Chapter 1

17 3 0
                                    

"Mamaaaa!! Mamaa!! Wag nyo po akong iwan.. Natatakot po ako" iyak ng isang batang babae.

"Ligtas ka dito anak. Dito ka lang ha? Wag kang aalis dyan. Okay? Lagi mong tatandaan na mahal ka ni mama."  pagkasabi nyang sabihin yun ay umalis na sya.

Habang ang bata ay tahimik na umiiyak kung saan sya iniwan ng kanyang mama.

*KKRRRIIIINNGGG....*

Napabangon ako dahil sa ingay ng alarm clock. Hayyy!! Napanaginipan ko na naman yun. Di ko alam kung sino yun at kung bakit madalas ko yung napapanaginipan.. Kahit itanong ko kay Papa di nya rin daw alam.

Naligo at nagbihis muna na ako bago lumabas ng kwarto. Pumunta akong kitchen at nakita ko dun si Papa na naghahanda ng pagkain.

"O, Khristine kain na. Baka mahuli ka pa sa school." sabi ni papa. Sweet ng tatay ko palibhasa walang lovelife. Kaya sa akin nagiging sweet.

"Sige po. Sabayan mo na po ako Pa." sabi ko. Umupo na rin sya sa tapat ko at kumain na din.

"Nga pala Pa gagabihin ako ng uwi dahil may meeting pa kami. Wag nyo na po akong intayin ha?" sabi ko habang nasubo ng hotdog.

"Hindi, iintayin kita. Alam mo naman na di ako makatulog kapag wala ka pa dito. Mag aalala lang ako."

"Hahaha sige na nga. Basta uwi po ako agad pagkatapos. Bye na pa alis na ko baka malate pa ako." humalik muna ako bago umalis.

Lumabas na ako ng gate namin. Naglalakad lang ako dahil walking distance lang naman. Siguro mga 6-8 minutes lang ang layo.

Papakilala muna ako habang naglalakad. Ako nga pala si Khristine Dwell Aguilar. 1st year Collage sa ACU or mas kilala sa Anderson College University. Tinetake ko ang Mass Communication. Mahilig ako sa mga journalisms, ewan ko nga kung bakit basta bata pa lang ako gustong gusto ko na talaga ito. Kahit na si Papa ay isang lawyer, di ko rin kinahiligan iyon. Lumaki ako kasama ang Papa ko. Si Mama ay maagang namatay dahil sa sakit sa puso. Pero buti na lang mabait si Mama di nya pinamana sakit nya.

Meron din pala kaming coffee shop sa baba ng bahay namin. Bale, yung 2nd floor yung bahay namin. Katulong ni Papa dun yung isa nyang natulungan sa kaso ibig sabihin isa syang ex convict. Pero mabait naman sya.

Nakarating na ako ng school. Tiningnan ko ang oras, sakto lang pala dating ko.

Dumeretso na ako sa room. Pagkapasok ko pa lang boses ko na agad na rinig nya....

"GOOD MORNING BESTIE" walang iba kundi ang madaldal kong bestfriend na si Charm Mendoza.

"Charm, agang aga ha? tigilan mo ako. Mamaya ka na mangulit" dahil alam ko na kung ano ang gagawin nya syempre mag kwekwento na naman yan sa kung ano ang nangyari sa date nila ng boyfie nya..

The Mysterious Guy is A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon