Langgam sa rehearsals...

30K 254 16
                                    

Pagkalipas ng ilang oras....

Vice: Kurba? Kurbaaaa... Gising na kurba!!! Late na tayo. dali dali! 

K: Eeee.. Vice. Mamaya na -_-

Vice: Baliw 10:30 na o.. 9 kaya call time natin. Dali na kurba gising ka na. Kundi hahalikan kita!

K: ...... ZzzzzzZzz.....

Vice: Sus. Gusto mo lang ng halik eh

At dahil nga tamad pang gumising si Karylle ay tinadtad siya ni Vice ng halik sa katawan. Nakiliti si Karylle kaya ito'y napilitang bumangon at humanda na para sa kanilang rehearsals bago ang show nila mamayang gabi. 

Vice: K, nagtext na si Direk. double time daw.

K: Oo na po.. Eto na po!!! 

Nagmadaling suklayin ni Karylle ang buhok niya sabay lagay ng light make up dahil rehearsals pa lang naman ito. At para hindi siya mahirapan ay tinulungan nalang siyang ayusin ni Vice ang mga gamit na dadalhin niya para sa araw na iyon. 

Pagkatapos ay umalis na ang dalawa at pumunta na sa hotel lobby kung nasan nandun na ang lahat ng staff at hosts. Pumunta naman agad silang lahat sa Blaisdell Arena kung saan itatanghal ang Showtime mamayang alas-syete ng gabi. Habang nasa Van ay magkatabi naman sina Vice at Karylle na sweet na sweet at nagkukulitan parin kahit ang iba nilang kasama ay busy naman sa pag rehearse ng kani-kanilang mga kanta. Lalong lalo na si Anne na may ihahandang song number para sa madlang pipol. Naisipan ng showtime hosts na pagtripan siya dahil naka-earphones ito at sobrang lakas ng music. Vinideo naman ito ni Teddy at pinost sa instagram.

Vice: Ngangabu!!! hoooy. laki ng bunganga mo! Hahahaha!!!

K: Hard mo Vice ha! 

Vice: Di nya naman naririnig. Haha!! Ngangabuuuuu! 

Jugs: Kuys, focused talaga si Anne o. Ayaw paistorbo. Hahaha!

Vhong: Hayaan nyo na nga yan.. 

Jhong: Naks naman brad. Protective!

Vice: Kahit anong pagtanggol mo pa yan, hopia ka parin Vhong! Hahahaha!

Tawanan naman silang lahat at dedma parin itong si Anne dahil nga wala siyang naririnig.

Pagdating sa Arena ay namangha naman silang lahat sa laki nito at kinakabahan narin kung mapupuno ba nila ito mamayang gabi. Pero dahil isang pamilya sila, bago nagsimula ang rehearsals ay nagdasal muna sila. Pagkatapos ay nagsimula na ang kanilang mga pag ensayo. Habang naghihintay sweet na sweet na naman itong si Vice at Karylle. Nagkikilitian, naghahabulan at nagyayakapan na parang magjowa na. 

Buern: Teh, ang sweet ng dalawa. May namamagitan ba dyan?

ViceRylle Love On TopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon