Lissana"Annaaaaa!!!!" Napabalikwas ako sa higaan ko ng marinig kong sumigaw si nanay sa baba. Hala patay! Anong oras na! Sabi ko idlip lang eh!! Napasarap ang tulog ko. Ratrat nanaman ako kay nanay nito :(
"Po!! Nanjan na po!!" Nagmamadali akong bumaba ng hagdan namin kahoy at sa sinuswerte ako ngayong araw namali ang hakbang ko at ..
Blaag!
Napahawak ako sa puwetan ko dahil iyon ang naunang bumagsak.
"Ano bang ginagawa mo riyan! Tumayo ka nga riyan at sunduin mo ang kapatid mo sa eskwelahan nila!"
"Opo!"
Tumakbo ako palabas ng bahay namin kahit sobrang sakit ng pwet ko. Pa ikang ikang akong naglakad papunta sa eskwelahan ng kapatid ko
"Oh anna anong nangyari sayo?" Tanong sakin ni kuya Jolo
"Wala ito kuya Jolo" Ngumiti ako sa kanya at naglakad na.
Ang layo pa naman ng eskwelahan dito ni Joy. Hindi naman ako binigyang ni nanay ng pamasahe. Hay buhay!
Nakakainis naman tirik na tirik ang araw wala pa akong dalang payong. Ay? wala nga pala kaming payong ^_^
Habang naglalakad ako nakaramdam ako ng gutom
"Hay nako nakalimutan ko palang kumain kanina"
Wala naman akong pera pambili manlang ng isang kapirangut na tinapay.
Daldal pala ako ng daldal dito hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Anna Viltero. Lissanna ang totoo kong pangalan kaso sabi ni nanay anna nalang daw kasi hindi bagay sakin ang lissana. Ako palay 17 years old na at third year highschool palang. Kung nagtatanong kayo kung bakit third year palang ako. Si nanay kasi lagi akong pinapahinto. Mas maganda daw kung tumulong nalang ako sa kanya. Hirap kasi kami sa buhay. Wala nga kaming tatay eh. Sumakabilang bahay daw sabi ni nanay. At sabi nya rin mas maganda daw si Joy nalang ang mag-aral.
Ano bayan bakit ngayon pa!?
Walastik talagang buhay to oo.
Napatid na ung tsinelas ko! Walangya naman 4 na taon kong gamit to ngayong lang nasira. Hay buhay talaga.
Nagpatuloy parin ako sa paglalakad papuntang eskwelahan ni Joy at nakarating din ako kahit nasira ang estepen ko.
"Manong anong oras po uwian nila?" Tanong ko sa manong guard ng school nila
"Mamaya pa eh. Bakit susunduin mo na ba ung alaga mo?"
"Ay grabe si manong maka ALAGA ah. Kapatid ko yun no. Ang sama mo manong"
"Ay kapatid mo pala un. Bakit hindi kayo magkamukha?"
"Kasi manong mas maganda ako. Kita mo to? Ang mukhang to ang susunod na panlaban ng Mis Unibers at magiging katulad ako ni Piya Alonso Horseback kita mo manong magiging ganon ako"
"Hahahahahaha!!!!!! Talaga tong batang to oh! Wurtzbach un hindi Horseback"
"Ano manong Worksxvak?"
"Wurtzbach"
"Wortsbak?"
"Hay nako basta iun"
"Ikaw talaga manong"
"Bata ka talaga. Kumain ka na ba?"
"Ay.hehe hindi pa po eh ^_^"
"Ngalintian kang bata ka. Oh eto sampung piso bumili ka doon ng tinapay."
"Ah! Salamat manong!! Maraming salamat!!"
"Hahaha"
Tumakbo ako palapit si tindahan at namin ng isang tinapay at ice tubig. Grabe gutom na gutom ako.
Nasa kabilang kalsada ako naka-upo at naghihintay kay joy. Nang masilabasan sila tumayo ako at natanaw ko sya. Ngumiti sakin ang kapatid ko at tinawag ang pangalan ko
"Ate Anna!!"
"Joy!!"
Kumaway ako sa kanya at nagsimulang maglakad pero nauna syang tumakbo pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Nakahandusay sa kalsada ang kapatid ko at duguan. Nakatulala lang ako. Halos hindi ako makagalaw.
Maraming nagsilapitang tao pati si Manong guard pero nakatulala parin ako.
Patay na ang kapatid ko?
Patay na si Joy?
Wala na si Joy?
HINDI!
Nakita ko ang kotseng kulay gray na nagmamadaling nagmaneho para makatakas pero sumigaw ako ng malakas at narinig yon sa buong bayan
HUMINTO KA!
Sobrang lakas ng hangin sa paligid. Pakiramdam ko unti unti akong umaangat sa lupa. At parang nagbabago ang kulay ng mata ko.
Ginalaw ko ang kamay ko patungon sa kanya at umangat ang kotse. At inuluwa sya non. Tatakbo pa sana sya pero nakadating agad ako doon at sinakal sya gamit ang hangin. Halos mawalan sya ng hininga. 30 feet ang inabot ng taas nya ako naman 20 feet. Kahit gusto ko syang ibaba ng maayos nangibabaw sakin ang galit dahil sa ginawa nya sa kapatid ko. Mula sa 30 feet ibinagsak ko sya sa kalsada. At nakahandusay na rin ng katawan nya.
Pagkatapos non unti-unti akong bumaba. Nanghina ako kaya bumagsak ako pero pinilit kong tumayo para lapitan ang kapatid ko. Binuhat sya ni manong guard at dinala sa ospital. Napahiga nalang ako dahil sa sobrang hina ng katawan ko.
Anong nangyari sakin?
A:N: pagpasensyahan nyo kung pangit ung pagkakadescribe ko dun sa ginawa ni Anna sa lalaki ah. Imaginin nyo nalang ung mga napapanoud nyo na tv
^_^Add me on FB. Seniechan WP
BINABASA MO ANG
The Lost Gods
FantasíaAng mundo ay binubuo ng Apat na Elemento. Ang Apoy, Tubig, Hangin, at Lupa. Ang bawat Elemento ay mayroong Diyos na tagapangalaga. Ang Apat na Elementong ito ay nagkakaisa upang mapaganda ang mundong binuo nila ng may pagmamahal. Ngunit mayroong isa...