After Knowing That

7 0 0
                                    

(Cassy's POV)
After ko malaman lahat ng impormasyong iyon mula kay Alexa parang napangiti ako bakit kaya?

Nandito na kami ngayon sa canteen for our last break. As usual may daldalan na namang magaganap. After namin bumili lahat.

"Uy.!! Alam niyo ba may nagkakagusto kay Cassy!" Ang sabi ni Alexa na para bang pinaparinggan ako.

"Alexa! itigil mo nga yan di ka na nakakatawa.!" Ang sabi ko sa kanya ng nakakagat labi ako.

"Sino, Alexa?" Ang tanong naman ni Joanna.

"Isa, Alexa kapag sinabi mo yun yari ka sa akin FIO na tayo!!" Ang sabi ko kay Alexa bago pa siya magsalita habang ako dito naiinis na.

"Ayoko, wag daw eh.!" Ang sabi ni Alexa na parang natatakot na sa akin.

"Yun naman pala eh!" Ang sabi ko habang nakayakap ako sa kanya.

Tapos pinagpatuloy nalang namin yung pagkain nang biglang tumunog yung Bell..

***Kring.. Kring.. Kring***

At umakyat na kami. Nang bigla kong nakita si Bryan at nakita rin niya ako at ngumiti siya sa akin habang kasama ang mga kaibigan niya. At nagsimula na naman kami sa pagsulat ng sobrang daming notes.

(Bryan's POV)
Kanina habang nagsusulat ako sa sahig may narinig akong babae na umangal dahil di siya maka-pagsulat ng maayos kaya ayun kinausap ko siya at pinaupo ko sa upuan ko. Umupo na siya pero tinanong niya pa rin ako kung okay lang ako sa sahig umupo. Ang concern niya naman sa akin.

Nung nabakante na yung upuan sa tabi ng upuan ko umupo ako doon at tinanong na naman niya ako kung comfortable ako sa ibang upuan nakaupo tapos nag- thank you siya sa akin pumunta pa nga yung kaibigan niya sa tabi niya at nag-usap sila.

I heard yung tinanong sa kanya ni Alexa, kung bakit ko daw kinausap si Cassy. Si Cassy nga pala yung pinaupo ko sa upuan ko kanina ganda nga ng name niya eh..

"I want to be friend of her. Sana siya rin.." yan lang ang tangi kong nasabi sa sarili ko.

Hindi ko na narinig pa yung iba nila usapan at sa halip ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat..

Nang tumunog yung bell nilapitan ako nila Drake at Miguel at sabi nila sabay na daw kaming bumaba sa canteen kaya sumama nalang ako sa kanila.

Tapos nung natapos yung break at umakyat na kami tapos nasalubong namin si Cassy at ang mga kaibigan nito at nginitian ko nalang si Cassy at nung nasa classroom na kami nagpatuloy na naman kami sa pagsulat ng napakaraming notes pero hindi na siya nakaupo sa sahig o sa upuan ng kahit na sino nakasimangot itong nakaupo sa upuan niya sa likod.

I Can Love You Like ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon