Bloodbath 4

0 0 0
                                    

"Dad... bakit? Bakit??"
Tanong ko sakanya napakapit si Renes sa akin

"Anong bakit anak??"patay malisyang tanong nito

"Bakit mo sila pinatay?ha! Bakit!! Bakit ka pumapatay!" Sigaw ko sakanya

"Sabihin nalang nating...hmm..kasi gusto ko lang? Ewan ko, ewan ko anak, di ko alam" tila naguguluhang sagot nya sa tanong ko

Napasugod ako sakanya at sinuntok sya

"Ano! Hindi mo alam?! Anong klaseng kabaliwan yan?! Ha?! Dad!!"

"Ahh oo nga baliw nga pala ako, tama, baliw na baliw sa ina mo, ha..ha..hahaha!" Napaatras ako... nababaliw na ang tatay ko..

"Evo mabuti pa iparehab na natin hanggat maaga pa, kailangan nyang maging stable" nanginginig na saad ni Renes na sinang-ayunan ko

Itinayo ko si dad at saka dinala sa kotse,bibigyan nalang namin ng simpleng libing ang babae...

"Renes" tawag ko sakanya na nasa passenger seat

"Hmm?"

"Ang malas ko no?"

"Huh? Bakit naman?"

"Wala na akong magulang na makakasama...nakakalungkot...   bwiset na buhay.."

"Wag mong sabihin yan nandito lang ako"

"Salamat Renes"

Salamat sa lahat... kaya mahal kita eh, ikaw nalang ang nagpapahalaga sa akin... siguro ikaw ang swerte ng buhay ko...

Ikaw ang syang magpapaalala sa akin na hindi pa gugunaw ang mundo, ang syang magpapahalaga sa akin, mahal mo din ba ako?

Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na tanungi ka.. pero huwag muna ngayon...magulo pa ang buhay ko...

--------

10:21 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon