Childhood sweethearts si Athaliah at Skyler, Super close sila. minsan ay sa condo pa ni AThaliah natutulog si Sky kasi kapatid na ang turingan nila. Kaso nag bago ang lahat nang magkaron ng Girlfriend si Sky, medyo nawalan na ng oras si Sky dalawin at tumambay kasama ang bestfriend niya. Wala naman magawa si Athaliah kundi intindihin ito.
At the Campus. Nasalubong ni Sky si Athaliah sa corridor. bumilis ang tibok ng puso ni Athaliah, hindi malaman kung ano ang gagawin niya. di niya malaman kung naiilang siya or what.
" Best!" pero dare-daretso lang ng lakad si Athaliah at sinundan siya ni skyler sabay hawak sa braso niya. " may problema ba? this past few days di mo na sinasagot mga tawag at text ko ah, ano meron? anyare? galit ka ba?" nag aalalang tanong ni Sky.
" hindi ako galit, medyo busy lang talaga ako. you know me naman diba? Hectic sched ko " sabay tawa ng malakas.
" sus, parang di naman kita kilala. Alam kong nag tatampo ka. sensya na talaga " sabay hawak sa kamay ni Athaliah. " promise bukas punta ko sa condo mo " ng tawagin na siya ng gf niya at nag paalam na kay athaliah.
After 3 hours, tapos na try out nila Skyler sa basketball. nag uusap usap silang barkada sa gym habang nag aayos ng gamit nila.
" Pre, pakilala mo naman ako sa kausap mo kanina " sabi ni Ace.
" ah kay athaliah, sige pero wag mong liligawan un. babanatan talaga kita. kilala kita at alam kong pag sasawaan mo lang din un tulad ng ginawa mo kila pauline " tawa ito.
Napakamot sa ulo si Ace sabay iniba ang topic.
The next day, pinuntahan ni Sky si Athaliah sa condo nito.
" la ka pasok?? " tanong ni atahaliah kay sky. umupo si sky sa tabi niya sabay senyas na wala. Nag kwentuhan sila at napunta ang topic nila sa gf ni Sky, naramdaman ni Athaliah kung gano kasaya si Sky sa piling ni Chelsea. medyo nasaktan si Athaliah, parang naguguluhan siya sa nararamdaman niya. di niya malaman kung nag seselos siya o kung ano. Natulala siya at bigla siya tinapik ni Sky at natawa ito ng malakas.
" salita ako ng salita dito di ka naman pala nakikinig. ano bang ngyayari sayo? parang lagi kang wala sa sarili mo? " seryosong tanong ni Sky.
" ha? wala. nakikinig kaya ako " sabay ngiti. Tumayo ito at tinanong si Sky kung gusto ba nitong kumain. humindi ito dahil busog pa daw siya. nanuod sila ng dvd. kumain ng popcorn at nag kulitan hanggang sa makatulog sila.
nang magising si Sky nakita niya madami ng missed call si Chelsea sakanya, agad agad niya itong tinawagan. nag usap sila at nagalit si Chelsea ng malaman na nasa condo siya ni Thalia. binabaan siya ng phone nito. ginising ni sky si Athaliah at sinabing aalis na siya. Hinatid ni Thalia sa parking lot si Sky at nag goodbye kiss na ito.
After 2 days, nasa campus na si Athaliah, nasa Canteen ito habang iniintay next subject niya. nilapitan siya ni Chelsea at tinanong siya kung pwede siya umupo. nag kwentuhan sila hanggang sa na open na ni Chelsea topic about kay Sky, sa boyfriend niyia na bestfriend ni Thalia.
" hindi naman sa pinapalayo ko si Sky sayo ha? kaso kasi parang di naman tama na inaabot ng dis oras ng gabe si skyler sa condo mo? may gf na kasi siya at alam mo naman na ako un diba? alam kong mag bestfriend kayo pero hindi na kayo mga bata. iba na iispin ng mga taong makakakita sainyo. lalo na sa condo mo pa siya napunta " hindi naka sagot agad si Athaliah, tumayo nalang ito at nag sorry sabay alis, nasalubong niya si Sky at kinamusta pero dumaretso lang ng lakad si Athaliah at sumalubong na si Chelsea kay Sky.
" i saw you having conversation with her. ano naman pinag usapan niyo?? bat di niya ko pinansin? " sabi ni Sky sa gf niya
" wala naman. dont mind her nalang, so tara na? " nag lakad na sila papunta sa class nila.