininga ulit siya.

"Hey.." She started, "So, when will you celebrate? I mean..you know before you enter the seminary, you'll have a farewell party, right?" Kinagat niya ang kaniyang kuko.

Tumawa naman ito sa kabilang linya, "I thought you'd never ask. Tumawag talaga ako para imbitahin ka. Siyempre, invited sina tita. Kayo pa ba? Malakas kayo sa akin." He chuckled, "Punta ka ha?"

Edi wow. Wala na talagang pag-asa. Shet, ang sakiiit!

She tried to make her voice cheerful anf lively, "Oo naman! Ikaw pa. Malakas ka din sa akin, eh."

Oo langya malakas ang tama ko sayo.

She mentally slapped herself. Ano ba?! Magpapari na nga kaibigan mo! Feeling niya maiiyak na naman siya. I'm such a crybaby.

She swallowed the lump in her throat at tumikhim siya, "K-Kelan ba 'yan?"

"Sa sabado.." He said, "Hey, are you okay?" He sounded worried.

"Oo naman.." Not. Mapait siyang tumawa. "Ano ka ba naman, okay lang ako." She smiled. "Ah sige, babaan na kita. May gagawin pa ako, Bry. L-Love you.." I really do.

"Okay. Basta punta ka, ha?" He was making sure. Napatawa siya dito tila nagdududa ito sa kaniya.

Finally, she smiled happily, "Oo nga, kulit mo rin, eh." She said, "Bye."

"Bye. Love you, too." Napahinto siya but then she ended the call. Napahawak siya sakaniyang dibdib. Ang lakas ng tibok nito na parang walang bukas. Kelan pa kaya siya masasanay sa mga matatamis na salita ng kaibigan? Kasi umaasa pa rin siya, eh. Matigas talaga ang ulo ng dalaga pagdating sa pag-ibig.

---

AS expected maraming tao. Puro mayayaman na sa tingin niya'y business partners ng pamilya nila. The truth is, her family's business is in merged with Bryan's family business. Kaya ganito nalang ka-close ang pamilya nila.

"Hey sis, wala ka bang planong bumaba?" Nagulat siya ng biglang sumulpot ang kuya niya. Carick Yole Montevilla is one of today's hottest bachelors. Unfortunately, kuya biya ito. Isa itong playboy. Pinaglalaruan ang mga babae. He's a total jerk and she's quite ashamed of that.

Sumimangot siya dito at inirapan siya, "Oo na! Get out of my way!"

Narinig niyang tumawa ang kuya niya, "My my, sis. Cool down. Mas lalo kang pumangit. Ang pangit mo pa naman." She punched him in the arm but he laughed harder.

Napikon siya sa narinig kaya nagsumbong siya sa mama niya, "Mama oh! Si kuya!" Para siyang batang nagsumbong dito. Pinalo ng mama niya si Carrick atsaka pinagalitan ito. Ito naman ngayon ang nakasimangot habang hinihimas ang kaniyang tenga. Tumawa siya dito at binelatan niya ang kapatid.

Patuloy pa din sa pag-aasaran ang dalawa. "Hindi ba talaga kayo titigil dalawa?" Napahinto sila ng pinalo sila sa pwet ng kanilang mama.

"Mama naman eh!"

"Ma!"

Sabay nilang reklamo. Pinandilatan sila ng kanilang nanay habang nakapamewang. "Para kayong mga bata! Ikaw Carrick, you're supposed to be the kuya bakit mo inaaway ang kapatid mo?" Tumahimik si kuya habang nakasimangot. Napangiti siya ng tagumpay. Pero biglang nagsalita ang mama niya, "At ikaw ding bata ka, wag mong patulan ang pang-aasar niyang kuya mo." Siya naman ngayon ang tumahimik.

Tumawa ang papa nila sa nakita. Tumingin sila sa gawi nito. Bigla itong tumahimik nang pinandilatan siya ng asawa. They all chuckled in chorus.

Ganito ang pamilya nila. Nag-aasaran, napapagalitan pero at the end of the day, they would just laugh about it.

They part ways when they arrived at the hall. Her parents were busy talking to some friends they knew. Ang kuya naman niya, ewan niya dito siguro nambabae na naman.

And there she was, just sitting there habang nanlulumo. Hindi niya makita si Bryan kasi siguro busy ito sa pag-eentertain ng ibang guests.

"There you are! Akala ko talaga hindi ka na pupunta." Napaangat siya ng tingin. And damn, she wished na sana hindi nalang niya ito nilingon. Sana hindi nalang ito nagpakita at sana hindi siya nito hinanap. Because standing infront of her was her bestfriend Bryan wearing an expensive tuxedo. And damn, he looks dashingly hot.

Ganito ba ang magpapari?

Nangangapa siya at walang salitang lumabas sa bibig niya. Bigla siyang hinigit ng kaibigan.

"S-Saan tayo pupunta?" She finally found her voice.

Hindi ito sumagot. "Hoy! Saan tayo pupunta?"

"Somewhere." Napairap siya.

Damn you, Bryan!

Then she let out a big smile.

My Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon