Chapter 2: Friendzone

3 1 0
                                    

*Leeyann's POV*

Hayy. 2 days na kong iniiwasan ng mahal ko. Namimiss ko na talaga sya. Pag nandun ako sa bahay nila, ayaw nyang lumabas ng kwarto nya. Kahit hindi sya kumain, Ok lang sa kanya kaya wala na rin akong magagawa kundi umalis na lang para kumain na sya. Hays, di ko hawak buhay nya no kaya kung magpapagutom man sya ay OK lang. Pero kasi eh.. Nag-aalala ako sa kanya.

Pero ngayon, sabay kami papasok ng baby Jayce ko kasi si tita Joyce ang nagsabi sa kanyang magsabay kami. Makikita ko uli ang minamahal ko! Anlakas ko talaga kay tita. Nyahaha.

At dahil sabay kami, kailangan kong mag-ayos. Syempre naman kasi sya ang makakasabay ko. Dapat maganda ako palagi. Lel joke lang, ayoko mag-ayos babae. Nakakatamad lang tapos nakakailang sa pakiramdam. Mas okay pa ang jeggings and simple T-shirt. Tsaka unting pahid ng lipgloss. Wala namang uniform eh.

Pagkababa ko ay nag-almusal agad ako at nag-antay kay Jayce. Maya-maya pa ay dumating na sya gamit ang sasakyan nya. Ganun parin hitsura nya, gwapong gwapo parin, nakabusangot nga lang.

Sumakay na ako sa kotse nya sa may shotgun seat. Grabe! ang pogi talaga nya shemss. Mabait pa, di lang halata. Sakin lang yan di mabait pero suplado minsan. Pinaandar nya agad yung kotse. Pagkakataon ko na tong makausap sya. Yung aura nga lang nya ang nakakatakot. Waaah!

"Uhmm.. Jayce, sorry nga pala sa pangungulit uli hehe. Friends na tayo uli ha. Tsaka starting tommorow, liligawan na kita!" pursigidong sabi ko. Wahh. Bakit lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko? Liligawan? Babae ako kaya dapat akong ligawan. Wala namang kaso yun, ligawan mo sya. Gusto mo sya di ba. Ano ba 'tong iniisip ko.

"WHAAATT??!!" napapreno sya bigla. Ineexpect ko na yung gantong reaction nya. Sino ba namang lalaki ang hindi magugulat kapag may babaeng mapaalam na manligaw sa kanila.

"Tama! Liligawan ki—" di nya na ko pinatapos.

"ARE YOU FVCKING OUT OF YOUR MIND, LEE?! Your crazy!" -Jayce.

"Yes. I'm crazy.. for you.."-me. Mukhang di makapaniwala ang mukha nya nung sinabi ko yun.

"Haist!! Hindi mo ko pwedeng mahalin. Please, iba na lang.." sabi nya. Mas kalmado sya kesa kanina. "..For the sake of our friendship" so tinuturing nya rin pala akong kaibigan. Natouch ako.

Pwede makipag-kaibigan sayo? cute na batang si Leeyann? -Yan yung line na sinabi nya sakin nun. Tandang-tanda ko pa.

"Ei.. Mahal kasi kita eh.." napayuko ako. Ang gwapo mo kasi. Lahat naman ata ng babae, mamahalin sya. "Then forget what you are feeling" casual nyang sagot. Akala nya kasi ganun lang kadali yun eh. Pero buo na ang desisyon ko.

"Basta! Liligawan kita no matter what! I'll get you by hook or by crook. Mamatay man si batman!" Bahala na. Napatahimik sya dahil dun. Sinimulan nya na rin i-drive uli ang kotse. Baka kasi ma-late kami.

"Fine. Do what you want. Masasaktan ka lang" Matagal na akong nasasaktan Jayce. Kung alam mo lang. "Pero friends pa rin tayo ha"

"Tss. K, Friends" Tumahimik na naman. Binaba nya ko sa may malapit na coffee shop sa school. Alam nya kasing malaking issue yun eh. Sino lang ba naman ako kumpara sa kanya. Sya, Gwapo, cool, matalino, MVP sa basketball/captain ball, presidente ng swimming club, Science club, Math Club, Music Club, Archery Club, Physics etc. Ako, kulelat na member ng Music Club at Arts Club. Bobo na nga, wala pang talent. Sabi nila yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You, Do you love me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon