CHAPTER 1~ STUPID GUY'S REVENGE

61 2 1
                                    

Kath's POV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin. Tinitingnan ko kung ayos na ba ang itsura ko. Kinakabahan ako. Isa lang naman akong baguhang estudyante sa South Valley Academy o SVA. Bakit kasi kailangan ko pang mag-transfer eh. Masaya naman ako sa dati kong school.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa salamin.

"Kaya mo 'to Kath! Kaya mo 'to!"

Inayos ko ulit ang buhok ko at lumabas sa room ko. Nakita ko naman si Kuya Kian na naghahain ng pagkain.

"Good morning Princess. Kain ka na." Sabay smile sa akin ni Kuya Kian.

"Oh bunso kain ka na. Ako pa nagluto niyan." sabi ni Kuya Kizelle habang naglalamon na. Ang takaw talaga nitong taong to.

"Kath bilisan mo na. Baka malate ka pa." sabi naman ni Kuya Kurt. Psh. He's cold as ever. Badtrip na naman siguro?

Kung napapansin niyo apat kaming magkakapatid. Ako ang bunso. May tatlo akong kuya.

Ang panganay siyempre si Kuya Kurt. Si Kuya Kurt sobrang misteryoso yan. Seryoso sa buhay at NGSB. Sa gwapo ng kuya ko wala pa sa isip niya ang mag-girlfriend. Kahit 25 years old na si Kuya at puro trabaho ang inaasiko nyan mahal na mahal ko yan. Masunget siya sa akin pero sobrang protective sa akin. Hindi siya mapakali kapag seven na ng gabi eh wala pa ako sa bahay. Ganiyan niya ako kamahal. Hindi lang halata.

Pangalawa kong kapatid ay si Kuya Kian. 22 years old na siya. Yung tinawag akong Princess kanina. Nagtatrabaho rin siya sa isang bar. Siya ang may-ari ng bar na yun. Sariling ipon niya yun kaya naman bilib ako kay Kuya kahit babaero yan. Siya naman ang malakas ang topak sa aming apat. Babaero tapos minsan umuuwi sa bahay lasing na lasing. Pero may respeto sa babae yan. Kahit kelan hindi yan nakipaganuhan sa mga babae niya. Tamang date lang, parang couples. Malakas mang-asar pero close kami niyan. Mabait kasi sa akin eh.

Pangatlo si Kuya Kizelle. 19 years old na yun at siyempre mahilig mang-asar. Pero kapag seryoso na ang usapan seryoso yan. May Girlfriend na si Kuya si Ate Marjorie. Kaya lang cool off daw sila. Ilang araw ko ring dinamayan si Kuya. Pagdating kasi sa pag-ibig dyan siya mahina eh. Seryoso yan sa babae at sobrang talino ni Kuya Kizelle. 2nd year College na siya. Masayahin si Kuya at malambing. Hindi mataas ang pride niyan. Kapag ikaw aang may kasalanan,siya pa ang magso-sorry sayo. Kaya love ko yan si Kuya.

Ako?

Ako ang bunso nila. Kathrianne Jeannettey Gutierrez. 17 years old at transferee sa SAV. Woah! Oo nga pala 1st day of classes ngayon.

"Princess ako na maghahatid sayo sa new school mo. Baka maraming Chix dun eh. Makajockpot. Hahahah. Aray! Ano ba naman yan Kizelle! Tandaan mo mas gwapo pa ako sayo. Gago ka!"

Si kuya Kian talaga oh. Nabatukan tuloy ni Kuya Kizelle. Kahit kelan talaga ang dalawang to oh.

Nakaupo kami ngayon sa dining area at kumakain.

"Mas gago ka! At isa pa mas gwapo ako!"

Nagtawanan naman kami kaya lang...

"Tumigil nga kayo! Nasa harap kayo ng hapag-kainan oh!!"

Natahimik naman kaming tatlo dahil sa sermon ni Kuya Kurt. Kahit kelan talaga panira ng moment ang PMS kong kuya. PMS. Hahaha!!

Nagpatuloy nalang kami ng pagkain. Grabe ang tahimik namin ngayon. Kaming tatlo takot kami kay Kuya Kurt. Matindi kasi siyang magalit. Hindi nga namin alam kung anong problema niyan eh. Masyado siyang strikto.

Pagkatapos namin kumain saktong dating ni Mama.

"Oh? Bakit parang ang tahimik niyo?"

Hindi nalang kami nag-imik tatlo. Si Kuya Kurt na ang nagsalita.

THE STUPID GUY WHO STOLE MY HEARTWhere stories live. Discover now