Chapter 4

28 2 0
                                    

"Sino ka ba talaga?" untag naman ni Louie sa akin.

Eh?

Seryoso hindi talaga nila ako nakikilala eh si Francis nga na kahit tatanga tanga minsan ay nakilala ako agad. Eh sila pa kaya!

"Ano ba ako to! Si Phim!" sabi ko

"Ang sabihin mo... Ang impostorang Phim!" Vincent accusingly said.

"Atsaka... Sino bang Phim pinagsasabi mo miss? I mean.. Hello!! Marami kayang Phim dito sa mundo." at pinagdiinan pa ni Mark ang pagkakasabi ng first name ko.

Tsk! Gung gung talaga! Kahit minsan.

"Haler! Ako lang naman ang nag-iisang Carlie Phim Reyes."

"Tama na nga yan guys! Nagsasabi siya ng totoo. Siya nga si Phim, ang bunsoy natin. Binago niya lang ang kulay ng buhok niya." awat naman sa amin ni Tristan.

Haay salamat at pumagitna rin si koyaa!
Ang hirap i-explain ang sarili mo sa mga taong wala namang mga COMONSENSE! Haaiist.

"Ows? Di nga?" they all said in Unison.

"At kung siya nga si Phim malamang ay kanina niya pa kami sinapak!" sabi naman ni Mark, hindi parin naniniwala.

"Oo nga!" sang-ayun naman ng dalawa (Vincent at Louie)

"Ahhh so gusto nyo ng sample!" maangas na tanong ko tatlong butyok kong barkada.

"Sige nga! Sampulan mo nga kami" hahahaha kung alam lang nila.

I smiled devilishly.

Ok!

Sa walang pag-aalinlangan at sinapak ko si Vincent. At first ay tulala parin siya, hindi maka paniwala. Eh sa makulet ako eh! Kaya sinapak ko narin sila Mark at Louie.

"The f*ck?" ani Vincent matapos makabawi sa suntok ko.

Pft. Kung nakikita nyo lang ang mga fes ng mga barkada ko matapos ma suntok hahahaha PRICELESS!!

"Ayaw nyo paring maniwala? Oh sige sige take two!" at ambang susuntok sa kanilang tatlo ngunit sumigaw si Mark habang naka sagang ang kanyang dalawang kamay sa harapan ng mukha nya. Tsk! Kala niya siguro makakatulong yang pag sangga sangga niya sa kamay niya!

"Oo na!! Oo na!! Naniniwala na kaming ikaw yan Phim! Tama nah!!" hahahahaha

"Oo nga! Hanep ang lakas mo talagang manuntok!"
"Walang mintis! Akalain nyo yun? Pumutok labi ko ooh!" at ipinakita ni Louie sa akin ang nagdudugong labi nito.

Agad akong tumalikod. Nasabi ko na ba sa inyu na takot ako sa dugo? Di ko alam! Everytime na nakakakita ako ng dugo ay bumibilis ang tibok ng puso ko, pinagpapawisan, sumasakit ang ulo ko, at biglang mag-cocollapse.

"Gamutin nyo na nga yang si Louie at nang makaharap na yang si Phim sa atin. Alam nyo naman ang nangyayari pag nakakakita yan ng dugo."

"Ayy oo nga! Pasensya ka na Phim!" at naka dinig ako ng mga yabag ng mga paa na nagmamadaling pumunta sa CR.

"Phim!" tawag sa akin ni Carl nang makita niya akong nakahawak sa aking dibdib habang hinahabol ang aking hininga.

"Ewan ko lang talaga sayo Phim! Ang astig astig mo, pero takot ka sa dugo?! Pft. Hanep!" umiling lamang si Vincent sa akin pero di naglaon ay dinaluhan narin ako.

At sumunod naman sina Tristan, Mark, at Francis.

"Ok lang ako." paniniguro ko sa kanila.

The Long Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon