Chapter 15:

785 32 12
                                    

Chapter 12:

---

(Ck's POV)


*ring ring ring

....Labs Calling

^_^

"Hello labs?"

(Labs! Sorry hindi ako makakapunta, may lakad kami nila mommy ee 😢)

Haay. Halata ko ng maiiyak sya. Tss. Ang iyakin talaga neto

"It's okay labs. I understand. Wag kang iiyak okay?"

("Huhu. But i missed you :'(") halata sa boses nya ang pagkalungkot. Kaya napabuntong hininga ako ng malakas

"It's okay labs. May bukas pa naman diba? May pasok na oh? Sunday naman kasi. Family day oh? Kaya wag ka na sad okay?" i said that to cheer her up.

("huhu. okay po labs. oh sige po, bye na. kumain ka na. i love you.") napasmile naman ako sa sinabi nya. kahit umiiyak na sya, ako pa din inaalala nya. :)))

"yes labs. i love you too. bye" then she hung up.

Grabe, kahit na'broken I mean... Medyo nasaktan ako dahil kay Natha. Di ba nga sya yung una kong nagustuhan? Pero thankful pa din ako. Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikilala ang my labs ko. Oha nababading na naman ako! Nyeta, iba talaga pag inlove! But I still care for Natha of course as a friend, pwedeng special na din. Siya kaya yung unang babaeng nasaktan ako. Ohh, secret lang natin yun ha. Sshhh

Nandito nga pala ako basketball court sa village namin, dapat kasi magde'date kami ni mylabs ko eh. My na nga, may ko pa. Ganyan ako ka'possessive eh. Subukan mong agawin yung taong mahal ko, hello hospital ka na or better yet hello sementeryo ka. Mas gusto mo yun? Haha oh well. Eto, kalaro ko mga ka'team mates ko na si Andrew,Troy at Kurt. Kasama din si Nick at Luke same village lang naman kami eh. Tsaka dapat kasi lahat kami pupunta kaya lang yung iba may mga lakad. Tulad nalang ni Alex. Balita ko may date sila ni Natha eh. Puntang Hacienda nila. Wow bigtime. Ako naman dapat dadalhin ko si mylabs ko sa amusement park, kaya lang may lakad daw sila ni mommy ee, yung mommy nya. Walang pakialamanan, dun din naman punta nun eh. Haha. :D


"Ano dre? Ano sabi ni mylabs? Hahaha!" Biro sakin ng isa sa mga teammates ko.

"Hindi tuloy date namin pare eh" ako. Bigla naman akong inakbayan ni Kurt, isa sa mga teammates ko.

"Edi ayos! Mas matagal laro natin" kurt

"Oo nga pre. Teka... Asan si captain?" Tanong naman ni Andrew

"Kasama si Natha, may date ata sila" sagot ko

"Huuup. Talo tayo kay captain ha!" Sabat naman bigla ni Troy, teammate din namin habang lumalapit samin. Kakarating nya lang

"Napasagot si Natha. Tangna talo tayo sa pustahan! Hahaha" sabi ni Kurt at bigla nalang sila tumawa. Napakunot naman ang noo ko dahil naalala kong nagpustahan nga pala sila. Psh stupid Alex.

"What did you say?" Pigil na galit na tanong bigla ni Nick na hindi naming inaasahang nakikinig pala sa usapan nila.

"Oh pare! Ready ka na? Haha ano bang tinatanong mo dyan?" Kurt

"I also heard you, anong pustahan?" Pa'cool na sabi naman ni Luke na bigla nalang din sumingit sa usapan nila. Oh this is not good. Walang nakakaalam na magfiancé sila Natha and Nick

"Wala yun bro, nagpustahan kasi sila ng basketball, don't mind that" biglang singit ko sa kanila at lumapit din. Dapat pigilan ko kung may magsasalita sa mga team mates ko.nagtagumpay naman ako sa agaw atensyon ko sa kanila.

"Is that so?" Masungit na tugon ni Nick. Bigla naman umakbay sa kanya si Andrew

"Alam mo Nick everytime na naglalaro kami ng basketball lagi kaming may dare. Tulad nalang ng kay captain, sabi namin ligawan si Na---" pinutol ko bigla yung sasabihan nya

"Laro na tayo! Daming satsat eh" Sabay hagis ko ng bola. At naglaro na nga kami. Buti nalang nagfocus nalang sila Nick and Luke sa basketball. Siguradong pag nalaman nila na pinagpustahan lang nila dati si Natha, gulo na naman toh.

(End of CK's POV)

---

(Nick's POV)

Kakatapos lang namin maglaro ng basketball at alam kong may tinatago si Keith.

"Are you thinking what I'm thinking B1?"

"Gago!" Sigaw ko sa magaling kong kapatid. Kita ng seryoso ako dito mag-isip. What i hate the most is yung nag iisip ako tapos guguluhin ako. Tinawanan naman ako ng hinayupak.

"Mukhang may pag-asa ka na brotha!" Tuwang tuwa na sabi ni Luke. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Shut up Lucas!" Sigaw ko sakanya.

"Sinong may pag-asa?" Lumingon naman kami sa taong nasa pintuan. Tss. Hindi talaga uso kumatok sa pinto. Wanted: Privacy.

"Si Mar Bro! May pag-asa pa!" Sagot naman ng siraulo kong kapatid. Akala nyo ba si Luke pinakamabait sa aming magkakapatid? Akala nyo lang yun!

"Kung wala ka din namang magandang sasabihin, shut up ka nalang." Tumawa naman ang hinayupak kong kapatid at tiningnan namin sya ng masama ni Kevin

"Ano ba kuya, I heard the both of you talking awhile ago. Is it about Natha?" Tanong naman ni Kevin sabay tingin sa aming dalawa ni Luke na akala mo pulis na nag iinvestigate.

"Sabi na kapatid kita eh. Ang talino mo talaga!" Proud na sabi naman ni Lucas.

"Parehas ding chismoso. Tss."

"So ano nga kasi pinag-uusapan nyo kuya." Kevin

"Naglaro kasi kaming basketball kanina nila Keith, then may nabanggit si Kurt." Luke

"Ano naman yun?" seryosong tanong ni Kevin. Palabiro din tong kapatid ko, pero overprotective pagdating kay Natha. Tss. Baka may gusto toh sa fiance ko. Sapakin ko sya.

"Chill masyado kang seryoso little bro. Pero ayun nga, about pustahan daw nila ni Alex. And we think na si Natha yun kaya ganyan si kuya." Bigla naman kumunot ang noo ni Kevin. Mahahalata mong galit sya. Nakayukom ang mga palad nya at nakasalubong na din ang kilay. Malayong malayo sa Kevin na palangiti. Pagdating talaga kay Natha iba ang usapan sa amin.

"Gago yun ah!" pasigaw na sabi. Tss. Daig pa talaga ako. Kainis.

"Sabi ko chill lang kayo eh. Yaan nyo, humanda sya satin bukas." Makahulugang sabi naman ni Luke.


Humanda ka talaga Alexandrei Martin Sy.






--

I'M ONE OF THE BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon