Chapter One: I miss him

29 2 0
                                    

Present year from now

Heto na naman ako nakatulala sa salamin, tinitignan ko kung maayos ba ang hitsura ko. Kung may maganda ba akong awra na ihaharap sa kasal ni Bryan. Ang bestfriend ko. Siya lang yung naging sandalan ko sa buong buhay ko. Nakakalungkot mang isipin na ikakasal na siya kay Claudia Wilson. Grabe naman si tadhana bakit hindi niya kami pinagtatagal ni Bryan?

Hindi kasi natupad yung pangako namin sa isa't isa ni Bryan na tatagal at may forever ang friendship namin. Sobra ko na siyang namimiss. Ngayon, iniintay ko na yung pagkakataon na muli ko siyang mayayakap at makikita. Mula kasi nung naginvite siya ay hindi ko na siya nakita.

Masakit kasi. Bakit kasi nung mga bata pa kami ay hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko noon. Kung alam ko lang na mamahalin ko siya ay dapat hindi ko na siya pinakawalan. Hindi sana ako nagkaanak sa ibang lalaki. Kung siya siguro yung napangasawa ko, lalaki ang anak kong si Grace na may mapagmahal na ama.

Mahal na mahal ko si Bryan. Yung tipong siya palagi yung nasa isipan at puso ko. Bawat sulok ng paligid ay siya yung nakikita ko. Naaalala ko noon, walang araw na hindi kami nagkikita, magkaharap lang kasi ang bahay namin. Palagi akong nasa bahay nila , kung minsan naman siya yung pumupunta samin. Yung parents niya at parents ko ay sobrang close.

Pero, bigla na lang nagbago ang lahat. Siya, natupad niya ang mga pangarap niya. Hindi lang ang pangarap kong makapag-aral ng college ang hindi ko natupad pati narin ang sikreto kong pangarap na makasama siya habang buhay. Oo, mahirap at masakit ang mafall sa kaibigan. And for me, I don't think what might happen if I loose him.

Tila nga nagbago na ang lahat. Ang Dublin Village ay tila ba nagdilim at nawalan ng asenso. Feeling ko kasi kaming dalawa ang bumubuhay non. Ang mga huni ng mga ibon ay tila bumaba ang tono at nawalan ng pakiramdam. Ang bahay namin, ay nananatiling simple tanging mga puno at halaman lang namin sa garden ang nagbago. Sa bahay nila Bryan doon parating madilim at walang tao.

Bestfriends are still the best couple. Ang sabi namin sa isa't isa. Pero bakit kakaibang sakit yung nararamdan ko ngayon? Natatandaan ko yung sinabi niya sakin na "Don't worry Audrey, you're still my Bestfriend, ikakasal lang ako at wala namang mababago sa relasyon natin bilang magkaibigan" sobrang sakit nito sa pakiramdam. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan ay nagawa ko na.

"Audrey, let's go, may balak ka bang umattend sa Reception?" Sabi sakin ni Venice na palaging nandiyan kapag may problema ako

Si Venice ang naging kaibigan ko, since na nabuntis ako sa maling tao. Sa taong di ko inaasahang mabubuntis ako. Sa taong makakasira ng mga pangarap namin ni Bryan.

"Oo, sige susunod na'ko" I said briefly

Damang dama ko parin ang hinagpis ng simoy ng hangin na nakapagpapaalala sa mga panahong kami lang dalawa ni Bryan ang nagkakasundo.

******

Heto na ako at paakyat na sa hagdan kung saan gaganapin ang Reception ng kasal nina Bryan at Claudia. Kung sa simbahan palang siguro ay maaari kong pigilan ang kasal. Pero dahil reception na ay hinding hindi ko na maaari pang matigil ang kasal dahil ganap na silang mag-asawa ngayon.

Nung makita ko silang masaya at magkayakap para bang dinudurog ng pinung pino yung puso ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang paglakad ng mga paa ko, o iaatras ko na lang ang mga ito pabalik ng bahay.

Nang makita ko ang mukha ni Bryan na masaya, hindi ko rin alam king magiging masaya rin ako para sa feelings niya ngayon. Nung magtugma ang mga mata namin ay tila ba napalitan ng lungkot ang mukha niya. Gusto kong umiyak pero kailangan kong pigilan.

******
"Sa lahat po ng gustong magbigay ng mensahe para sa bagong kasal ay maaari kayong tumayo at magsalita" ang sabi nung emcee.

Nilakasan ko ang loob ko. Ako ang kauna unahang magsasalita sa lahat. Ako ang kauna-unahang magdadrama sa harap nila. Kung pwede nga lang sa harap na lang ni Bryan.

"Ahmm. Uu--una, binabati ko kayo. Masaya ako para sa inyo Tropa! Tol! Bestfriend ko! Pare! Bryan! Ikaw naman kasi, iniwan mo agad ako. Nag-asawa kana! Akala ko hanggang kaibigan lang tayo.."

Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. Nagtinginan ang mga tao at nagsenyas na ituloy ko ang sinasabi ko

"Bryan, tanda mo pa ba yung mga pangarap natin? Ha? Tsaka yung mga gawain natin noon? Bumalik kana sa Dublin, dun na lang kayo tumira ni Claudia wag na sa Canada. Mamimiss ka namin ni Grace. Yung bahay niyo kasi palagi na lang madilim. Tsaka kunin mo akong ninang ng magiging anak mo ha?......."

Hanggang sa itinuloy ko ng itinuloy ang kwento ko......

Dear Bryan,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon