Part 2

4 0 0
                                    

Iniisip ko pa rin kung anong klaseng panaginip  ba 'yon. Kung di sana sumigaw si Mama kanina edi sana nanaginip pa rin ako hanggang ngayon.

"Hoy. Bakit ka ba tulala diyan?" Tanong ni Mama habang nagluluto ng ulam.

"Ma, anong ulam?" Tanong ko habang nakasimangot.

"Omelette."

"Ayos 'yan Ma!"

Sa totoo lang, mahilig ako sa eggs pero wala akong gana ngayon. Maybe my dream is connected to something.

Inisip ko kung sino ulit 'yung lalaki sa panaginip ko. Sino ba 'yon? Nakakainis na!

"Ang lakas ng bagyo Ma, nakakawalang gana pumasok."

"Hintayin mo muna mag announce si Gov."

"I'll check my twitter acc. wait."

Sana walang pasok, please please please... Magpapasko nanaman ee. 

"YESSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!"

"Walang pasok!?" Tanong ni Mama.

"Hindi Ma, finollow na'ko ng crush ko. Ganda ko talaga!"

"Ee kung ingudngod kita diyan. Diba sabi ko... blah blah blah."

'Di ko na naintindihan ang sinabi ni Mama kasi nagfocus na'ko sa account ng crush ko. By the way, walang announcement si Gov. kaya tuloy ang gera sa bahang kalye.

I can't wait na ikwento kay Enid 'to. Ihhhhhhhhhh

Nakatapos na'kong kumain at nagpaalam na rin kay Mama na aalis na'ko. Buti 10 a.m. ang schedule ko tuwing Monday kaya pwede pa akong tumengga ng napakatagal sa kama.

Pagbukas ko ng pinto namin. Nalula ako sa kalsada, hanggang bewang ang baha. Di ba 'to alam ni Gov? Governor, you are impossible!

Hindi na kakayanin ng bota 'to. Dahan dahan akong sumuong sa baha. Baka may bangkay na akong natatapakan, 'di ko man lang alam. Sa totoo lang, sa harap lang talaga ng bahay namin baha. Hahahahahaha. Kasi naman pababa ang bahay namin kaya naagos dito ang tubig.

Nakalagpas na ako sa baha ng biglang sumigaw ang not so little brother ko. 

"Ate! W#$%^*&)& sok!" Sigaw niya.

"Huh!?"

"WAL$%^&*( pa4%^&*() sabi ni #$%^&*(!"

"ANO!? DI KITA MARINIG!"

"WALA! BAHALA KA NA!"

"..i.."

Direderetsyo na akong naglakad papunta sa bus stop.

Halos 2 hrs. na'ko nag-iintay doon at basang basa na'ko. Hindi pa rin narating.

"Neng, san ang punta mo?" Tanong ni Aling Magda, may ari ng tindahan sa tapat ng bus stop kasi doon ako sinusundo ng service.

"Sa school po."

"E diba walang pasok? Kaka-announce lang ng gobernador."

"Talaga po?" 

Napakahmmm talaga ng batang 'yon. Na'ko. Talaga!


Umuwi akong basang basa... sa baha. Nakakadiri. Pero mas okay na 'to kesa naman makisiksik ako sa pamilya ni Papa. Mayaman nga ako, malungkot naman. Mas okay na kami na lang apat ang magkakasama tutal may bago nanaman akong Papa, si Daddy Lester.

Pumasok na'ko sa loob ng bahay at una kong hinahanap si Embar. Ang sobrang kulit at sobrang cute kong kapatid na ang sarap ihampas sa pader at ipalamon sa aso naming si Walker. 8 years old na siya. Half brother ko lang siya kasi nag asawa ng panibago si Mama then siya ang bunga. Pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko ang araw na ipinanganak siya. Kala kasi nina Mama babae siya kaya tuwang tuwa ako. Kasama pa nga ako sa pagbili ng damit ee pero 'yon pala lalaki. Ang dami ko nang naimagine about sa mga gagawin namin pag lumaki na siya kaso nga lang LALAKI. Ang galing kasi ng doctor ni Mama, babae raw. Kaya 'tong si Ariadne, nag-expect. :3

Still Thinking...Where stories live. Discover now