Chapter 1 Memories

27 4 1
                                    

Jaime's POV

Nakatayo lang ako at umiiyak sa isang tabi habang tinitingnan ko sina Mommy at Daddy. Nakatayo si Mommy habang nakaluhod naman si Dad at yakap yakap niya ang mga tuhod ni mommy, umiiyak siya.

"Please Aime, 'wag mo 'kong iiwan. Please!"

"Bitiwan mo 'ko Joseph! Aalis na ako! Ano ba!" Pilit kinakawala ni Mom ang pag kakayakap sa kanya ni Dad, pero 'di niya magawa kasi ang higpit ng kapit nito sa kanya.

"Pero Aime, mahal kita!" Mas lalo pang umiyak si Dad.

"Ano ba Joseph!" Tuluyan nang nakawala si Mom sa pag kakayakap ni Dad sa kanya.

"Eh ako? Ni minsan ba tinanong mo sakin kung mahal ba kita? Nung una pa lang, alam mo nang hindi kita mahal! At hinding-hindi kita mamahalin dahil may iba na akong mahal! Ikaw lang naman ang may gusto na mangyari ang kasal eh! Sinabi mo sakin na magiging masaya ako sa piling mo at matututunan din kitang mahalin. Pero Joseph, sa loob ng sampung taon, hindi ko yun naramdaman eh. Kaya ngayon gagawin ko naman kung ano talaga ang makakapagpasaya sakin!"

Nabigla ako sa mga narinig ko kaya na sagid ko yung vase na malapit sakin at nabasag yun. Napatingin silang dalawa sakin. Gulat na gulat sila, especially Dad. Hindi na nag paligoy-ligoy pa si Mom at umalis na siya, iniwan na niya kami.

Lumapit si Dad sakin at niyakap niya ako. "It's okay baby, it's okay." Tahan sakin ni Dad dahil hanggang ngayon, di parin ako tumitigil sa pag iyak.

"AHHHHHH!"

"Jaime!"

Napamulat ako nang may yumug yug sakin. Si Yaya Daisy pala. Umupo ako sa kama at nagulat naman ako nang yakapin ako ni Yaya.

"Hay nakung bata ka! Ano? Okay ka lang ba? Ano bang nangyari sa'yo?" Sa mukha niya ngayon, halata talagang nag aalala siya.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Ano ba naman yan Ya! Masamang panaginip lang." Tapos ngumiti ako sa kanya.

"Ganun ba? O sige, bumangon ka na jan at baka lumamig na ang almusal mo."

"Sige po, sunod lang po ako."

Tapos umalis na siya. Humiga ako ulit at naisip ko yung napanaginipan ko, well hindi naman talaga siya panaginip. Totoo lahat nang yun. At simula nung gabing yun, palagi ko nang napapanaginipan yung scene na yun. Yung scene na naging dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa pag-ibig.

Oo, hindi ako naniniwala dun. Ten years old ako nung mangyari yun. At ten years na rin simula nung iniwan kami ni Mommy. And yeah, I'm already twenty. By the way I'm Jaime Dela Fuente. The one and only daughter of Mr. Joseph Dela Fuente. Oo mayaman kami, pero hindi ako spoiled brat. My Dad taught me how to be independent. Yung tipong nakukuha ko yung gusto ko dahil sa sarili kong sikap at hindi galing sa ibang tao. My Dad has a Farm, but I have my own Flower Shop. Naipundar ko yun gamit ang sarili kong pera. Okay, so let us go back. Bakit hindi ako naniniwala sa pag-ibig? Simple lang, dahil kung merong ganon, buo pa sana kami ngayon.

Pagkatapos non, pumunta na ako sa banyo at naghilamos tska nag toothbrush.

Pagbaba ko, pumunta agad ako sa dining room. Nadatnan ko si Dad na nakaupo at nag babasa ng dyaryo.

"Good morning to the most handsome and loving father in the world!" Sabay hug sakanya sa likod  at kiss sa cheeks.

"Good morning too my beautiful princess!"

Umupo na ako sa seat ko at tinignan ko si Daddy.

"But, an independent one." Ngumiti ako sa kanya, at ngumiti din naman siya sa akin.

"So, how's my princess?" Tanong niya sakin at uminom ng kape niya.

"Eto maganda padin mana sa Daddy." Tumawa kaming dalawa. Pagkatapos non, kumain na ako. At muntikan na talaga akong mabilaukan sa sunod na tanong ni Dad.

"I mean, your love life. Meron ka na bang boyfriend o manliligaw man lang anak?"

"Dad! Anong love life ang sinasabi niyo? Boyfriend? Manliligaw? Wala akong panahon jan noh!" Well, hindi naman talaga sa walang nanliligaw sakin. Actually meron, pero ni-rereject ko sila dahil sa alam niyo nang dahilan. Uminon muna ako ng tubig at nag salita ulit. "Tsaka, bakit mo naman na tanong yun Dad?"

"Wala naman, pumasok lang talaga yun sa isip ko." I sigh heavily.

Napa buntong hininga nalang ako at kumain na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon