Prologue: Tadhana Begins

15 0 0
                                    


~Jane POV♥~

Dear Diary ,

Dahil sa christmas break naman ngayon, Relax muna
Na sa batangas ako ngayon. Kasama ko ang buong squad.
Masaya kami ngayon . Kaso lang may na mimiss kami . Namimiss ko na yung mga kuya ko. Mga one week narin kami dito. dito na kami nag celebrate ng pasko. Sa wakas bukas makakabalik na kami sa Manila. Excited na ako makita ang pamilya ko.

"Jeng aalis muna kami ni Chris. Maiwan ka muna namin. " pagpaalam ni Aliyah sabay alis kasama ng boyfriend nya. Wow hindi manlang hinintay yung response ko.

Eto nanaman ako nag iisa.

Ako si Arcee Jane Erio Grayson
a.k.a Jeng. Pure pilipina po.
Nag aaral po ako ng Kto12 sa CBHS,pagbalik ng pasukan 2 months and 25 days na lang graduation na.
Kaya todo gala ako with the squad. Mamimiss ko kasi talaga sila.

Certified single ako sa buong
"Smart squad" (nag eendorse po kami ng sim card).
Bakit Certified Single? Lagi kasi akong single. Hindi ako malungkot. Im just enjoying.Based on my opinion kasi diyan sa mga love life na yan, Masaya pero in the end masasaktan ka rin.

Bitter ko noh? o sadyang duwag lang talaga ako? Duwag, kasi ayaw masaktan.

Tsaka im only 17 para mag boyfriend.Sabi nga ng Kuya ko:

"pag nagka boyfriend ka na, siguraduhin mo na sya na talaga, na papakasalan ka nya at mamahalin sa pang habang buhay."

(Anong kinalaman nung Age ko dun sa sinabi ni Kuya?)

Bata pa ako para pumasok sa sweet na relasyon tsaka na pag 18 na ako Joke. Wala talaga akong balak . Walang makakapigil sa pagiging single ko.Hindi pa ako interesado kasi hindi pa ako sigurado . Simple as that.

Lahat ng sinasabi ko na walang makakapigil sa pagiging single ko. Hindi rin ako sigurado. Hindi maintindihan ang nilalaman ng puso ♥♬

Yearly kami pumupunta dito sa batangas. Dito kasi kami nag aral nung grade 1. Tapos napagusapan namin na pag nakabalik na kami sa maynila. Magaaral kami sa Krei Academy.
Natupad naman yun kaya hanggang ngayon magkakasama parin kami.

"Jeng. Tigilan mo na yang kaka-senti mo. Samahan mo ko." sabi ni Luke, kababata ko sya, bestfriend , sya naman yung pinaka gwapo sa buong squad.

"Hoy. Tara na ! " okay boss. Wait lang magbibihis lang.

Naka pajama pa ako tapos sasama ako sa kanya. Eh mukha nga syang pupunta sa mall e. Sinuot ko yung favorite kong red dress ♥

~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~

wow.

Ang ganda ng suot ko . Sa sementeryo pala kami pupunta.

"Luke. Dito lang pala tayo pupunta . Kung makaporma ka wagas." pangasar ko sa kanya. Pero tila bakat na bakat ang pagkaseryoso sa mukha na.

Nakatingin sya sa puntod ni Erica L. Mariano . Ex nya. Kakamatay lang nito two years ago. Nagbreak sila bago sya magkasakit ng dengue.(nakipagbreak pa kasi yung gurlaloo)

Hanggang ngayon hindi parin sya makamove on. bes! Let go let go rin pag may time.

"hay nako. Lucas. Hindi ka parin ba magmomoveon? " i asked him for a thousand times.

He smiled.
"nakamove on na ako. Nagpapaalam lang ako sa kanya ngayon. "
napangiti ako sa sinabi ni Luke . Sa wakas naman nakamoveon narin ang bestfriend ko.

~mabuti pa sa lotto, may pag asang manalo ~

"uy. May tumatawag sayo. " yung phone nya pala yun. Nag excuse muna sya at umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HALIK NG TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon