2.) Peke ang commercials

35 5 0
                                    

(A/N - Hugot po si Zaidee,Guys! Meep)

×××

By now,sikat na po ang aking pangalan sa youtube.Kapag aalis ako sa dorm,palaging may abubot na magpi-picture at gagawa na naman siguro ng kwento tungkol sa akin being the Hugot Girl,sabi nga nila.

And by now,dagsaan ang tao sa Rockin' Hearts,bakit nga ba?

Mago-order lang ako ng Truffle Spice Latte at magpapa-picture kasama si Hugot Girl,double the cash.

Ayan po ang dahilan,at na-flatter naman ako kay atche,ido-doble pa ang bayad para sa akin? Kung hindi ba naman special...charot!

Balak ko nga magpa-VIP dito sa cafe dahil naririnig ko na merong gagawa ng fans club kay Hugot Girl,meaning - fans club for me! Paano kaya kung may bayad ang bawat paglitrato sa akin? Madami siguro akong maiipon na pera para sa payment ng dorm.

Etchosera ako,sorry not sorry!

At muling tumunog yung chime,meron na tayong 100th costumer for today!

"Welcome to Rockin' Hearts! We Dream.Believe.Survive!",bati ko at sabay kaming kumanta ng,"STARSTRUCK!~"

Nakita kong saglit na nabigla sa eksena si Kuya (Yes,it's a boy) ngunit bigla siyang sumimangot.Why? Masyado bang welcoming?

"Yung pinaka-regular niyo na coffee",sabi ni Kuya at napatingin naman ako sa ayos niya.Jet black na kulay ng buhok,naka-V neck style na blue shirt,naka-rubber shoes,at merong eyebags.Sige,pogi na.

"Are you sure about your decision Sir? It's your choice,dahil minsan la--"

"I said my order.Sa tingin mo ba hindi ko sasabihin iyon nang hindi ako sigurado?",challenging yung boses niya habang naka-focus sa akin.Focus?

Focus on me! Fo-fo-focus on me!

Focus on me! Fu-fu-fuck a zombie!

Punyatera,focus Zaidee.

Nakataas yung kilay ni Kuya habang hinihintay yung sagot ko,he smirked,"Huhugot ka pa sana kanina"

Tinalikuran ko na lang siya at sinulat ang orders.Bakit ang sungit ni Kuya? Meron ba siya ngayon? 'Di bale,pagbigyan at maganda naman ako.Bawal ma-stress ika nga.Nakita ko siyang umupo sa aming lonely table na para sa isang tao lamang.At napaisip ako bigla,kung lahat tayo ay may nakatakdang partner para sa isa't isa,bakit nabuo pa ang salitang Me,myself,I,you,him,her and lonely table? 'Yan tuloy,alone si pogi.

Noong natapos na ang order ni Kuya,nag-volunteer ako na ako na lang ang magdadala ng nescafe sa table niya.May ginawa lang ako para personalized yung cup niya.I grabbed the tray with trembling hands at napahinga ng malalim,"Coffee,sir?"

Napaangat ng tingin si Kuya mula sa cellphone niya,nabigla.Ibinaba ko na yung tray at nakitang tumingin si Kuya sa sticky note na nakadikit sa cup - With wings or without wings? :o

Hindi ko alam kung anong emotion ang dumaan sa mukha ni Kuya,na-gets niya kaya? Sa wakas,nakatingin na siya sa akin ng walang emosyon.

"Are you insulting me?"

Wow.Englishero itong pogi na 'to,at naalala kong sinabi ni Aaron sa akin na ang mga magaganda ay hindi marunong sa english lalo na sa pagsasalita nito,kaya sinagot ko si Kuya nang,"Whom's tolding you they?"

Pinanliitan ako ng mata ni Kuya,chinito siya bakla! AYAW KO NG MADE IN CHINA EH! Insert sad face.

"The eff,hindi ka si Sarah Geronimo and are you saying I'm shitty?",galit niyang tanong.Oh shet.May namumuo ng pawis sa aking noo at ilan na ang pumapatak at nagsli-slide sa leeg ko.

"Here,meron akong biscuit na magic",pag-alok ko sa kanya.

Tinaasan na naman niya ako ng kilay,"The hell am I going to do with this?" Tama,meron siya ngayon.

"Kainin niyo po muna please"

Kinain naman niya ito habang tinititigan ako.Feeling ko ang sama kong tao dahil sa mga titig niya na pwedeng ikamatay ng tao.Mga ilang minutes ay ubos na niya at tinanong ako ulit,"Ano na?"

Nakipag-staring contest muna ako.

At nag-give up."Hindi naman dumating si John Lloyd!",angal ko sa harap niya habang seryoso ko na rin siyang tinignan.Marami akong napansin noong mga sandali na iyon,tulad nang mga matang nakatutok sa aming dalawa,mga boses na puno ng istorya tungkol sa isang lalake at isang RH staffer,mga flash ng iba't ibang camera mula sa mga fans ko,mga tawa ng mga matatanda sa gilid,and the rest yung wapake's.Pero iyon lamang ang napansin ko,dahil yung ngiti niya ang nakikita ko.

Ngumiti si kuyang pogi sa akin!

Pero lahat ng masasayang pangyayari,napapalitan ng lungkot na ikakasakit natin.

"Aray,shit!"

Napatayo ako nang biglang napaso yung binti ko sa init ng kape,nescafe pa! *anong connect* Bigla kasing napatayo si Kuyang Pogi at natabig yung kapeng hindi pa niya iniinom.Tumayo na rin ako at bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso,"sorry talaga" yung naririnig ko.

Pero alam kong na-fall na ako.

ANO 'TO? DUMIKIT LANG,NA-FALL AGAD?! FLAPPY BIRD ANG PEG,GANERN?!

Charot! "Sorry Zac,hindi ko sinasadya",rinig kong sabi ni Pogi.

"Ayun na nga eh,kahit naman hindi natin pinaplano ang isang bagay o ang saktan ang kapwa,hindi natin ito mapipigilan! Pain demands to be felt! Hindi mo nga sinasadya pero nanakit ka pa rin! Pero ayos lang sa akin! Dahil ang buhay ay parang ganito - kapag nadapa tayo,hindi natin mararamdaman yung sakit,hindi na rin natin malalaman na tayo ay nasasaktan na.At patuloy pa rin tayong mamumuhay na hindi alam na nasasaktan na tayo.Kaya ayos lang masaktan para alam kung kailan natin sasabihin na tama na",pagtatapos ko sa valedictorian speech ko.Keri bells!

Sikat na naman ako niyan.

"Nga pala",habol ko,"May bayad yung magic."
















AUTHOR'S NOTE
Nako Zaidee,haha! XD
Paasa yung magic commercial neh?
LOL :3 Anyway,share this story to your friends if you liked it.THANKS :)

Meep (=^・ェ・^=)




Get Over.Walang forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon