Chapter 3

17 1 0
                                    


Chapter 3
The Date

Outfit ni georgie para sa date nila ni andrei yung nasa picture

--
11:30 palang ay nakarating na ako ng MOA. Nagpahatid nalang ako kay mang jose ,baka kasi kotse ni andrei yung gamitin namin mamaya.

Everytime kasi na may date or mga lakad kami ay lagi niya akong hatid sundo.

Oo Ako na ang excited hehe. Bibili pa kasi ako ng gift para sa kanya:) kaya hindi na ako nagpasundo sa kanina

Naglibot libot muna ako sa mga stores, mag iisang oras na akong naglilibot pero wala parin akong mahanap. Ang hirap niya naman kasing regaluhan. Parang lahat yata eh meron na siya

Napadaan ako sa isang jewelry store. may nahagip Akong couple necklace na may couple magnet na singsing na nakasabit. At kapag nagdikit yung mga singsing magfoform ito ng heart shape

Maganda sya. Eto nalang siguro :)

Pumunta na ako sa counter para magbayad. Binigay ko yung credit card ko.
Oops. Nakalimutan ko,

"Miss pwede paki wrap? Panregalo ko kasi sa boyfriend ko. pakigandahan ahh." Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Ok po mam. Sandali lang po"
Sana naman magustuhan nya:)

Nung papalabas na ako. May nakabunggo akong lalaki. Nahulog yung pinamili ko kanina.

Agad naman syang lumuhod para kunin yung paper bag.

"Sorry"sabi nya
Saka sya ngumiti. Actually gwapo sya. Maamo din ang kanyang mukha

"Hindi. Ok lang" nginitian ko din sya.
"Gotta go. Sorry ulit"

Saka sya lumakad paalis

--
Tamang-tama exactly 1pm na. Pumunta na ako sa usual meeting place namin. Baka naghihintay na yun dahil natagalan ako. Ayoko pa namang paghintayin sya dahil baka masayang yung oras na magkasama kami. Ngayon na nga lang ulit sya naging available dahil sa dami ng ginagawa nya. Syempre ayokong masayang ang oras:)

Nandito na ako.

Eh???wala pa sya?? Baka na traffic lang.
Umupo muna ako sa isang bench.

mag iisang oras na at wala pa sya.
Gutom na ako. Eh hindi pa kasi ako naglalunch Dahil maaga pa akong umalis sa bahay

Tinignan ko yung dish na niluto ko na nakalagay sa paper bag. Hehe sana magustuhan niya. Nalala ko pa tuwing ipinagluluto ko siya. Nagiging exagerated siya hehe

Urgghhhh( tunog yan ng tyan ko. Hayaan na )

" ahhh.. gutom na talaga ako :/ tawagan ko kaya? "
Kinuha ko yung cellphone ko sa sling bag ko. Dinial ko yung number nya pero cannot be reach eh. Dinial ko pa ulit pero ganun pa rin eh.

" ayos lang kaya yun? " sandali na lang. Hintayin ko muna. Baka may inayos lang.

Lumipas ang isang oras. Hindi parin sya dumadating.
Ang hapdi na ng tyan ko.

pinagpasyahan kong bumili muna ng burger at mineral water sa isang burger stand.
Pagkatapos ay umupo ulit ako. Kinain ko muna yung burger habang naghihintay.

Nakakadalawang burger nako wala parin sya.

"Iha. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa jan ah" yung babaeng may ari ng burger stand kanina

Tinignan ko yung watch ko. 5pm na pala. Maluha luha na ako. Hindi sya dumating. Pinaghintay nya ako sa wala.
ngumiti ako ng pilit.

"Ahh.. may hinintay lang po. Kaso mukhang nakalimutan niyang pumunta"

Tinignan ko yung niluto kong dish at gift na ibibigay ko sana sakanya. Nasayang ang effort ko.

Mag gagabi na kaya tinawagan ko na si mang jose para magpasundo. Naghihintay parin ako ng text nya kaso wala talaga eh.

pagkarating sa bahay ay dumiretso agad ako ng kwarto at dun ko ibuhos lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa nakatulog ako.

--

Pagkagising ko sa umaga grabe yung bigat ng ulo ko, dahil siguro sa magdamag kong pag iyak kagabi.>o<

May klase pa pala ako. Tinignan ko yung wall clock ko. 6 am na.

Agad akong pumunta sa banyo para maligo. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ang panget naman. Para akong zombie. namumula Din yung ilong ko .

pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para magbreakfast.

"Anak, hinay-hinay lang sa pagkain. Baka mabulunan ka pa" si manang .

"Hehe" nginitian ko lang si manang at itinuloy na ang pagkain ko

Kahapon pa ako gutom. Ni hindi man lang nga ako nakakain kagabi dahil diretso ako agad sa kwarto para umiyak. Wala din akong ganang kumain dahil sa mga nangyari

--

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Papunta na ako sa next subject ko. Nakasalubong ko si andrei pero nilagpasan nya lang ako. Ni hindi nya nga ako tinapunan ng tingin eh. Wala man lang ba syang balak magsorry or mag explain?

ano bang nangyayari sa kanya???

Pagkapasok ko sa room ay pumunta agad ako sa desk ko at yumuko. Parang maiiyak na naman ako.

May presensya akong naramdaman. Pagtingin ko si angie lang pala.

" uyyy girl. Anyare sayo? Bat mugto yang mga mata mo? May nangyari ba ?" Nag aalalang tanong nya saakin.

Umupo na siya sa desk niya . Tapos ay hinarap ako

Hindi ako nakatiis.
sinabi ko sakanya ang lahat simula sa pagbabago nya at yung nangyari kahapon.

Kahit naman itago ko sakanya eh kukulitin nya parin ako. Kailangan ko din naman ng karamay. Kailangan may mapagsabihan ako ng nararamdaman ko ng mabawasan naman yung bigat ng loob ko.

"WHAT??? He did that to you? lagot siya saakin pag nakita ko siya mamaya" Inis na inis nyang sabi.
Lumungkot yung mukha ko. Nahalata naman nya siguro.

"Sana man lang nagtext siya o tumawagkung may emergency na nangyari para hindi ka naman nag hintay ng ganun katagal. Hindi ba uso sa kanya ang postpaid at prepaid lang siya?? Mahal na ba ang load ngayon?"

"Hindi na angie. Mas gusto ko ako nalang yung kakausap sakanya." Pero bakit parang lumalamig na sya saakin. Kung may rason o emergency sya. Dapat kahapon pa ay sinabi nya na para hindi na ako nag hintay ng 5 oras sa MOA.

"Sige. Ikaw bahala. Pero pag kailangan mo ng back up wag kang magdalawang isip na tawagan ako huh?" Sabay pat nya sa shoulder ko.

Nginitian ko nalang siya.

Pumasok naman yung prof. Namin at nag umpisa ng magturo. wala akong maintindihan sa tinuturo nya. Buong period na lumilipad yung utak ko. Buti nga hindi ako nahalata ni prof.

--
Tapos na yung klase ko ngayong araw.
Pumunta muna akong locker para kunin yung book ko at notes ko. May quiz kasi kami bukas .

Bigla naman sumulpot itong si jen.
"Hi there georgie:) hindi ko yata kayo nakikita nung boyfriend mo?"

Ang sarap mag mura.
Alam nyo yung. Wala ka na nga sa katinuan, masakit pa yung ulo mo tapos susulpot pa itong Anak ng peste nato?

Inirapan ko lang sya. "Pwede jen wag ngayon?" Saka ko siya nilagpasan

Matagal ng may sama ng loob si jen saakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Pero sya itong sugod ng sugod. pinaglihi yata sa inggit ang isang ito. hindi ko nga alam kung anong nagawa ko sa kanya na ikinapuputok ng butchie nya.

"Oooh. Ang tapang. Better watch out georgie. Baka mabaliw ka ng wala sa oras pag nalaman mo na ...secret..." pambibitin nya pa. Saka sya naglakad ng tumatawa.

What does she mean?

--

Ano kaya yung secret na sinasabi ni jen?
Malalaman na sa next update:)

Please vote and support I've Changed.
Pakifollow nadin

@SheDragon_96

He Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon