Episode 1

20 1 0
                                    

'Napagalamang ang kumpanya ng mga Vortex ay isa sa mga magnanakaw ng ideya umano. Kinumpirang galing sa kumpanya ng mga Sentai ,ang kumpanya mula sa pamilyang mga japanese, ang tunay na may ari ng ideya sa likod ng paggawa ng robotic computer.'

Napangisi ako habang umiinom ng kape kaharap ang TV. Ibinabalita na ang katangahang ginawa ng Vortex. Napaka pathetic kase. Tss. Papatayin ko na sana ang TV nang magring ang cellphone ko.

--czyrel sinder, calling--

"Hey"

[Haha, ang nice mo talaga Kata]

"Tss. Kasalanan nila yon" wika ko sa kabilang linya habang nakatingin sa TV pinapanood ang pagpapalusot ni Fancis Vortex sa kagahamang ginawa niya.

[Ang lupet mo! Kagabi mo lang ginawa yun tapos ngayon binalita na! Hahaha ang lakas]

"Tss. Baliw. Sge na may pasok pako, ang aga aga nambubulabog ka."

[Sige. Haha Idol talaga kita! Bye!!] Ibinababa ko ang linya at kumuha ng huling sulyap sa TV tsaka ito pinatay. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mga mata. Ilang sandali lang napamulat ako ng marinig ko ang cellphone ko na magring ulit

. --boss, calling--

Agad agad ko itong dinampot at sinagot.

"Yes?"

[Well done Merfurry]

"Tss. Yea thanks"

[You did a great job! Sobrang pasalamat ni Mr. Ken Sentai dahil alam niyang tayo ang may pakana sa pagkahuli ng mga magnanakaw na iyon]

"Okay. Pakisabi youre welcome"

[Makakarating. Ibababa kona] Ibinababa ko na ulit ang linya tsaka umakyat sa kwarto para maligo at magayos. May pasok pako tsk.

*****

Bumaba nako sa kotse ko. At pinagpag ang damit ko, tinignan kung may gusot. Isinuot ko narin ang maliit na name plate namin dito sa school.
"Stratus Icon" bulong ko ng basahin ko ang nakalagay sa nameplate ko. Napapailing nalang ako dahil hindi naman ito ang tunay kong pangalan. Inalis ko agad ang sa isip ko ang bagay nayon at nagsimulang maglakad palayo sa parking para pumasok sa campus.

"Good morning startus!"
Bati ng isa sa mga kaklase ko ng makapasok ako sa room at umupo sa upuan ko. Tinanguan ko lang siya at iginala ang mata ko sa kabuuan ng klase. Wala pang teacher kaya inilabas ko muna ang libro ko, hindi ko pa natatapos lutasin yung mystery dito asar. Mga ilang minuto pang pagbabasa ay may biglang nagbukas ng pinto nang pabalang.

-blag!-

Pumasok ang isa sa mga lalaki kong kaklase at dirediretso sa kanyang upuan. Katapat ng upuan ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Leche kala mo kung sino kung ibalabag ang pinto.

"Wala lang. Para agaw eksena" sagot nya at umupo na ng maayos sa upuan niya.

"Tss." Napairap nalang ako. Itinabi ko narin ang libro ko ng saktong pumasok si Prof dala ang isang .. card? Card lang wala ng iba pa.

"Okay guys, what month are we having now?" Panimula niya.
"December " sagot nila.

"Right. At anong meron sa December?" English. English time pero parang math. Bat ba nasa calendar kami ngayon? Tss.

"Christmas and love month po ito sir!" Sagot naman ng isa sa kaklase ko.

"Correct! So, you'll be having a project slash output related to this month of December . You will make a card for your loveones. Love letter to be exact. You can give this to your parents, teachers, girlfriend,boyfriend, or to your crushes. Use your creativity to that project. Hmm, since 3 days before December 17, next next day is the submission, so you still have the time to give that card to whoever you will give that.There will be two grades each card. One from me, and one from the reciever. Just give me a one forth sheet of paper and let the reciever sign the grade .Ill be out tomorrow. Okay? Is it clear to you guys?" Mahabang sona ni sir sumangayon naman yung iba. Nagkaingay na dahil iniisip nila kung kanino ibibigay yung pakulo ni sir. Malamang yan ganyan din yung pinagawa nya sa iba pa nyang hinahandle. Lumipas ang iba pang mga subject at lunch break na.

Agent in disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon