Chapter Six

9.8K 155 0
                                    

CHAPTER SIX

"SORRY KUNG ngayon lang kami nakapunta sa'yo bestfriend ha" wika ni Shirley na umupo sa tabi niya. Nag-upuan na rin sa harap niya ang dalawa pa niyang bestfriend.

"It's okay, grabe na-miss ko kayo!" tumayo siya para isa-isang i-hug naman ang mga ito

Ito ang buhay niya sa Pilipinas. Sa pagkakataon kasi ng kagipitan at problema nandiyan lagi ang tres marias niya. Kahit minsan pumapalpak, ayos lang after all minsan ganun din siya sa mga ito

"So ano na ngang balita sa'yo?" si Abby

"Still the same, I am still getting married" saad naman niya

Kung dati bitter siya masyado na sabihin iyon, ngayon naman ay hindi na masyado. Sa lumipas na araw ay laging nandyan si Rei na nagpapaligaya sa kanya. Hindi niya iniisip na in love siya dito. Alam niyang ginagawa lamang nito ang trabaho nito bilang future husband niya and that is, ang pasayahin siya.

"You seem so happy about it" wika naman ni Katie

Nahalata marahil nito na iba na kasi ang tono niya. Hindi katulad noong una niyang sinabi sa mga ito na ikakasal siya.

"Tanggap ko na kasi" saad naman niya

"Eh dapat pala hindi na natin binawi yung kinalat nating balita" sabi naman ni Shirley na ikinatuwa nilang lahat

That is one of their mistakes na ikinagalit niya but then, maagap namang nasolusyonan ng mga ito kaya hindi na kaagad kumalat. Anyhow, she is still thankful to these girls na nasasandalan niya.

"Nope, it is still for the best. At least our wedding will still be a secret"

"Why would our wedding be kept a secret?" nagulat siya sa biglang nagsalita sa likod kahit ang mga kaibigan niya ay hindi napansin ang presensiya nito.

"Rei!" sigaw ng kanyang Charlie's Angels

"Hi girls! ang tagal na rin nating hindi nagkita ah" sagot naman nito na tumabi na rin sa kabilang parte ng kanyang kinauupuan

Nagsmile ang mga kaibigan niya bago tumuon ulit sa kanya. Mukhang nag-stick rito ang topic na narinig sa kanya.

"Tell me Aya, you want our wedding to be a secret?" balik ni Rei sa usapan na narinig mula sa kanila

"Only a secret to our other friends" pagiging honest naman ni Aya

"And the reason?" tanong muli ni Rei

"Hindi nanaman nating kailangan ipagkalat, malalaman din naman nila. There will surely be a news about that"

Sa totoo lang ang rason kung bakit ayaw malaman ng mga kaibigan niya ay dahil sa gagawin sana niyang pagtakas nun pero everything is different now, tinanggap nalang niya at ito ay isa lamang sa mga rason na naisip niyang mas mabuti para sa lahat.

"Bakit kinakahiya mo ba ko?" pagpapa-awa nito na ikinangiti naman niya

"Ang arte mo ha" saad niya na todo-todo pa rin ang pag-ngiti

"Ah excuse me, nandito po kami. Hallu!" wika naman ni Katie sa kanila

Nahiya naman siya bigla dahil baka isipin ng mga kaibigan niya na dumating lang si Rei ay nawala na ang atensiyon niya sa mga ito. Well, hindi lang talaga rin siya sanay na nami-misunderstood siya ng binata.

"So girls, I hope makakapunta kayo sa kasal namin" baling ni Rei sa kanyang tatlong bestfriend na patuloy pa rin ang pagngiti sa kanila

"Oo naman, we plan na doon na rin magpaskong tatlo. After all, we also deserve a vacation" wika ni Abby

I Do or I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon