PART 2.

2.1K 15 3
                                    

8PART 28

Jervin’s Point of View

Halos wala ako sa sarili ko buong klase, wala ako sa katinuan ko. Di ko kasi maisip, kung ano ba ang maaaring mangyari mamaya. Yung mga nangyari kanina sa CR. Bakit ganun yun? Iba ang nangyari sa iniisip ko. Akala ko, magagalit si Mr. Han kanina. Pero, tumawa lang ito at binulong sa aking…

“magkita tayo mamaya, pagtapos ng klase”

Matapos niyang sabihin yun, nilagay niya ang picture niya sa bulsa ng polo ko. Nanatili ako kaninang nakatulala habang paalis siya ng CR kanina. Ano bang ibig sabihin ni Mr. Han sa sinabi niya kanina? Ano naman ang sasabihin niya mamaya pagtapos ng klase?

Ala-singko na nang hapon, narinig ko ang pag-ring ng bell. Noon, tuwing nagriring ito, Masayang Masaya ako dahil uwian na. Peoro iba ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako sa di ko alam na dahilan. Di ko alam kung anong ibig sabihin ng kabang ito. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lumabas na ng pinto. Inayos ko naman ang ilang libro ko at isinilid ko na bag. Inayos ko ang sarili ko at tumayo na din. Ako ang pinakahuling lumabas ng classroom. Sinara ko na ang sliding door. Naglakad pababa ng 2nd floor. Nung makalagpas ako sa room namin, napatingin ako sa kabilang room. At doon ko pa nakita si Mr. Han na nagpapaalam na sa klase niya. Napatulala ako noon at napahinto sa paglalakad ko. humalo pa ang kaba ng tumingin ito sa akin at ngumiti.

Nanlaki naman ang mata ko sa masayang ngiti nito sa akin. Di ko alam ang pakiramdam na ito. Pero parang nangyari na din ito sa akin dati. Lumabas na si Mr. Han ng classroom nila, dahilan para lumapit ito sa akin.

“Oh, Jervin, ok ka lang? pinagpapawisan ka hijo” sabi nito sa akin, pakiramdam ko naman namula ako ng akmang hahawakan niya ako sa noo, pero umurong ako.

“ah, ah Sir, ok lang po ako” nauutal kong sagot dito. Ngumiti lang din ito.

“Tara, samahan mo ako sa canteen, di pa ako nagmeryenda eh” yaya nito sa akin. Ok lang naman siguro yun. Wala namang mag-iisip ng masama sa amin ni Mr. Han, lalaki siya, at lalaki din ako. Walang mag-iisip na may student-teacher relationship dito.

Naglakad na kami pareho ni Sir papuntang canteen para kumain. Naupo kami sa isang table ng magkaharapan. Umorder lang kami ng spaghetti at softdrinks.

Kumain kami pareho at wala pa ding nagsasalita sa amin ni Sir. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain ng spaghetti. Napansin ko ang mapulang labi nito at matangos na ilong. Mga mata na nangungusap palagi. Ang ganda din ng gupit ng buhok ni Sir. Lalaking lalaki siya tignan, kung tutuusin, para siyang hindi teacher at para siya isang artista. 

After School (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon