Chapter 5

564 17 4
                                    

Jerlyn's POV

Medyo kinakabahan ako, kasi kausap ko na sya ngayon. Ngayon din. Salamat talaga kay Aliza na busy sa katext na sino ba yang katext nya? Back to the normal life. Saklap!! By the way, friendly talaga to, di tulad ng ibang lalaki na famous, agad ulo ang inuuna sa pagkukwento. Etong si Rex naman, friendly, gwapo, enebe!!! So pinaguusapan namin ngayon tungkol sa info.

"So, ilan kayong magkakapatid? " tanong ni Rex. 
"Dalawa lang, ako bunso, yung kuya ko naman, nasa ibang bansa, tinutulungan si Dad sa pagnenegosyo. E ako naman, nag-aaral nang mabuti, tinutulungan ko Mom ko. " sabi ko. Wow! Sosyal ng tawag sa mga magulang ko.

"Ikaw? Ilan kayong magkakapatid? " tanong ko.

"Dalawa rin, kaso ako panganay. Yung kapatid ko naman, elementary palang sya, atleast lagi syang Top 1." pinagmamalaki nyang sagot. Nakakatuwa rin tong si Rex. Famous na nga, mabait pa.

"E ikaw? Musta studies? " tanong ko. Inulit ko lang yung tanong ni Aliza kanina sa kanya e. Hihihi :D

"Okay naman, pero nahihirapan ako sa Math e. Dun ako mahina. " sabi nya. Mahina pala sya sa Math. Gusto ko sana syang turuan sa Math. Kung pwede lang. Pero hindi naman masama na turuan sa kanya no?

"Edi turuan kita :) " sabi ko. Kinakabahan ako kung ano isasagot ni Rex.

Aliza's POV

Ano talaga isasagot ko kay Thyron? Baka kasi magtampo yun e kapag hindi ako nagreply. Mas okay na yung say the white lie.

✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧

Best, nakasalubong namin ni Jerlyn si Rex, kaya medyo matatagalan pa kami.
Sent, at 5:14pm

✧✧✧✧✧✧✧✧✧✧

Naku! 5 minutes na nakakalipas, hindi pa rin sya nagrereply. Ang lungkot ko na! :(

"Aliza, parang may pinagdadaanan ka ata dyan?! " asar ni Jerlyn. Eksena naman si Jerlyn, kahit wala namang eksena.

"Baka ikaw yun. " sabi ko. Grabe siya.

"Ikaw talaga. Sino ba yang katext mo? " tanong ni Jerlyn.

"Si Thyron.  " sagot ko. Nagtampo na nga si Thyron. :(

Ilang sandali lang, lumapit si Rex sa akin.

"Aliza okay ka lang ba? " tanong ni Rex sa akin.

"Okay lang. " sagot ko. Teka, asan na nga pala si Jerlyn?

"Rex, nasaan na si Jerlyn? " tanong ko.

"Bumili lang ng shake. " sagot nya. Hinintay namin si Jerlyn na bumili.

"By the way, parang ang lungkot mo naman, may problema ba? " Tanong nya. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya kung ano problema ko dahil kanina lang kami nagkita. Kailangan makalipas ng 2 weeks siguro para magkaroon ako ng tiwala sa kanya.

"Wala naman. " sagot ko.

"Okay, eto shake o. " sabi ni Jerlyn. Inabot nya sakin yung Strawberry Shake at binigay naman kay Rex ay Cappuccino. Alam na talaga ni Jerlyn mga likes ni Rex no? Lupit!

"Uhm Jerlyn, hindi ako kumakain ng cappuccino na shake." sabi ni Rex. Boom! Di alam ni Jerlyn! Hahaha.

"Ay sorry Rex, hindi ko alam. " sabi ni Jerlyn. Try ko kaya magpalit kami ni Rex.

"Rex, palit tayo, hindi ko pa nababawasan yan. " alok ko. Nagpalit nga kami.

"Salamat. Paborito ko kasi strawberry. " sabi nya. Nagulat naman kaming pareho ni Jerlyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinity VS ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon