Mirror Five

24 1 0
                                    

5.

"One two, three four, five six, seven eight..."

Rinig na rinig ang namamaos na boses ni Avie sa harap ng Gusali ng Wika na puro computer ang laman. Practice ngayon ng #TeamCambodia para sa darating na SCUAA field mass demonstration. Dapat nga na di na kami kasali pa sa demo na ito dahil nakapag-field demo na kami nung first year. Pero dahil bidakid ang mga third year GenSci na gaya namin, andito kami kahit magse-seven thirty at nagpapraktis dahil beastmode na si Avie, ang counting guru.

"Again! From the top. Hanggat may nagkakamali sa first two sixteens, walang uuwi." maririnig mo ang bulong ng ibang umaangal habang ang ilan ay go with the flow na lang. Ako? Ganun din. Wala namang magagawang maganda ang reklamo.

"Ayusin niyo na kasi. Para makauwi na tayo. May strategies pa bukas. May report pa kami ni Michiko sa Relevant laws." biglang salita ni Jean. Ang pinakamaliit sa klase namin. Haha. Totoong may report kami bukas. Kung matutuloy. Tiwala naman akong hindi e. Paano, section 2 pa rin kami sa pag-aaral ng article 14 ng philippine constitution.

"Sige na sige na! Pwesto na. Ready! Girls, ayusin niyo na para maturo ni Mel yung 3rd and last so far na steps."

Nagsimula muli ang alien na kanta... may prito-prito... At seryoso na kaming sumayaw. Pinipilit sabayan ang beat ng kanta na hindi consistent. Maya-maya'y pinatay niya na ang music at pinag-about face kami. Third sixteen na daw ang ituturo ni Mel. Kaya ang nangyare, nandito ako sa bandang dilim paharap sa grasslandia. Pinakikinggan ko na lang ang mga sinasabi nila at pinanunuod ang tinuturong steps. Medyo uwing-uwi na rin ako.

"Ayyiiee!" Biglang sumigaw si Igle. Nagtinginan tuloy sa kaniya ang iba kong classmates. "Wala. Michiko!" At biglang sigaw ang pangalan ko. Baliw lang?

"Myloves!" tawag sakin ni Avie kaya nilingon ko siya. May tinuturo siya sa likod ko. Parang mga baliw na nagharutan bigla ang ibang mga kaklase ko at tawag ng tawag sa akin sabay sisigaw ang tropa ko ng 'ayyiee'. Hindi ko na lang pinansin at humarap na lang kaya ako biglang natigilan. Kaya naman pala e. Nandito ang aking Furukawa Yuki. Nakaharap sa cellphone niya.

Niha-hammer na naman ang dugo ko. Nagiging pula ang paligid ko. At parang nasa Baguio ako sa sobrang nginig na nararamdaman ko dahil sa mga ganap. Lalong lumagablab ang nararamdaman ko ng humarap siya pasa-akin at naglakad pabalik. Sabay lumagpas. Akala ko pa naman para sa akin. Bakit kaya? Baka may nakalimutan?

Patuloy lang kaming nagpraktis at maya-maya'y dumaan na naman siya. Kaso, bumalik ulit?! Yung totoo? Ang swerte ko naman! Naka-ilang sulyap ako sa kaniya. Tiba-tiba! Ika nga ni Avie.

Nang bumalik na muli siya, akala ko mag-a-about face na naman siya. Kaso this time, hindi na. Tuloy-tuloy na siyang naglakad papunta sa kaniyang dapat puntahan. May bitbit siyang 'Jabee'. Baka inutusan siya ni Ma'am Rose sa FSTeM.

Okay na sana kaso naalala ko na namang bakla siya at gwapo rin ang boylet niya. Hayys. Sayang tuloy ang genes niya.

"O! Tama na ang kilig. Back to work." and we moved on to finished our tasked with an unstoppable smile plastered in my beautiful face.

_____

"MS. MENDOZA, may naghahanap po sa iyo sa lobby." tawag-pansin sa akin ng isang utility sa school. Kakatapos lang ng klase ko kaya nasa Faculty na ako for my break time. "Sino daw po?"

"Ayy! Di ko po natanong. Basta Ms. Michiko Mendoza po ang hinahanap."

"Sige at susunod na lang ako. Salamat po." I said it with sincerity but not smiling. Sino naman kayang naghahanap sa akin in the middle of my working hours? Mapuntahan na nga lang.

H-Bond 1: When she cries (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon