Prologue
Unti-unting lumulubog ang araw at napakaganda ng malamlam na liwanag na nagmumula rito. Malamyos din ang simoy ng hangin na nagmumula sa kapaligiran ng dagat. Damang dama nila sa kanilang pisngi ang ihip na tila bulong na nagsasabing walang katapusan ang wagas nilang pagmamahalan. Tila gapos na pumapakikot sa kanila, parang pinagbibigkis sila ng hangin ng nag-uudyok na huwag bumitaw sa pagkakahawak sa isa't isa.
Ramdam na ramdam din naman ni Gia ang malakas na tibok ng puso at mainit na hininga ni Ethan mula sa kanyang likod habang yakap yakap siya nito.
Walang salita na maririnig. Tanging mga puso nilang bumubulong at nag-uusap. At walang ibang inuusal ang mga ito kundi ang marubdob at labis nilang pag-ibig sa bawat isa.
Dahan dahan na lulubog ang araw at pumapalit na ang dilim. Ngunit kahit ang banta ng pag takip silim ay hindi kayang pigilan ang liwanag ng kanilang pag-iibigan sa gitna ng kanilang paglalayag sa gitna ng malawak at asul na dagat.
BINABASA MO ANG
Blue water (JaDine FanFic)
FanfictionA JaDine Fan Fiction story. Ito ang istoya ng isang simple babaeng si Gia (Nadine Lustre) na babago sa buhay at pananaw ng isang lalake na maraming pinagdadaanan at hinanakit sa buhay na si Ethan Maxwell (James Reid). Halika at subaybayan ang kanil...