Pierre
*Kring Kring*
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Shit! Tanghali na!
Tumakbo kaagad ako sa banyo para maligo at mag-ayos.
Naman! Ngayon pa naman ang Anniversarry namin ng girlfriend kong si Shara
"Oh aalis ka na?" Tanong sakin ni Mama
"Opo ma. Sige po bye" humalik ako sa pisngi ni mama at saka tumakbo palabas
Dumiretso ako sa bilihan ng mga bulaklak para bumili ng isang dosenang red roses. Tumakbo naman ako sa tindahan ng mga chokolate at bumili ng style heart na chokolate.
Pagtapos non nag tricycle ako papuntang bahay ng girlfriend ko.
Ako pala si Pierre Wayne. Kalahating pilipino, kalahating amerikano. Pero hindi ko kilala ang aking ama. Dahil sabi ni mama. Matagal na daw patay ang aking ama. Simula ng ipagbuntis nya ako. Kaya nag-iisang anak lang ako.
"Para po" Bumaba ako ng tricycle na huminto sa tapat ng isang exclusive subdivion. Dito nakatira ang aking girlfriend na si Shara.
Mayaman kasi sila. At mahirap kami. Kaya ayaw ako ng pamilya nya para sa kanya.
Hindi ako dumaan sa main entrance ng subdivision dahil hindi naman ako papapasukin ng guard. Nag ober di bakod lang ako.
Naglakad ako sa loob ng subdivision at hinanap ang bahay ng girlfriend ko.
Kumatok ako sa pintuan nila pero walang sumasagot. Kumatok uli ako pero wala parin kaya pumasok na ako.
Tamang tama wala yata ang mga magulang nya. Ansaya ko!!!
Naglakad ako paakyat sa kwarto nya. Kumatok ako doon saka inayos ang damit pati narin ang mga dala ko. Kumatok uli ako pero walang nagbubukas. Kaya aki na ang nagbukas.
Pagpasok ko.
Tumambad sakin ang dalawang taong magkapatong at walang suot.
Nailaglag ko ang mga bulaklak at chokolate ko dahil sa sobrang gulat. Napahinto sila sa ginagawa nila ng magsalita ako.
"Ano? Bakit huminto kayo?" Mabilis silang naghiwalay at kinuha ang mga damit nilang nagkalat sa sahig.
Napayuko ang girlfriend ko sa sinabi ko. Ang traydor namang lalaking to tahimik lang.
Kilala ko sya. Si Ryan. Bestfriend ko.
"Kelan pa to?"
Pero walang nagsasalita sa kanila. Napuno ako ng galit sa katawan at nag-init nalang ako bigla.
"KELAN NYO PA AKO NILOLOKO!? KELAN PA KAYO MAY RELASYON!? ANO SUMAGOT KAYO! BAKIT WALANG NAGSASALITA SA INYO! IKAW SHARA! KAHIT MAHIRAP AKO KAYA KITANG DALHIN SA LANGIT BAKIT HINDI MO MANLANG AKO HININTAY! IKAW RYAN! MATAGAL NYO BA ANG GINAGAWA TO!? ANO! SUMAGOT KAYO!!"
Dumagundong ang buong kwarto dahil sa sigaw ko.
Wala parin sumasagot sa kanila.
Lumapit ako kay Ryan saka sinakal ito
"Wag! Maawa ka Pierre! Binatawan mo sya!". Umiiyak na paki-usap sakin ni Shara. Hindi ko sya pinansin.
Nawala ako sa sarili ko.
Hawak ko ngayon ang leeg ni Ryan at nag-aapoy na ang buong katawan ko
" Demonyo! Demonyo ka!" Nagtatakbo sya palabas ng kwarto nya pero hindi ko sya pinalampas at sinakal din sya. Ngayon pareho na silang nakalutang sa ere ni Ryan.
"Pareho nyo kong niloko! Pareho din kayong makakaranas ng bagsik ko! Tandaan nyo hindi kayo makakalabas ng kwarto nato ng buhay!"
Parehong nabalutan ng apoy ang katawan nilang dalawa at saka bumagsak sa sahig at naging abo.
Nawalang unti unti ang apoy sa mga kamay at katawan ko kaya nanghina ako at bumagsak din.
Hindi ko alam kong ano ang nangyari sakin. Pero isa lang ang malinaw....
May kapangyarihan ako at .
Apoy yon.
BINABASA MO ANG
The Lost Gods
FantasyAng mundo ay binubuo ng Apat na Elemento. Ang Apoy, Tubig, Hangin, at Lupa. Ang bawat Elemento ay mayroong Diyos na tagapangalaga. Ang Apat na Elementong ito ay nagkakaisa upang mapaganda ang mundong binuo nila ng may pagmamahal. Ngunit mayroong isa...
