Chapter 12

628 20 1
                                    

Chapter 12

(Ck's POV)

Haaay. Buhay. Amboring -___- makapagbasketball na nga lang. Ayain ko nalang si Alex.

(Sy's Residents)

"Bro!"

Nandito ako sa kwarto ni Alex. Tsh. Busy ata toh.

"Ano magandang isuot? Eto or eto?" Tanong sakin ni alex. Ang aga aga may lakad ata?

"San ka naman pupunta?"

"1st date namin ni Natha eh" -alex

"What?!" O.O

"Tsh. Sinagot na nya ko."

Huh?

"Huh? Again, what? O.O"

"Haay ewan ko sayo! Ano bang ginagawa mo dito huh?"

"Basketball sana tayo eh. Pero mukhang busy ka."

"Sorry bro. Ayain mo nalng si Mara! Haha!"

"Psh. Wala sya. Matanong nga lang. Seryoso ka na ba kay Natha?"

"Paki mo? -.-" aish. Sungit tlaga neto

"Tss. Tigilan mo na nga sya."

"Haaay. Kami na nga. Tinigil ko na ang fake relationship namin. Real na toh." Sabi ni alex. Oh? Grabe!

"Eto tanong lang bro ha, gusto mo ba talaga si Nathalie o kaya mo sya nagustuhan dahil kay Nicholas?"

"Bakit naman napasok na naman yung lalaking yun sa usapang toh? -.-"

"Dahil alam kong gumaganti ka sa kanya."

"Grr. Ewan ko sayo! Umalis ka na nga! May date pa ko! >.<"

"Mahal ka na ba nya?"

"Sino ba hindi maiinlove sakin ha?" Ang yabang talaga ng bespren kong toh. Haha. Kahit suplado ang daming nagkakagusto sa kanya -___-

"Biglang humangin ah? Haha. Oh eto, mahal mo na ba sya?" Bigla syang natahimik sa tanong ko

"Oh, natameme ka ata dyan ha? Umayos ka nga. Ngayon palang tigilan mo na sya. Masasaktan ka din sa huli." Sabi ko sa kanya

"Silence means yes right? Why do i need to answer your stupid question? Isn't that obvious? Hmm. Siguro masasaktan ako. Pero hindi ko hahayaan na maagaw sya ni Nicholas sakin" -alex

"Correction, ikaw ang nang-agaw. And whether you like or not, masasaktan ka pa din. Dahil sa una palang, alam mong ikakasal din sya sa iba someday."

"Pwede pa Keith, hindi naman kasi lahat ng plano ay nangyayari. -.-"

"Kaya nga itigil mo na yang plano mo eh!"

"Shut up Keith. Alis na nga! May pupuntahan pa ko!" -alex

"Oo na. Sge. Maging masaya ka sana -____-"

Umalis na ko mg bahay nila. Kabadtrip din talaga yun. Sobrang moody. Bakit ba parehas sila ng ugali ni Nick? Grr. Dapat sila magbestfriend eh! Makapunta na nga lang sa basketball court dito sa village.

Pagdating ko sa court ay may naglalaro sa court. Isang lalaki na medyo kasing age ko lang siguro. Nakatalikod sya. Pero nakilala ko din agad sya.

"Nick!" Tawag ko sa kanya at agad naman syang tumingin sakin

"Oh Cody! Andito ka pala. Tara laro!" Aya sakin ni Nick sabay hagis na bola sakin. Na'catch ko naman. At nagstart na maglaro

"Bro, buti hindi ka nagalit sakin noh?" -Nick

"Malamang. Wala ka namang ginagawa sakin eh. Baliw lang talaga si Alexandrei kaya nagalit sayo. Ang laki din ng inggit nun sayo, akala nya lahat inaagaw mo."

"Kaya nga eh. Hayaan mo na. Mukhang nakabawi naman na sya sa akin eh."

"What do you mean?"

"Kakausapin ko na si dad. Sasabihin ko ng ayokong magpakasal."

"What?! But why? :o"

"Syempre sila na."

"Tsh. Ganun mo ba talaga ka'hate si Nathalie huh?" Na'kwento kasi sakin ni Natha na hindi sya pinapansin ni Nicholas. At sa pagsusungit nito sa kanya

"No. In fact, I really like her or I think i'm falling for her. Kaya nga dumidistansya ako sa kanya. Ngayon pang may boyfriend na sya. Mabuti sana kung iba boyfriend nya eh. Pero si Alexandrei. Tsk" -nick

Ano ba toh! Parehas lang pala silang may feelings sa isa't isa ni Natha! Dapat hindi matuloy ang pag-urong nya sa kasal nila someday. Dahil alam kong baka niloloko pa din ni Alex si Natha.

"Yun naman pala eh! Edi ipaglaban mo sya. Bahala ka, nasa huli ang pagsisisi"

"What do you mean?"

"Alex and Natha are just pretending."

"What?! That's stupid! Naloko nila kaming lahat!"

"Oh andito din pala si Keith eh. Yow keith!" Tawag sakin ni Kevin. Dumating sila ni Luke. I think sila ang dapat na maglalaro.

"Oh, tama. 2v2. Game? ;)" Luke

"Lucas! kevin!" Sigaw ni Nick sa kanila. Hala? Bakit biglang nagalit yun?

"Why Kuya?" -Luke

"Do you know anything about the relationship of Alex and Natha?" -nick

"Huh? Bakit bigla kang naging interesado dyan kuya? Dba wala ka namang paki sa mga yun?" Kevin

"Just answer it!"

"Hmm. I think 3 months na ata sila" -Luke

"So 3 months na nila tayong niloloko?!" Biglang sabi ni Nick sabay tingin sakin

"Niloloko?!" Tanong ni Luke

"So hindi mo alam. Ikaw Kevin. Do you know anything about this?!" -nick

"Ano ba yun kuya?" Maang-maangan na tanong ni Kevin

Lumapit si Nick kay Kevin at binigyan nya ng umamin-ka-look

"Haaay. Okay kuya. Alam ko yun. Bestfriend ako ni Natha kaya sinasabi nya sakin lahat."

"Eh bakit hindi mo sinasabi samin?" Luke

"Bestfriend ko ba kayo? -___-"

Natawa nalang ako sa sinabi ni Kevin haha!

"ARAY! Bakit ba nambabatok kaaa! -.-" bigla kasi syang binatukan ni Luke

"Seryoso kasi! Ts" luke

"Look kuya, kapag ba may sinabi ang bestfriend mo sayo na secret, sasabihin mo sa iba?"

"Hmm. Depende."

"Tss. Tama na nga yan! Kakausapin ko nalang si Natha kapag nagkita kami." -nick

"Oo nga. Laro nalang tayo! Kevin kampi tayo! Game na." Sabi ko sa kanila at naglaro nalang kami.

-----------------------------------

?

Short update ;)

-SameeBee

I'M ONE OF THE BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon