Episode 2

11 1 0
                                    

Episode 2.

Paolo Laketon's POV.

"Oh" abot ni kata sakin ng isang maliit na parang manipis na papel

"Ano to?" Usisa ko habang sinusuot yung suit namin.

"Mint yan. Tunawin mo sa lalamunan mo para mabago yung timbre ng boses mo." Sagot niya.

Shet. First time ko ngayong matapat sa mission nato lagi akong natatapat sa pag ooperate ng systems. At laging got your back lang.
Tinunaw ko naman agad yung mint sa lalamunan ko. Sinuot ko nadin yung temporary face ko. Masyado kaming maingat kaya kahit maglalagay ng mask, may temporary face pa kami.

(A/n: imaginin nyo yung muka niyo pinatungan ng muka ng ibang tao. Haha)

"Okay kana?" Tanong niya sakin.
"Okay na" sagot ko

"Tawagan mo si Shenn check mo earpiece mo, tsaka tanong mo kung okay na lahat"

"Sige" sabi ko at pinindot agad ang button sa Pierce ko.

"Ano okay naba?"

[Anong okay na? Teka? Sino to?] Hahaha ang kulet ni shenn.

"Si pao to. Hahaha"

[Eh? Bat iba boses mo?]

"Dahil sa mint anyway yung mga kailangan okay naba? Papasok na kami. Yung kotse sa may labasan namin nandun na?"

"Stand by na sila don. Pumasok kayo on my que. May nagbabantay pa e, papaasinta ko muna sa sniper. Papatulugin natin. Hahaha" sabat naman ni Cris sa usapan.

"Osige guys"

[YOU CAN GO NOW] rinig kong sabi ni shenn sa earpiece kaya tumingin nako kay kata.

"Ready? Wag kang kabahan. Nandito ko" sabi niya at ngumiti. Kahit hindi ako sanay kase hindi yun yung muka niya.
Tumango ako sa kanya.

Dahan dahan kaming naglakad papuntang likod ng parking nila. Napagusapan na namin yung posisyon kung nasan yung golden sphere. Nasa dulo yun ng 3rd floor.

Siya yung nauuna, sinusundan ko naman siya.

"May bantay ba sa first floor Cris?" Tanong ni Kata

[Wala isang babae lang sa may lobby. Nasa 2nd floor lahat.] Sagot ni shenn

Patuloy parin kami sa paglalakad ng dahan dahan. Masyadong malikot ang mata ni kata at talagang minamasid niya ang lugar.

"Papasok kami sa exit"
Sabi ni kata at binuksan ang pinto na sa likod. Fireexit pala to. Umakyat kami papuntang second floor dederetso sana ko sa paglabas ng pinto ng higitin ako payuko ni kata.

"Dinner muna tayo mga pre punta tayo sa lobby padeliver tayo dun din tayo kumain."

"Sige tara tara." Rinig naming usapan sa labas.

Tinignan ko si kata kung pano pakiramdaman ang pagalis ng mga tao.

Nang tumayo sya tumayo na din ako.

"Tss. Tanga. Pinadali yung trabaho natin." Sabi ni kata saka pinihit ang pinto at lumabas.

Sinundan ko lang sya habang palinga linga sa mga likuan ng hallway.
Dumiretso sya sa isang pa krus na daan, nang mapalingon siya. Nagpagulong agad siya papunta sa kabila at napatigil naman ako dahil sumenyas sya ng 'hinto'.

Dalawang magkasunod na krus na daan yon at ng makalampas yung tao, bumangon agad siya at sinenyasan ulit akong sumunod sa kanya.

Nakita ko na yung pinto at sa sandaling ito, ako naman ang nagpauna.

Agent in disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon