After class, dumaretso ng uwi si Sky kasama si Chelsea. Pag dating nila sa bahay niya, wala sila nadatnan kundi ang kasambahay nila. nag shower saglit si Sky at matapos un ay nakita niyang tinitignan ni Chelsea pics nila ni Athaliah sa table nito. nakaramdam ng selos si Chelsea kasi ni isang picture niya ay wala naka display.
" talagang close kayo no? parang siya gf mo ah? may past ba kayo?? pa taray na tanong ni Chelsea.
" wala kaming past, bestfriends lang talaga kami. alam mo ikaw ang dami mong tanong sa pagkakaibigan namin " asar na sagot ni Sky. binuksan ni Skyler ang Tv at humiga sa kama. Habang nanunuod siya tumabi na sakanya si Chelsea at nag sorry. madali naman niya itong napatawad dahil mahal niya ito at di niya ito kayang tiisin. hinalikan niya si Chelsea. habang nasa intimate scene sila ay may kumatok sa pinto ni Sky at binuksan niya ito. ung mom niya, niyaya siya nito kumain pero sinabi niyang busog pa siya at kasama niya si Chelsea. pag alis ng mom niya ay sinara niya na ulit ung pinto sabay tabi kay Chelsea. pinag patuloy nila ito ng mag ring naman ang phone ni Sky, kinuha ito ni Chelsea at nakitang si Athaliah ang tumatawag, pinatay niya ung cp ni Sky sabay tayo.
" ano nanaman ba problema?? " tanong ni skyler. hindi umimik si Chelsea. " nag seselos ka nanaman " hindi padin umimik si Chelsea.
" its just between me or her " sabi ni Chelsea, nagulat si Sky sa tanong nito at napalunok. hindi agad naka sagot si Sky, lalabas na sana ng kwarto si Chelsea ng pigilan siya ni Sky, niyakap siya ni sky at sinabing hindi niya kayang mamili pero medyo didistansya na siya kay athaliah, hinila niya pabalik ng kama si Chelsea.
After 5 hours hinatid niya na sa bahay si Chelsea.
The next day, pumunta si Chelsea sa condo ni Athaliah dahil nag hihinala siya na nadun si Sky, hindi kasi sinasagot ni Sky mga text at tawag nito. nagulat si Athaliah ng buksan niya ang pinto ay si Chelsea iyon, pinapasok niya ito, nilibot ni chelsea condo niya at sinilip mga kwarto, nag tataka si Athaliah at tinanong kung may hinahanap ba ito. Pataray na sumagot si Chelsea na hinahanap niya bf niya which is wala naman talaga don. sinabi niya na kahit maghapon pa siya maghanap wala siya makikita dahil wala naman dun si Sky. nagalit si Chelsea kay Athaliah.
" i dont like you " sabi ni Chelsea.
" well, i dont care if you dont like me. Im not living just to please you. Okay? what's wrong with you?! " pataray na sagot at tanong ni Athaliah. lumapit si Chelsea at galit.
" what's wrong with me? What's wrong with you!!! You know Sky is already committed! you should know your place! You're always calling and texting him as if you are his gf!! Stop acting like he's yours! " galit na galit si Chelsea.
natawa si Athaliah sa inaarte ni Chelsea ng sampalin siya nito! nagalit si Athaliah at sinampal din si Chelsea.
" this is my place! how dare you to slap me! stop being paranoid! before he met you, he was with me! I met him first and his just my bestfriend! " asar na sinabi ni Athaliah.
" bestfriend? ooh come on! the way you look at him, ramdam ko at nakikita kong you like him! wag na tayong mag lokohan pa okay? " sabay labas ng condo nito.
After 3 days, pinuntahan ni Sky si Athaliah sa waiting area ng school nila.
" can we talk? " tanong ni Sky. umoo si Athaliah at umupo si sky sa tabi niya.
" about san? tungkkol ba un sa ngyaring pag sugod sakin ni Chelsea sa condo ko nung monday? " nagulat si Sky at nag taka.
" pumunta siya sa condo mo? " tanong ni sky kay thaliah. nagulat si Ahaliah dahil hindi ito alam ni Sky.
" oo, at sinampal niya ko sa bahay ko mismo, alam mong maldita ako kaya nasampal ko din siya. teka, di pala niya na sabi sayo un. so ano pag uusapan natin?? " galit na sinabi ni Athaliah.
tumayo si Sky at sinabing nevermind, sinabi niya din na un na ang huling pag uusap nila dahil ayaw na niyang magulo pa sila ni Chelsea, napa luha nalang si Athaliah dahil sa sinabi ni Sky parang wala naman silang pinag samahan. habang nag lalakad si Athaliah, nasalubong niya si Jesicca. nag kwentuhan sila ng bonggang bongga. napag usapan din nila ung eksena sa condo niya last monday. natawa si jesicca sa mga reaksyon ni Athaliah.