Chapter 5

12 1 0
                                    


Chapter 5
  Shattered in pieces

--
PAK!!!

Sinampal ko nanaman siya ng pagkalakas lakas bago ako lumabas.

Tumatakbo na ko papuntang elevator.

"Georgie. Wait"

Naririnig ko pa yung pagtawag nya sa pangalan ko.
Pero hindi ko pinansin yon.

Pagkapasok ko sa elevator ay pinindot ko na yung close button. Doon ako nag iiyak sa loob.

Pero
May presensya akong naramdaman. Hindi ko makita kung sino sya dahil sa mga luha ko.

Ang nakikita ko lang ay ang panyo na inaabot nya sakin.
Kinuha ko naman yon At nagpasalamat.
Pinahid ko ang mga luha ko.

Niyakap ako bigla nung lalaki. Nagulat ako

Itutulak ko sana siya kaso pinigilan nya ako.
"Don't. Okay lang. Umiyak ka lang ng umiyak. Im here"
Sabi nya habang hinahagod yung ulo ko.

Hindi na ako nanlaban pa. Hinayaan ko nalang. wala na akong lakas para itulak siya nanghihina na din kasi ako .

Gaya ng sabi nya. Umiyak lang ako ng umiyak. Humagulgol pa ako habang pinapahid yung luha ko gamit ang panyo nya.
Hindi naman sya mukhang masamang tao o maniac.

"maayos din ang lahat. nagkamali ka lang siguro ng taong minahal."

Iaangat ko na sana yung ulo ko para tignan sya kaso pinigilan nya ako. Kung makapagsalita kasi siya eh parang kilala nya ako.

"Si-sino ka?"

"Shhhh. Hindi na importante kung sino ako." Sabi nya.

"Alam mo. Ang drama ng buhay mo. Kung naging akin ka na lang sana ay hindi ka makakaranas ng ganito."

Tapos tumunog na yung elevator. Nasa groundfloor na kami.
"Sana ako nalang georgie"  hinalikan nya ako sa ulo bago lumabas ng elevator.

Napatigil naman ako sa pag iyak. Alam nya ang pangalan ko?

"Sino sya?" Mahinang sambit ko.
Tinignan ko naman yung panyo. May initials na nakalagay.
"G.D"

---

Mag i-isang linggo na akong hindi pumapasok sa school. at mag i-Isang linggo na din akong nakamumok dito sa kwarto.

Nilagnat ako ng tatlong araw dahil dun sa nangyari.

Alam na ng buong campus ang nangyari. Naikwento yun sa akin ni angie. Kaya nga ayoko munang pumasok.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap tanggap kung bakit nya ako nakuhang lokohin at ipagpalit sa malanding yun. San ba ako nagkulang?? Binigay ko naman lahat ah. oras, pagmamahal. Pwera lang dun sa "bataan".

Yun siguro ang dahilan kung bakit ipinagpalit niya ako kay jen. Pwes magsama silang dalawang malalandi.

Biglang nagring yung phone ko
pagtingin ko, Si angie pala.
"Hello"

"Bes. Wala ka pa bang balak pumasok? Ang dami mo ng namiss girl."

"Ewan ko angie. Hindi ko pa alam. May mga notes ka namang pinapahiram sakin. Kaya nakakacatch-up naman ako kahit papaano." hindi sa pagmamayabang eh matalino naman talaga ako. Kaya kahit nasa bahay ako ay nag aaral pa din ako.
About sa mga quizzes. Nasabihan na nina mama yung mga prof. Ko para sana mabigyan ako ng special quiz.

Alam na nina mommy ang nangyari.
sinabi ni angie sa kanila ang lahat ng nangyari. Hindi naman ako nagalit sa kanya. Alam ko namang nag aalala lang siya saakin.

He Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon