Ha? Ano?

755 73 81
                                    

Ha? Ano? (One Shot)

"Pst Hershey!" Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Kristine.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Anung o bakit? Kanina mo pa tinitignan 'yang katabi mo. Baka naman matunaw na yan ha?" Pang aasar niya naman sa akin

"Tsss. Wag ka nga nakakaistorbo ka sa pagtitig ko e." Pabalik kong bulong sa kanya.

Nasa kabilang row si Kristine ang bestfriend ko. At etong katabi kong kanina ko pa pinagnanasaan, este pinagmamasdan ay si Steven. My super duper crush. Hihi. Enlende!

Inirapan ko n llang kunyari si Kristine at bumalik sa pagkakatitig kay Steven. Shhh lang kayo dahil tulog siya.

Ang ganda talaga ng mga pilikmata niya, ang tangos ng ilong at mestiso. Ang gwapo niya pala lalo kapag tulog. Mukha siyang hindi suplado type.

Lalo lang akong nahuhumaling sa kanya habang tinitignan ko siya.

Nagulat ako ng biglasiyang gumalaw, umayos na ako ng upo dahil baka makita niya pa akong nakatitig sa kanya.

nakita kong pakurap kurap pa ang mata niya. Mukhang matutulog na naman yata. Nakakainis kasi, walang shifting ngayon pero pinapasok pa kami, anak ng tokwa!

Pero okay na din nakakassilay ako kay kras. Mwehehehe!

Nagkaakausap naman kami netong kras ko kahit minsan kaso ang naisasagot niya lang sakin. Walang iba kundi ang magical two words niya na "Ha? Ano?".

Ewan ko ba diyan, lagi siyang ganon. Pero kahit ganyan siya, pasalamat siya, siya ang napili ng puso ko.

Umayos na siya sa pagkakaupo at todo ayos sa sarili niya.

"Wag ka nang mag ayos crush, baka dumami pa kaagaw ko." Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

Kausapin ko kaya? Hmmm.

"Wala daw shifting." Sabi ko dahil pinipigilan niya ang kanyang mata mula sa pagkakapikit.

Nakita kong medyo namulat ang singkit niyang mga mata at nagulat.

"Ha? A-ano?" Tanong niya sa akin.

Heto na naman po tayo! Huhuhu TT^TT.

"Walang shifting kaya sige pwede ka na ulit matulog." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah e, w-wag na. " sabi niya sabay smile pa sa akin. Seryoso? Nagsmile saken si crussh? @_@

Pagkatapos non, nagsimula na namang tumahimik ang atmosphere sa aming dalawa.

Nakita ko namang papalapit sa akin si Kristine.

"Uyyyyy, nakita ko yon. Hahaha." Pang aasar sakin ng gaga sabay kulbit sa beywang ko.

"Shh, ano ba may kiliti ako diyan. Haha." Matawa tawa kong sabi.

Inulit niya pa yung ginawa niya, at napalakas ako ng iwas kaya na bangga ko yung katabi kong si Steven.

"Ah sorry" sabi ko at umayos na ng upo.

"O-okay lang." Medyo nautal niyang sabi.

Tinignan ko na lang ng masama si Kristine, siraulo talaga yung babaitang yon.

Nagsign pa sa akin na bagay daw kami ni Steven.

"Pst" tawag ni Kristine kay Steven.

"Bakit?"diretsong sagot lang niya kay Kristine.

"Wala naman pre, wag masyadong mainit ang ulo. Papanget ka niyan. Haha." Sabi ni Kristine sabay tingin sa akin.

Tss. Boyish talaga 'tong babaitang 'to e.

Ha? Ano? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon