Chapter 1 – Pamilya Cervantes
Kalmado ang tubig dagat at masarap ang simoy ng hangin. Presko. Banayad. Ang sikat naman ng araw ay nagniningning sa buong karagatan na lalong nagpapaganda rito. Asul, yan ang kulay ng tubig sa karagatan na kung tawagin nila ay Isla Asul. Isang tourist destination.
Ngunit hindi pa sikat ang naturang lugar kaya hindi dagsa ang mga touristang dumadayo dito. Marahil ay maganda na din iyon dahil napapanatiling malinis pa ang lugar at sariwa ang lahat. Walang basurang nagkalat. Walang mga lasenggong nagwawala. Walang party na nagaganap sa tabing dagat. Tanging ang magandang tanawin lamang ang naririto at ilang mga isla na matatagpuan sa kalagitnan ng dagat.
Karamihan ng nagpupunta dito ay mga divers at mga mahilig mag-island hopping. Maganda sisiran ang Isla asul. Payapa ang dagat at napakaganda ng mga coral reefs na matatagpuan dito. Walang bakas ng pagkasira. Virgin island pa kung maituturing.
Sa loob ng isla ay may mangilanngilang residente na nakatira dito. Ang kinakabuhay nila ang pagiging banker, pangingisda, pagtitinda ng souvenir na gawa sa shells at pagiging tousrist guide.
Isa na ang pamilya Cervantes sa naninirahan sa isla. Nriyan ang ama ng tahanan na si Reynold, ang panganay na anak na si Rico at ang bunso na si Gia. Nakatira sila sa tabing dagat at may maliit na barong barong.
"Gia!" sigaw ng kanyang ama na si Reynold.
"Po???!!!" malakas na tugon ni Gia na humahangos sa kinaroroonan ng ama na kasalukuyan ay nasa may pinto at tila galit.
"Nasaan na naman ang kapatid mo?" tanong ni Mang Reynold.
"Ay hindi alam itay," inosenteng sgot ni Gia, "Hindi ko po siya napansin kanina pa."
"Lecheng bata yan. Hala sige, kunin mo ang mga paninda at salubungin mo ang mga tutistang dumating, baka makabenta ka ng may pambili tayo ng bigas mamaya sa bayan." Utos ng ama.
"Sige po tay". Masiglang tugon ng dalaga. Habang ang kaniyang ama naman ay nauna na at hinahabol ang mga turistang dumating para ialok ang kaniyang banka sa pamamasyal.
Nagmamadaling tiningo ni Gia ang kinalalagyan ng paninda. Kahit hindi pa naliligo ang dalagita ay walang bahid ng karungisan ang dalaga. Simple man ang pamumuhay ay maalaga ito sa kanyang sarili. Mahabang buhok na itim. Mapungay na mga mata. Maliliit na labi. Matangos Morena at mamulamulang balat dahil sa babad sa araw at magandang hubog ng katawan. Tila diwata na nakatira sa isla. Tunay nga na siya ang pinakamaganda.
Nang makuha ang paninda ay dagling tumakbo rin siya sa kinaroroonan ng mga turista.
"Souvenirs, souvenirs!" masiyang pag-aalok ni Gia habang sumasayaw sayaw pa para kagiliwan ng mga dayo. Suot ang kaniyang puting puting bestida ay takaw pansin talaga ang dalaga. Napa-cute niyang sumayaw habang todo smile pa. Ito ang paraan niya upang makuha ang atensyon ng mga turista at umangat sa iba pang nagtitinda.
"Hi, pretty girl! Can I have all of those? How much?" sabi ng isang turistang amerikano.
"50 pesos each. I have twenty pieces. For a total of one thousand pesos only! Deal or no Deal?" mabirong sabi ni Gia.
"hahaha. You are an interesting little lady. Here's one thousand. Give me all of those cute souvenirs." Pakyaw ng dayo.
"Thank you sir." Sabay lingon sa kaniyang ama na busy makipag tawaran sa turista na gustong rumenta sa kaniyang banka upang iatawid sa mga isla doon. Kumindat siya sa ama at bumulong, "Kota na ako, uwi na ako." Sabay ngumiti. Tumango lamang ang ama at nakangiti rin.
Masiyang tumalikod si Gia pagkakuha ng salapi at patalon talon ang lakad habang pauwi.
Nagkasundo naman ang mga turista at si Mang Reynolds a presyo at lumulan na ang mga bisita sa kaniyang banka. Mag island hopping sila.
Nang makasakay na sa banka ay tumulak na sila patungo sa kabilang isla. Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay may napansin ang mga turista na naglalangoy sa tubig tila kakaibang nialalang, inilabas ang camera at napasigaw.
"Mermaid!! Mermaid!!!!". Malakas na palahaw ng babaeng Kano habang itinuturo ang direksyon sa may mga batuhan kung saan niya nakita ang sinasabing sirena.
Napalingon din si Mang Reynold at nakita ang tinuturo ng babae. Malakas din siyang napasigaw.
"RICOOOOOOOOOOOOOO!!!!" palakat ng Mang Reynold na nanlilisk ang mata na nakatingin sa panganay na anak nakasuot ng buntot ng sirena na yari sa sako at nakasuot ng bra habang kumakaway kaway pa na parang kinorohanan bilang Miss Universe.
BINABASA MO ANG
Blue water (JaDine FanFic)
FanfictionA JaDine Fan Fiction story. Ito ang istoya ng isang simple babaeng si Gia (Nadine Lustre) na babago sa buhay at pananaw ng isang lalake na maraming pinagdadaanan at hinanakit sa buhay na si Ethan Maxwell (James Reid). Halika at subaybayan ang kanil...