Chapter 1:Baby Jayce ko!

4 1 0
                                    

*Leeyann's POV*

"Go home, you're annoying" sabi ng isang matipuno't gwapong nilalang sa harapan ko.

"Ayaw" sagot ko habang nakapout. 'Gusto ko kasi ikaw ang mag-hatid sakin'. Kung nasan kasi ang loves ko, dapat andun rin ako.

"What do you want Lee?!" makasigaw naman, wagas. Pero bakit ganun, ang gwapo parin nya. Gusto ba talaga nya malaman kung ano gusto ko? hindi naman kasi 'what', 'who' ang tamang term. "Ikaw" sagot ko.

"Pinaglalaruan mo ba ako?!" pabulyaw nyang sabi sakin. Ang iksi ng pasensya nya. Parang dragong nakawala sa kulungan.

"Hindi. Eh totoo naman kasing gusto kita ah. Nagtanung ka pa kung ayaw mo maniwala" pambabara ko sa kanya.

"Aish! Ba't di ka na lang umuwi! stop following me and find another business. Kahit anong gawin mo, I'll never like you nor love you."

"Ouch naman ha. Thank you po sa pangangalandakan ninyo. Pero sabi nga nila di ba 'try and try until you die este succeed', mamamatay muna ko bago ako sumuko pero di ako pwede mamatay, mamahalin mo pa kasi ako" nakangiti kong sagot sa kanya na sya naman nyang mas lalong kinainis. Umuusok na yung ilong nya at ready-ng ready na bumuga ng apoy.  " He he, ang cute mo kahit galit. Sige na po bye na. Pero taga ko sa bato, sakin parin bagsak mo.. Bye baby Jayce ko!" with matching flying kiss.

Sabay takbo bago pa ako mabugahan ng apoy. Kanina ko pa kasi sya sinusundan mula pag-alis pa lang ng bahay nya. Tapos nahuli nya ko. Papunta siguro sya kila bruhildang si Gaile. Selos ako!! >_<.

Tae.. Gusto ko uli siyang sundan pero di ko siguro atim pag nakita kong nilalandi nya ang baby Jayce ko. huhu.

Nga pala, I am Leeyann Rizaki Quiroel. 17 years old soon to be 18 years old. Half Japanese. 1st year college sa course na Architecture. Nagmamahal kay Jayce Samaniego. 18 years old. 1st year college rin kaso Business Administration sya eh.

Pagod na ako kaya huminto ako sa isang park na malapit. Ang ganda dito. Simple pero eleganteng tingnan, sariwa pa ang hangin at maraming bulaklak. May mga nagba-bike at scooter. Umupo muna ako sa may bench malapit sakin.

Simula ngayon, ito na ang favorite place ko. Ang cute ng surrounding. Mas relaxing. Minsan kaya dalhin ko dito si Jayce. Magugustuhan nya rin dito for sure. Naiimagine ko tuloy yung wedding namin sa lugar na to. Kinikilig ako.

*Kring ring ring ( kunwari ice cream bell yan)

Bibili sana ako ng ice cream pero may sumingit na lalaking mukhang playboy na palangiti'ng makulit?

"Hi miss. Gusto mo ice cream? libre na kita" nakangiti n'yang sabi sabay akbay. Pssh, gasgas na moves mo pre.

"Malamang, kaya nga ako lumapit dito sa stall ng ice cream eh para bumili kasi gusto ko" naiirita kong sagot sa kanya. Mamaya makita sya ni Jayce tapos magselos.

"Whoa chill miss. I insist ililibre na kita. Alam kong pagod ka sa pagtakbo mo kanina" Eh? stalker ba sya?!

"Don't get me wrong miss. nakita lang kita kanina at kung iniisip mong stalker mo ko, I'm not. And, hindi ako masamang tao. Sa gwapo kong to" sabay pose ng pogi sign. Naptawa tuloy ako. Mukha naman siyang mabuting tao kaya—

"Oh hijo, hija, bibili ba kayo?" tanong ni manong na nagtitinda ng ice cream. Ay, oo nga pala.

"Rocky road nga po. Large size" -Ako

"Gawin mo na pong dalawa" -singit nya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso talaga sya ah.

Pagkabili ng Ice cream namin, umupo kami sa bench na inuupuan ko kanina. Tahimik lang kaming kumakain nung simulan nya ang conversation.

" Ako nga pala si Poging Reiji Dela Rosa. Ang lalaking pina-pangarap ng mga babae. Ikaw, miss?" May kahanginan rin pala ang isang to tulad ni Narciso. In fairness, gwapo sya ha pero mas gwapo ang loves ko.

"Tiwala sa sarili much? By the way, I'm Leeyann Quiroel" nakangiti kong sagot sa kanya.

"May I have your number?" bibawi ko yung ngiti ko at tiningnan sya ng masama. "Joke lang.. Friends na ba tayo?" sabay akbay uli sakin.

"Hindi maganda yung biro mo ha. Pero pano ako makakasiguradong Reiji nga ang name mo? Baka nagsisinungaling ka lang at may gawin kang masama sakin" -ako habang tinatanggal ang braso nya sa balikat ko. Leche naman kasi iyong lalaking ito eh

"Joke nga diba. Tsaka sa gwapo kong 'to, gagawa ako ng masam—"

"Oo"

"Luh"

"Kung may ID ka, ilabas mo para wala na pong satsat, Ok?"-ako. Di ko maubos-ubos tong ice cream ko. Ang daldal nya eh.

"Sungit neto. Oh, ID ko, Yani"-sya. Nabilaukan tuloy ako sa sinabi nya. Yani? sino yun?

"Ah eh.. Diba Leeyann ang pangalan mo? Edi Yani ang Pet name ko sayo."

"Sige. Pet name ko sayo... Ji"- me. Kinuha ko na yung ID nya Kaya sure na mapagkakatiwalaan sya. Binalik ko rin agad sa kanya pagtapos ko tignan.

Pagkaubos namin ng Ice cream, niyaya nya ako pumasyal. Medyo nag-doubt pa ako pero pumayag na rin ako.

Pumunta kaming mall(binilhan nya ko bracelet XD. Ang galante haha), Amusement Park, Luneta Park tapos ngayon, sa Mind Museum. Sana lagi ako makakilala ng galanteng lalaki haha. Pero parang may nakalimutan yata ako. Bayaan mo na nga muna. Enjoy pa ko dito eh.

Mayaman pala tong si Ji. Kakauwi lang ng family nya galing US. Nag-migrate kasi sila ng family nya simula ng mag-2nd year high school pa lang sya para sa business nila and then lumago ng lumago ang business nila.

--

"Did you enjoy?" -Ji.

"Syempre naman. Galante mo eh. Next time babawi ako" nakangiting sagot ko. Para naman fair.

"So meaning, may next time?" Sagot nya habang nakangiting pang-asar. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Edi wag na lang. First and last na natin to mag-gala"

"Ito namang si Yani, di mabiro. Pero alam ko namang crush mo na ko agad kaya may next time pa"Akbay uli sakin. Yung totoo? Kanina pa to bumi-breezy moves. Unggoy kaya tong kasama ko? Pero crush?!

"No way!! Pano kita magiging crush kung may minamahal ako? At ang pangalan nya ay Jayce!—Matte(wait). Siomai naman! Si Baby Jayce ko! Di ko nabantayan!" Arghhhh!! Baka namimiss na ko nun at nag-aalala na yun sakin. Pati si mama. Waahh! Gabi na eh paalam ko lang  kay mama, hanggang 3 o'clock lang ako. I'm doomed.

"Joke l—" pinutol ko na yung sasabihin nya.

"Kailangan ko nang umalis Ji.  Baka nag-aalala na sila mama sakin. Pati ang baby Jayce ko! Pupuntahan ko pa" Nagmamadali ko ng sabi.

"Hatid na–"

"Wag na Ji. Next time na lang uli. Ako naman manlilibre sayo. Pramis" -me. Sabay takbo. Baby Jayce! wahh.. wait for me. Wag ka palandi sa bruhildang si Gail. Mwahh..

°^°•°^°•°^°•°

→Rhav03♥

I Love You, Do you love me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon