Chapter Four

11.2K 189 5
                                    

CHAPTER FOUR

"MARA, READY THE PAPERS. Babalik na ko diyan tomorrow"

Kausap niya ngayon ang manager ng kanyang restaurant. Kalahating buwan na siyang nasa Japan and she needed to go back before her business falls out of hand dahil sa tagal na niyang absent. Kahit pa sabihin she's the owner and money works for her still being an entrepreneur was like giving her whole time to the business.

Everything was already planned at ang kailangan nalang niya ay makapagpaalam naman sa kanyang pamilya. Dahil biglaan, hindi buo ang kanyang pamilya sa first mansion. Matapos makapagpaalam sa kanyang lolo't lola pati na rin sa panganay na kapatid ng kanyang ama at asawa nito na nakatira sa first mansion ay sinadya naman niya ang iba pa niyang Tito at Tita sa second at third mansion. Matapos ay ang pitong kuya naman niya ang kinulit niya na samahan muna siya dahil babalik na siya sa Pilipinas kinabukasan.

Sabay-sabay silang naglunch nang araw na iyon at sinamahan siyang mag-arcade. Nagpalit pa nga ng damit ang mga ito para naman magmukhang simpleng tao lang at hindi bilang isang kagalang-galang na businessman. Nang mapagod siya na nagpaalam na rin siya sa mga ito.

"Yuu nii-chan, Shiro nii-chan, Ryu nii-chan, Kyo nii-chan, Hiro nii-chan, Daisuke nii-chan, Kei nii-chan, HONTO NI SUKIDAYO! I really love you!" sigaw niya gamit ang klase ng endearment na nakasanayan niya sa mga ito growing up bago tuluyang sumakay sa kotse.

"Gambatte Aya-chan! Mata ne! Goodluck!See you!" sigaw sa kanya ng kanyang mga Kuya. She waved at them bago tuluyang paandarin ang sasakyan.

Ngayon parents naman niya ang pupuntahan niya. Sa opisina ng Daddy niya siya muna dumaretso, nag-alinlangan ito sa pag-uwi niya ngunit sa huli ay pinayagan na rin siya. Alam na alam kasi nito ang mga pasikut-sikot sa negosyo at naiintindihan nito ang kalagayan niya.

Tinawagan niya ang kanyang ina upang tanungin kung uuwi ba ito ng maaga, sa kagandahang palad naman ay maaga itong makakauwi kaya hindi na niya kailangan pang puntahan ito sa opisina.

Nasa balkonahe lang siya ng fourth mansion habang hinihintay niya ang kanyang ina. Simula ng makauwi siya ay wala na siyang ginawa kung hindi magbasa kaya naman ng maramdamang napapagod ang kanyang mata ay ipinigit niya muna ito. Nakakarelax talaga ang masamyong hangin ng Japan, hindi nakakasawang pakiramdaman.

Hindi niya mawari pero parang biglang bumigat ang pakiramdam niya, parang may nakatingin kasi sa kanya kaya naman dahan-dahan ay minulat niya ang kanyang mga mata. Muntik na siyang mahulog sa upuan ng makita si Rei na titig na titig sa kanya. As usual, nakangiti nanaman ito sa kanya.

"Naistorbo ba kita?" tanong nito sa kanya

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" magkasalubong nanaman ang kilay niya

"Namimiss ko na yung asawa ko eh" pagpapa-awa naman nito

"Wala kang asawa rito" sagot naman niya na ipinigit ulit ang mga mata

"Asawa kita" mariing wika nito kaya napatingin siya dito, he looks so serious but who cares? Isa lang iyon sa mga endearment na ginagamit para maloko nanaman nito ang puso niya

"I still have two and a half months before becoming your lawfully wife. Marami pang pwedeng magbago, who knows? Baka hindi kita siputin sa araw ng kasal at makipagtanan ako sa iba"

"Your Dad will definitely kill you if you do that" malaki ang tiwala nito sa sarili na matutuloy ang kasal nila

"My Dad will understand" she urged

"Paano kung hindi?"

"He will, isa pa sasabihin ko sa kanya ipakasal na niya ko sa anak ng oil shriek sa ibang bansa o kahit sa mga ibang ka-business deal niya, huwag lang sayo"

I Do or I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon