Chapter 16

20 0 0
                                    

Phim,

First of all hindi ko alam kung pano to sisimulan. Ang dami kong gustong sabihin at ipagtapat sayo.

Nagmigrate na kami ng pamilya ko abroad. For good.
Phim gusto kong magsorry sa pang-iiwan ko sayo. I hope you understand. Fifteen days after kang maaksidente may na diskubre akong malaki na tungkol sa TOTOONG pagkatao mo. Si Tristan na ang bahalang magpaliwanag sayo tungkol sa isyung to, naikwento ko na kasi sa kanya yun.

Phim, i want you to know that I LOVE YOU. Sayang nga eh. Hindi ako binigyan ng sapat na oras para makapangligaw sa yo. Kung hindi pa kasi ako nagpaka torpe eh sana tayo na (siguro) ngayon.

Babalikan kita diyan Phim. Please wait for me.
Can you wait for me baby?

I LOVE YOU CARLIE PHIM REYES, or should i say... I LOVE YOU KATHLEEN ZALEAH GUIDOTTI <3

-Carl

*********************


Agad namang tumulo ang mga luha ko pagkatapos kong mabasa ang sulat ni Carl, though naguguluhan ako kung bakit niya ako tinawag na Kathleen Zaleah Guidotti?

"T-tristan" tawag ko kay Tristan pagkakita ko niya sa sala

Agad ko namang tinakpan ng mga palad ko ang aking mukha at humagulhol na ng iyak.

Agad namang nagsilabasan sina Francis, Mark, Vincent, at Louie. Habang si Tristan naman ay lumapit sa akin at niyakap ako. Iyak na ako ng iyak habang naka yakap parin si Tristan sa akin.

"Ssshh... It's allright. Were here." pang-aalo niya sa akin.

Kelan pako naging balat sibuyas?!

"S-sory, nabasa ko tuloy shirt mo"

*kinabukasan*

"Phim..." hindi ako sumagot hinintay ko lang ang kasunod na sasabihin ni Tristan. Bumuntong hininga muna si Tristan bago nagsalita muli. "Hindi ka totoong anak nina tita Femie."

I know. I saw this coming pero ang sakit pala pag may nagsabi na talaga sayo. Para akong sinamal ng katotohanan.

Nagpanggap akong walang alam at tumingin kay Tristan na parang hindi maka paniwala. "A-ano?" syempre gusto kong malaman kung saan nakuha ni Carl ang impormasyon tungkol sa totoo kong identity. Kung noon nagdududa ako tungkol sa aking pagkatao? Ngayon nakumpirma ko na mismo na ako talaga si KATHLEEN ZALEAH GUIDOTTI ang nawawalang kakambal ni Kathryn.

"Isang araw daw nagkabangga si Kathryn at Carl sa corridors nahulog daw at nagkalat ang mga dalang papel ni Kathryn, so tinulongan siya ni Carl na pulutin ito. Pero isang papel ang umagaw ng kanyang pansin kasi nandun ang pangalan mo. Nung una nagtaka siya pero kalaunan nag sink in sa kanyang utak na ang mga dalang papel ni Kathryn ay mga papeles na nagsasaad ng isang DNA test. Naka saad dun na hindi nagmatch ang DNA mo sa parents mo. Babasahin pa sana niya ang nakasulat sa baba ngunit agad itong binawi ni Kathryn at agad tumakbo."

hindi muna ako umimik dahil gusto kong mari ig ang buong storya

"hinabol ni Carl si Kathryn, naabutan niya itong umiiyak magisa sa isang classroom na walang tao habang naka takip ang mga kamay nito sa bibig at nakatingin siya mismo sa papel na kanina ay hawak ni Carl. Hinablot ito ni Carl at agad na binasa ang nasa hulihan ng papel at nakita niya na nagmatch ang DNA mo sa DNA ni Kathryn."

*flashback*

"Aray" sigaw ko ng mayron akong naramdamang humila ng buhok ko.

"Ayy hala!! Ikaw pala yan Phim! Oh my gosh! I'm so sorry tinulak kasi ako nitong si--" tumingin naman siya sa paligid pero wala siyang ibang taong makita "ay!! Hehe umalis na pala siya. Natakot siguro. Hehehe Phim una na ko!! Babye!"

At agad naman siyang tumakbo paalis. Umiling nalang ako sa kanya. At nagpatuloy sa pagbabasa.

*end of flashback*

"Pagkatapos sabihin sa akin ni Carl lahat ng yun ay pina DNA ka namin ng pasikreto habang nasa coma ka pa lang. At pareho parin ang naging resulta. Negative ang lumabas sa DNA nyo ng mga kinikilala mong magulang. Ang nakakabigla pa ay ang DNA mo ay nagmatch sa DNA ng mga magulang ni Kthryn---"

"P-pano kayo nakakuha ng sample sa mga magulang ni Kathryn?"

Umiling lang si Tristan at nagkibit balikat.

"Nakumpirma pa namin ng tuluyan kasi balita namin ay may nawawalang kakambal daw si Kathryn. Kathryn was clueless na meron pala siyang nawawalang kakambal. I think it has something to do with the ambush 16 years ago i think? Plus yung pagtangka ng tatay mo sayong buhay nung nasa ospital ka pa."

"Y-yung ambush... Nangyari diba dun sa isang liblib na lugar?" nakita ko namang bahagyang nagulat si Tristan sa sinabi ko. Agad namang tumulo ang mga luha ko. "T-totoo pala talaga ang mganapanaginipan ko? A-akala ko? A-ako pala talaga si Kathleen."

"Bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad ito Phim?"

"G-gusto ko pa kasing makumpirma, at ngayon meron na parang ayaw ko paring maniwala. Kasi.... Kasi... Napamahal na ako kina nanay." tumingin ako kay Tristan "nananaginip lang ako diba? Sabihin mo sa aking panaginip lang to please!! Tristan!!"

"Sshh... Everything will be alright! Don't worry nandito kami para tulungan ka---" naputol ang sasabihin ni Tristan kasi may biglang nag doorbell sa labas ng condo.

"Ako na ang magbubukas" sabi ni Mark sabay tayo para pagbuksan kung sina man ang panauhin.

"Wait!! Wag mong buksan baka kung sino nanaman yan! Tss.. Here. Tignan muna nati kung sino." umiling naman si Francis at ipinagpatuloy ang sinasabi "nagkabit kasi ako ng camera sa labas ng condo mo. For safety?" nagkibit balikat naman siya at kinalikot muna ang laptop niya.

Duh!? Computer freak! xx

"Ok! Buksan mo na Mark! Si Z lang naman pala yan eh."

"H-huh! Si Kathryn? Ikaw nalang magbukas Louie! Naiihi pala ako hehe gege!!" at ayun ang unghoy nagmamadaling pumunta sa CR. Hmmm.... I smell something fishy!! Hahaha may gusto ba si Mark kay Kathryn? Hahahaha!!

The Long Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon