Alam kong tanga ang umasa.
Hindi naman siguro masama yun di ba?
Kasi sabi nila libre ang mangarap, eh yun naman ang ginagawa ko, na kahit sa pangarap at panaginip ko lang siya makasama na kaming dalawa lang... yung masaya, as in yung parang may chemistry ? Oo ganon nga.
Sabi nila asyumera raw ako, sabi ko naman sa sarili ko, "naku Aiyen, Haters mo lang yang mga yan, ibig sabihin maraming sumusubaybay sayo, maraming interesado sa buhay mo, at sila ng dahilan kung bakit napakatibay mo.
So heto ako, umaasa, nasasaktan, eh ganon naman talaga diba? Hindi naman natin maiiwasan yang mga ganyang bagay.
Pati kayo diba? Nasasaktan, Umaasa, Napapagod, Naaasar, Napipikon dahil sa mga taong negative kung mag isip na nakapaligid sayo...
At sobra ang pasasalamat ko dahil dumating siya, yung taong ipagtatanggol ka sa iba, yung taong poprotekta sayo kapag may umepal sa paligid mo....haysttt.. sarap ng feeling kung alam niyo lang...
At siya rin ang dahilan kung bakit ako umaasa at nasasaktan...
*************************************
BINABASA MO ANG
Love Me Like You Do
RandomAlam kong tanga ang umasa. Hindi naman siguro masama yun di ba? Kasi sabi nila libre ang mangarap, eh yun naman ang ginagawa ko, na kahit sa pangarap at panaginip ko lang siya makasama na kaming dalawa lang... yung masaya, as in yung parang may ch...