Mirror Four

27 1 0
                                    

4.

Naniningkit na ang mata ko. Gusto ko na ngang humikab kaso nakakahiya dahil napakatahimik sa klase. Seryoso ang lahat. Malamang na maririnig sa buong klase kapag humikab ako. Nakakahiya yun no! Buti na lang na naka-red nail polished ang aking fingernails. Pati bag at doll shoes ko ay red. Yung lipstick ko lang ang ni-light pink ko. Baka sumabog na ko kapag yun ay pula rin. Anong konek? Di ko rin alam. Basta, gustong lumapat ng likod ko at pumikit ang mata ko.

Naramdaman kong inaabot ni Avie ang kanang kamay ko. We intertwined our hands and kept each other awake through pinching and massage.

Magka-kaklase kami sa Statistics for MA ng buong PG, pretty gurls, but we have different field of specialization. Kaya hiwalay ang lahat ng subjects namin maliban sa statistics.

"Inaantok na ko bhie." Bulong ko kay Avie. Ito ang mahirap kapag mga medyo may edad na ang professor. Kahit ²¹st century na ang education (teachers and students), traditional pa rin ang iba. Tulad nitong prof na ito na mukhang humuhulma ng butas sa bangko dahil di na magawang makatayo. Naka-project kasi ang lesson niya. Kulang na lang sabihin niyang 'Read the slides and then leave the room'.

"Ako rin. May tampalasam kasi kagabi. Ginambala ako."

"Sino? Si Kenneth? Yung friend mo." natahimik siya. Sa totoo lang, may nase-sense ako sa kaniya kapag nababanggit si Kenneth Zubiri.

"Nope. Si Johann."

"What?" mahina lang ang pagkagulat ko. Bawal sumigaw natural. "Bakit? Okay na kayo? Pagkatapos ng lahat nang nangyari nung SCUAA dati, okay na kayo?"

Natawa pa siya ng bahagya, "Kapag nagkita, okay to the bones agad? Di ba pwedeng makulit lang siya at may gustong malaman?"

"E di nag-pauto ka na naman?" nakataas-kilay kong pagpapahayag ng asar. Badtrip yung paasa na yun at paasa kong kaibigan sa tabi ko. "Aasa-asa sa wala. Di ka pa ba nadadala?"

"Grabe. Kung makapag-salita ka parang naging kami."

"Hindi nga. Pero umaasang maging kayo. Hayaan mo na siya. Baka mamaya, lalapit-lapit sa'yo dahil kay Shayen." natahimik na naman siya and focus sa white screen where our lesson is projected. "Ano? Tama ako no?"

"Oo na. Swak sa banga."

"Akala ko ba crush lang? Bakit para kang nabigo ng one great love mo diyan?"

Kinurot niya ang kamay ko at hinampas ang braso ko- Amazona mode on, "Sobra ka na. May mahal na kong iba."

"Wehh? Nasaan? At bakit affected ka?"

Natigil kami ng kalabitin ako ni Nikkita at siya ni Sofia. Napalakas ata ang usapan namin.

"Basta. Masaya na ako."

Napangisi naman ako, "Tell it to yourself a million times. Convince me more, okay?" at nanahimik na kami. Naniniwala akong nasasaktan tayo because we let ourselves be hurt. Our feelings is not influenced by our heart beats but by our mind. Kung sinabi ng utak natin na gustuhin, magugustuhan mo lalo na kung inaalagaan mo and you let it develop. Kahit ako kay Kael, it's just a state of my mind. Ang kiligin at magustuhan siya? I like it and I want it. It's the state of my mind.

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon