Siyam na Misa - 8

34 6 1
                                    

Last chapter will be post on december 25, 2015 para may christmas gift na ako sainyong lahat.

--•

Hans POV

Ika-pitong araw na ng simbang gabi. Dalawang araw nalang, nalang matatapos na.

Ilang araw ko na din hindi nakakausap si Jean. Siguro busy siya sa pag asikaso ng Parish.

Ilang araw na din akong malungkot. Bakit kasi ngayon pa? Bakit kung kelan pasko pa?

Susubukan kong humiling sa panginoon dahil ang sabi nila, ang ihihiling mo daw ay mag kakatotoo kapag nakumpleto mo ang simbang gabi.

Ang lalim ng iniisip ko na para bang lumulutang na yung katawan ko sa kakaisip kung anong gagawin ko.

Nakakapagtaka kasi binigyan ako nung bata ng letter. Alam kong hindi galing sakanya yun at pinapabigay lang sakin.

Binigyan ako ng isang letter at nakakatuwa kasi napangiti ako dahil ang tanging nakalagay sa papel, isang malaking ":)"

Yes, simple lang yung nakalagay at napangiti niya kagad ako.

Hahanapin ko sana yung bata para itanong kung sino nag bigay. Nag paalam na muna ako kay Ate Sas para hanapin yung bata.

Habang nag lalakad ako paikot ng Parish, nakita ko si Jean. Inaayos niya yung parol na mahuhulog sa poste.

Habang papalapit ako, nararamdaman ko yung sinasabi nilang slow motion.

Hindi ko lang alam kung bakit kay Jean ako nakaramdam ng slow motion. Siguro dahil magaan na loob ko sakanya? Pero impossible dahil ang sabi nila kapag nakita mo daw ang the one mo, mag sloslow motion ang paligid na para bang nasa kanya lang ang focus mo.

Yung tibok ng puso ko parang yung naranasan ko kay Jean. Ibang klase at kakaiba sa iba.

In love na nga ba ako kay Jean?

~

Jean's POV

Habang inaayos ko yung parol, nakita ko papalapit si Hans. Hindi ko alam kung para saan pero may naramdaman akong iba.

Parang kakaiba kasi bumilis yung tibok ng puso ko.

Hans! Tinawag ko siya at nginitian. Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko siya binigyan ng sulat. Siguro dahil iba yung nararamdaman ko sakanya?

Kasalukuyang nasa harap ko siya at walang lumalabas na kahit anong salita sa bunganga niya na para bang nag hihintayan kami kung sino unang mag sasalita.

Biglang humangin ang paligid at napansin kong tumakbo si Hans.

Hans! Saan ka pupunta? Hinabol ko siya pero ang bilis niya kaya hindi ko na siya nahabol.

Biglang kumirot ang puso ko at natumba ako.

Bago pa ako mawalan ng malay, narinig ko na may sumigaw ng tulong.

Tulong! Hininatay si Jean! Kilala ko ang boses na yun si Sister Cora.

Tuluyan na ako nawalan ng malay.

~

Tumakbo ako dahil gusto ko tumakas sa nararamdaman ko. Ayoko ng ganto. Ayokong masaktan ulit.

Bigla kong naisip si Jean at lumakas ang hangin. Alam ko yung gantong sitwasyon. Ganto kalakas yung hangin bago ko malaman na wala na si Jill. Ito ang pinaka kinakatakutan ko sa lahat ang mangyari ulit yung gantong sitwasyon.

Bumalik ako sa Parish at nakarinig ako ng isang babaeng sumisigaw.

Tulong! Tulong! Bigla akong kinabahan at napatakbo.

Hindi ko namalayan ang madadaanan ko. Gusto ko makita kung anong nangyari. Gusto ko makita kung okay lang ba si Jean.

Habang papalapit ako, kumikirot yung puso ko na para bang aatakihin ako ng heart attack.

Isang babaeng walang malay ang nadatnan ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko dahil ang nasa harap kong walang malay ngayon ay si Jean.

Agad kong binuhat si Jean at dinala sa pinakamalapit na hospital.

Hindi ko namalayan yung mga nababangga kong tao dahil gusto kong matulungan ngayon si Jean.

Nandito na ako ngayon sa Hospital at hinihintay magising si Jean. Hindi pa ako nag alala ng ganto sa buhay ko. Feeling ko sobrang halaga ni Jean sakin na ayokong mawala siya sakin.

Sinabi na sakin ng doctor na malubha na ang sakit ni Jean.

Pumunta ako sa chapel ng hospital para mag dasal at sa hindi ko inaasahan nakita ko si Tita.

Nagulat ako ng lumapit si Tita at sinabing, Hans anong ginagawa mo dito?

Matagal ko ng hindi nakita si Tita. Kamukhang kamukha talaga ni Jill si Tita kaya naalala ko si Jill sakanya.

Nag usap kami ni Jill at nalaman ko na nandito pala siya sa hospital para mag pa check up.

Nakwento ko yung nangyari kay Jean at binigyan niya ako ng advice. Mag dasal lang daw ako sa panginoon at hilingin para sa mabilisang recovery.

Nag paalam na sakin si Tita at pumunta na ako sa chapel.

Habang nag dadasal ako, nakaramdam ako ng antok. Tinignan ko yung orasan sa loob ng chapel. 10:37am na pala at wala pa pala akong tulog.

Bumalik na ako sa kuwarto kung nasaan si Jean. Nag paalam na ako kay Sister Cora na uuwi muna ako para matulog. Nag pasalamat si sister sakin.

Habang pa uwi ako sa bahay naalala ko yung nangyari.

Alam ko na ang ihihiling ko ngayong pasko.

--•

Survey lang.

Happy Ending?

Or

Sad Ending?

Comment lang kapag walang nag comment, gagawin kong tragedy tong story.

Maraming salamat sa lahat. Last chapter na bukas :)

Siyam na MisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon