Too Little, Too Late [One Shot]

345 9 3
                                    

Too Little, Too Late - One shot

"Selene, may extra ballpen ka pa?" tanong sa'kin ng anim na buwan ko nang manliligaw na si Paco.

Sa mga ganitong pagkakataon alam kong gusto lang niyang makipag-usap, nakita ko naman kasing may gamit siyang ballpen kanina, Sa likuran ko lang kasi siya nakaupo.

"Pasensya na, Paco. Wala e." sagot ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.

Sa totoo lang, hindi naman ako um-oo sa panliligaw niya. Basta lagi na lang siyang lumalapit sa'kin. Minsan nag-aalok na ihatid ako, nakikipag-usap kapag may pagkakataon.

Kinalabit ako ni Lalaine, seatmate ko. "Ang tiyaga talaga niyang si Paco 'no. Bakit hindi mo pa sagutin?" bulong pa niya.

"Alam mo naman ang dahilan." sabi ko. "Saka ayoko siyang gawing panakip-butas lang at kung sasagutin ko man siya gusto ko totoo 'yung nararamdaman ko."

Pitong buwan pa lang mula nang mag-break kami ng ex kong si Ken at hindi ko naman ide-deny na mahal ko pa rin sya, kahit na ipinagpalit niya lang ako sa ibang babae.

"E bakit kasi hindi ka pa mag-move on sa Ken na 'yan? Puro heartbreak lang naman binigay sa'yo niyang lalaking 'yan e."

Hindi na lang ako sumagot hahaba lang kasi ang usapan. Kung tutuusin, mabait naman si Paco, medyo matalino rin naman, kinulang nga lang sa timbang dahil sobrang payat.

7 months ago...

Nakatayo ako sa tapat ng classroom. Hinihintay ko ang text ni Ken. Maaga kasing natapos ang klase kaya tinext ko siya na magkita kami ngayon.

Ngalay na 'yung paa ko kakahintay kay Ken nung dumating si Paco, kasama pa 'yung bestfriend niyang si JB. "Hi, Selene. Bakit di ka pa umuuwi?"

"May hinihintay pa kasi ako." tipid kong sagot.

"Sino?" ang usisero naman ng lalaking 'to, sa loob-loob ko. Hindi naman kami close.

"Yung boyfriend ko." sagot ko, para tumahimik na siya

"Ouch, Pre. Ang sakit naman nun." narinig kong sabi ni JB.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sa'kin si Paco. Isa pa, sinabi na rin sa'kin yun ni Mailene nung minsang pauwi na kami pero binalewala ko na lang dahil may boyfriend na nga ako.

 ***

"Lalaine..." umiiyak akong yumakap sa kanya. "Break na kami ni Ken."

"O, bakit biglaan naman?" sabi niya, hinahaplos ang likod ko.

"Hindi niya kasi ako sinipot kahapon kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila."  I said between my sobs. "And... And... I saw him with another girl. Nasa couch sila, they were kissing."

'Yun na ang huling beses na nakipagkita ako sa kanya, binura ko na rin lahat ng texts niya pati na number niya.

***

Katatapos lang namin maglunch nina Lalaine. Hindi nga ako masyadong nakakain, wala pa kasi akong gana. One month pa lang simula nung break up namin ni Ken at masyado pang masakit.

Maya-maya pa nagtatawa sina JB at Mailene dun sa likuran namin kaya napalingon na rin kami ni Lalaine. Kaya naman pala. Sumasayaw kasi si Paco, hindi ko alam kung anong sayaw 'yun, basta para syang jelly na nagwi-wiggle.

Too Little, Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon